Chapter 2

271 14 0
                                    

Nakita ko na siya. Tangina totoo nga, ang gwapo. Mas lalo pang nagsigawan ang mga babae nung sandaling magsalita na siya "Good Afternoon Ladies and Gentleman."

Tangina baka atakihin sa puso ang mga babae dito. Paano naman, kahit hindi business or accounting related ang course nila at nagpumilit pa rin silang pumunta dito.

Nagpatuloy ang pagsasalita ni Mr. Lim Una muna ay pinakilala niya ang sarili niya tapos kung san siya nagtatrabaho at kung ano ano pa.

Lintek! Bawat sabihin niya ata ay may sigaw ang mga babae eh.

I got interested in him actually. While he was explaining and retelling his life that he was an outcast when he was in grade school and highschool. Palagi din daw siyang pressured sa mga magulang niya kasi nagiisang anak at magmamana daw ng kompanya. He wanted to take the course culinary but his parents demanded him to take the course of Business Management. Biruin mo, 25 years old pa lang siya eh owner na siya ng isang malaking kompanya? Damn!

"Alam mo besh, may alam na ako na magandang thesis." Bulong sakin ni Ally

"Ha? Ano?"

"Gawin nating topic iyan si Mr. Lim para dun"

"Teka sigurado ka ba dyan? Alam mo namang mahirap kunin ang sched niya diba?"

"Oo nga pero tingnan mo, alam kong susuportahan tayo ng school kasi tayo na lang ata ang walang thesis title sa lahat ng sections dine aba naman, nakakahiya na. Tsaka biruin mo, si Mr. CEO pogi slash gwapo ang ating respondent, siya at siya lang. Sige naaaa let's give it a try, malay mo naman gumana diba" panguudyok pa lalo nito sa akin.

Ang totoo nan ay natuwa din ako kahit papaano na magic topic namin si Mr. Lim para sa thesis namin, kasi syempre tulad nga ng sinabi ni Ally ay palagi ko siyang makikita kaya win-win ako dun. Makakagawa na nga ako ng thesis, busog pa ang mata ko.

"Sige sige try natin"

I wanted to change the world for him. If I can.

Alas tres na nung unti-unting humupa ang mga tao sa bar. Umalis na rin si Christian na para bang wala kaming pinagusapan. I don't want to hear his name or whatsoever. I wanted peace.

"Sino yung kausap mo kanina?" Tanong sakin ni Bailey na nakahilig sa may bar stool

"Yun? Kaibigan ko yun. Ang tagal na kasi naming di nagkita." Sabi ko habang nagpupunas ng mesa doon." Siguro destiny talaga na pagovertime-in ako dito sa bar, para makita siya" pagpapatuloy ko pa

"May gusto ba yun sa iyo?" Taas kilay na tanong sa akin ni Bailey

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. "Wala, susme ikakasal na yun. Hayaan mo na lang siya na maging masaya. Idinamay mo pa ako."

Biglang naging seryoso ang mukha niya "Akala ko may kaagaw na naman ako sa iyo" bulong niya na narinig ko naman

"Bailey..."

"Oo alam ko, di mo pa prioridad ang magkaroon ng kasintahan. Sumusubok lang naman ako eh. Hayaan mo na ako" sabi niya sabay upo sa stool

Mabait na tao si Bailey, ayokong masakal siya sa bagay na alam kong matatalo siya. Ilang beses ko na ring sinabi sa kanya na wala siyang pagasa sakin dahil iba ang nilalaman ng puso ko at malamang ay di pa ako handa. Alam kong halos nasa apat na taon na ang nakakalipas pero putek wala. Walang pagusad.

Kung tutuusim, si Bailey ang lalaking hinahanap ng isang babae. Bouncer siya dito oo, pero nakapagtapos siya ng Medicine at magtatrabaho sama bilang doktor. At ngayon nagaaral siya sa kanyang internship. Kaya nagtatrabaho lang siya dito tuwing gabi.

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now