Chapter 10

175 7 0
                                    

"Compatible ang Blood ni Mr. Xavier sa anak niyo Ms. Garcia, shall we perform the blood tranfusion?"

Ilang araw na mula nang masalinan ng dugo si Eros. Masaya ako at nagiging maayos na ang lagay niya.

Ibinabantay ko muna kay Gretchen si Eros at kumuha ako ng damit sa bahay at bumili na rin ako ng pagkain.

Nasa hall na ako ng hospital nang sandaling may tumawag sakin. "Hello?"

"Kamusta na si Eros?"

"Bailey.."

"I told you Louise, you need to perform the surgery as soon as possible. Kamusta na siya?"

"Nasalinan na siya ng dugo pero sabi ng doktor, di magtatagal at mahihirapan na siyang huminga."

"Louise, dalhin mo na sa Maynila si Eros, he will be monitored here properly lalo pa't nagrorounds na ako sa St. Mary's"

"I don't know Bailey.."

"Ano na namang problema?"

Hindi ko masabi sa kanya na kaya iniiwasan ko din na dalhin sa maynila si Eros eh dahil kay Michael, ayokong kunin niya sakin ang anak ko. Lalo pa at nandito na siya ulit sa Pilipinas.

"Louise, listen. Do this for Eros. He needs your help"

Sabagay, di rin naman maiiwasan na di magkita ang anak ko at ang ama niya. Plano ko rin namang ipakilala si Eros sa kanya. Kung agawin man sakin si Eros, lalaban ako at lalaban, isama man sa batas "Sige, bukas dadalhin ko na sa maynila si Eros"

"Great! Hihintayin ko kayo dito sa St. Mary's tsaka darating dito bukas ang mga mayari ng dalawang kompanya at iinspeksyunin nila ang mga pasyente. Mabuting nandito kayo. Wag kang magalala, yang expenses na nagastos niyo dyan sa Laguna, eh sila na ang gagastos once na napili nila kayo bilang beneficiary nila"

"Salamat Bailey, tawagan na lang kita mamaya"

"Sige. Gusto niyo bang ipasundo ko kayo dyan?"

"Wag na. Kami na ang bahala. Sobra sobra na ang tulong mo"

"Sige. Ingat kayo dyan. Ikamusta mo ako kay Eros"

"Sige. Salamat ulit Bailey" sabay baba ko ng Telepono

Dumiretso na ako sa room ni Eros, nasa regular room na kasi siya after ng Blood Transfusion.

Pagkabukas ko ng pinto eh nakita ko si Gretchen na nanonood ng tv. Napatingin siya sakin "Ateng nandito ka na pala"

Lumapit ako kay Eros at hinalikan siya sa noo tsaka umupo sa tabi nito. "Pumunta ba dito yung Doktor niya?"

"Oo pinainom siya ng gamot kaya siya nakatulog tapos ibinigay din yung mga gamot ka kailangang idagdag sa intake niya.

"Ganun ba?"

"Oo ateng, nasa bag mo na yung listahan, tingnan mo na lang mamaya"

"Wala ka bang trabaho ngayon?" Sa ganitong oras kasi dapat naggagayak na siya para sa trabaho niya mamaya.

"Nagleave muna ako para kay Eros"

Napangiti ako sa kanya "Salamat Gretchen"

"Sus ateng! Kahit baga ako'y malibog at puro kabastusan ang iniisip. Napamahal na din ako kay Eros, you have been at good mother to him at sinusuportahan kita dun."

"Ikaw din naman Gretchen, naging nanay ka na rin niya"

"Alam ko. Pero mas madami na ang sinakripisyo mo para sa kanya"

"Salamat talaga Gretchen."

"Ateng naman! Kaya ayaw kong magdrama ng ganito eh! Naiiyak ako!! Ikaw ha! Mas malibog ka pa pala kaysa sa akin! Mas una kang nagkaanak eh!" Sabi nito sabay tawa

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now