Chapter 24

122 7 0
                                    

Kinabukasan ay agad naming inihanda si Eros para sa magiging operasyon nito. Nung malaman nina nanay na may donor na si Eros ay labis labis din ang tuwa na naramdaman nila.

May mga nurse at doctor din na nadaan para icheck ang vital signs ni Eros, tinitingnan din nila kung compatible ba ang bone marrow sa anak ko. At sadyang napakabilis nang lahat ng nangyayari. Sa isang iglap ay gagaling na ang anak ko.

Saktong alas otso ng gabi ay ooperahan na si Eros. Nasa tabi ako ng anak ko habang hawak hawak ang kamay niya. "Kinakabahan ba ang baby ko?" tanong ko kay Eros

Ngunit sa halip na makita ko siyang kabahan ay bigla itong ngumiti sa akin. "Hindi po, kasi po gagaling na ako at tsaka sabi po ni Tito Michael, kahit ano daw po gawin sakin ng doctor at nurse ay wag daw po akong matakot kasi ginagawa po nila lahat para magamot ako. Sila po shupeoman ko."

Napangiti ako sa sabing iyon ni Eros, natutuwa ako dahil naiintindihan niya ang gagawin sa kanya. At kahit papaano ay natutuwa din ako dahil nakuhang sabihin iyon ni Michael sa kanya. Para talaga itong tatay kung iisipin.

"Kaya ikaw po mama, wag kayong kakabahan. Gagaling na po ako, magiging tulad ko na din po si shupeoman"

"Tama yun" ngiti ko sa kanya sabay halik sa noo nito.

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Michael. Asan na kaya yun? Nakakapagalala lang na bigla na lang siyang nawala at di nagparamdam. Lalo pang nakakapagpakaba sakin yung katotohanang nagpagamot siya psychologically. Dapat ang mga taong tulad niya ay inaalagaan ang mental health.

Di nagtagal ay dumating na si Tatay at isang nurse "Nak, kukunin na daw nila si Eros. Nandun na din ang nanay mo sa may operating room. Inaantay na din tayo ng Nanay mo."

Tumango kay Tatay ay sabay nun ay ang paghila ng nurse sa kama ng anak ko papalabas ng kanyang kwarto.

Habang naglalakad kami ay hawak hawak ni Eros ang kamay ko. At nang sandaling makarating na kami sa operating room ay ngumiti ito sa akin ng pagkatamis tamis

Diyos ko, pagalingin niyo na ang anak ko.

"Miss Garcia?" pukaw sakin ng doktor.

"Yes dok?"

"Ilang oras lang ang itatagal ng operasyon, siguro naman ay nabrief na kayo sa maaring mangyari sa operasyong ito."

"Ah opo, nung umaga po, nagawa na ng nurse."

"Wag kayong magalala, gagawin namin lahat ng aming makakaya para sa operasyong ito."

"Salamat dok"

Bigla kong naalala yung takng magdodonate ng bone marrow para sa anak ko. "Dok, may tanong lang po ako."

"Ano yun mam?"

"Yung... Yung magdodonate ba ng bone marrow sa anak ko, nasa loob na?"

"Yes Mam, actually be was already ready 30 mins ago. And he is really expecting a good result from this"

"'He' po? So lalaki ang magdodonate sa anak ko?"

"Yes Miss Garcia but for now iyan na lang muna ang information na kaya kong maibigay sa inyo. He is a very private person. He want this operation to be a lowkey one, I hope you understand."

"Yes, dok. Naiintindihan ko po. Salamat po."

"Excuse me, kailangan ko nang magayos para sa operation." sabi ng doktor bago ito tuluyang umalis sa harapan ko.

Sabay naman nun ang pagdating ng nanay ko na may dalang bottled juice. "Naipasok na ba si Eros sa loob?" tanong nito sabay abot sakin ng juice.

Tinanggap ko yun at umupo sa tabi ni tatay sa isang bench. "Opo, mukhang ilang oras din ang itatagal ng operasyon."

Just This Once #ManilaTimesAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon