Chapter 8

163 8 0
                                    

Namimili kami ngayon ni Eros sa grocery. Ito na lang kasi ang nagiging bonding naming magina tuwing off ko. Nakasakay siya sa Cart habang tulak tulak ko ito. "Anong gusto mo na bilhin, anak?"

"Yung Skyflakes na lang po?"

Agad kaming nagpunta ng biscuit section at habang itinutulak ko yung cart eh biglang na natamaaan ako "Sorry po.... Xavierr?!"

"Louise? Kamusta ka na?" Napatitig siya kay Eros "siya ba?"

Unti unti akong tumango "Anak, say hello to Tito Xavier mo"

"Hello po tito"

---
"Hello? Louise napatawag ka"

"Kaya mo ba akong tulungan?"

"Oo basta ikaw. Para san ba?"

"Ganito ang gagawin mo"

---
Naging kasabwat ko si Xavier nun sa pagtataboy kay Michael. Pero kalakip nun ang pagkamalas ng mga susunod na buwan niya. Nawalan siya ng trabaho, hindi siya tinatanggap sa ibang kompanya at kung ano ano pa. Kaya nagdesisyon siya na bumalik na lang muli ng Tacloban kasama nina Mama at least daw dun meron siyang trabaho.

Alam niya na si Michael ang may kapakana ng lahat kung bakit siya nawalan ng trabaho. Pero hindi niya kailanman pinagsisihan ang pagtulong niya sa akin.

Dahil kay Xavier, masasabi kong naging successful ang pagtataboy kay Michael.

Nasa Jollibee kami ngayon at ikinain namin si Eros, umorder siya ng kiddie meal para kay Eros at spaghetti at Burger para sa aming dalawa.

Nang sandaling makatapos kami sa pagkain eh napili ni Eros na maglaro muna kaya nagkaroon kami ng tsansa ni Xavier makapagusap.

"Nagkita na ba ulit kayo ni Michael?"

Ngumiti ako ng mapakla "Hindi pa. At hindi na dapat mangyari pa yun. Masaya na siya at ayoko nang makagulo pa sa kanya. Para sa kanya, isa na lang akong bangungot na dapat nang makalimutan. Besides, kasal na siya"

"Akala ko ba kasal na kayo? Bakit siya nagpakasal sa iba?"

"Xavier mayaman siya. Di malabong nagawan niya yun ng paraan para mahiwalay siya sakin kahit wala pa ang tulong ko"

"Eh anong plano mo na nan?"

"Sa totoo lang Xavier, di ko pa alam. Kailangan ko nang paoperahan si Eros, lalo kasing nalala ang sakit niya. Ayoko naman na mawala sa kanya at pakiramdaman na maging bata dahil lang sa hindi siya pwedeng maglaro kasi mabilis siyang hapuin na maari niyang ikamatay."

"Hindi ka ba hihingi ng tulong sa kanya?"

"Para saan pa Xavier? Tulad nang sinabi ko kanina, ayoko na siyang gambalain pa. Kaya kong magtrabaho nang magtrabaho para sa anak ko"

"Buong buhay ko, sinusuportahan kita pero sa ngayon masasabi kong mali ang desisyon mo. Gawin mo ito para sa anak mo"

"Di ko alam Xavier, masyado nang naging komplikado ang lahat na kahit sino, kahit siya, hindi na niya magagawan ng paraan."

"Pero Louise, di mo lang anak yan. Anak niyo yang dalawa. Di pa parang may karapatan din si Eros na makilala ang tatay niya? Paano kapag nagtanong na siya kung nasan ang tatay niya? Anong sasabihin mo?"

"Hindi ko pa napag-iisipan ang bagay na yan. Ang mahalaga maging tahimik muna ang mundo para saamin. Di ko naman ipagkakait kay Eros ang ama niya eh. Natatakot lang ako na baka di siya matanggap ni Michael"

Bandang alas cinco na ng hapon nun nang naisipan na namin umuwi na muna sa bahay. Nananalagi pala si Xavier sa Laguna ng ilang linggo dahil sa delivery ng mga produkto kanilang kompanya sa tacloban.

Just This Once #ManilaTimesAwardsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora