Chapter 30

122 6 0
                                    

Kinabukasan ay kami na lang ni Eros ang nagalmusal dahil sabi ni manang ay maaga raw umalis si Michael dahil marami daw itong aasikasuhin sa opisina. Ngayong araw ay desidido na talaga ako na makaalis sa mansyon na ito dahil maayos na naman ang lagay ko tsaka hindi na rin ako nahihilo at nasusuka. Wala nang dahilan pa para manatili kami dito.

Iintayin ko lang na makauwi si Michael tapos papaalam na kami para makauwi na kami sa apartment.

***
Nasa opisina ngayon si Michael kasama si Christian habang inaantay ang results ng test. "Sigurado ka na ba sa decision mo? Masasaktan si Louise nan"

"Bastard! Akala mo hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo? You tick Louise, kamuntik nang makaalis ang dalawa sa maynila sa kagagawan mo!"

Para namang natameme si Christian. "Nagaalala lang naman ako kay Eros. Kilala kita Michael at alam ko ang kaya mong gawin. Natatakot lang ako na baka gawin mo rin iyon sa bata. Wala siyang kasalanan sa away niyo ni Louise."

"I am full aware of that, thank you very much" sarkastikong sabi ni Michael sa kaibigan niya. This time he wouldn't let Louise go.

"Kung ano man ang balak mong gawin kay Louise, sana isipin mo na ina din niya si Eros at hindi mo dapat basta-basta kunin ang bata sa kanya. May karapatan pa rin siya dito."

He is now irritated. "Eh paano naman ako?! Ano hahayaan ko na lang sila mapapunta sa Laguna na para bang mangyari at isama ang kabit niya doon?! Hindi ako papayag!"

Natahimik na lang si Christian at naupo na lang sa sofa malapit sa desk ni Michael. Iniisip niya na sana ay nasa matino pang pagiisip si Michael at alam nito ang kanyang ginagawa.

Hindi nagtagal ay dumating na ang mail sa fax at nang sandaling magprint ito ay nakaabang si Michael. Kahit ganoon ay hindi pa rin niya maiwasan na hindi kabahan dahil napamahal na siya sa bata. At kung dati iniisip niya na sana hindi niya anak ito, ngayon ay kabaliktaran na ang nararamdaman niya.

Bago pa man matapos ang print ay agad na bumungad dito ang resulta.

99.8% — Positive

Hindi malaman ni Michael ang gagawin nang sandaling mahagip niya ang sulat na iyon sa papel. Anak niya si Eros... Hindi siya makapaniwala na ilang taon na nawalay ang anak niya sa kanya at wala pa siya sa tabi nito nang sandaling nagkakasakit ito. Napasapo siya sa noo kaya napatingin si Christian sa kanya.

Napatayo ito sa upuan at nilapitan si Michael. Kahit ito ay kinakabahan din. "Kamusta? Anong resulta?"

Hindi nagsalita si Michael kaya nilapitan na lang ni Christian ang fax "P-positive" bulong ni Christian sa sarili.

Damn! He had a son at wala siyang kaaalam alam dun! Tinago sa kanya ni Louise sa loob ng ilang taon ang sikreto niyang iyon! Hindi niya maintindihan kung bakit kinailangan ni Louise na itago ang katotohanang iyon sa kanya. Dahil ba galit ito sa kanya? Wala naman siyang ginawa ritong masama para paggawan siya ng ganito. Dahil ba gusto na nilang magsama ni Xavier kaya ipinamukha niya na anak ito nito?

Kung nagagawa nila iyon dati, hindi na siya papayag na malayo pa ang anak nito sa kanya kaya agad niyang kinuha ang cellphone nito at muling tinawagan ang abogado niya. "Hello Attorney? Let's meet at Lim's residence now, bring the papers." Sabi nito sabay patay ng tawag.

Nakaramdam naman ng hindi maganda si Christian dahil sa kinikilos ni Michael. Kinuha agad ni Michael ang susi ng kotse nito at akmang lalaba na ng opisina. "T-teka! Saan ka pupunta?" Tanong ni Christian

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now