Chapter 21

167 5 3
                                    

Disclaimer: This chapter contains heavy language and Sexual Scene. If you don't want to read the scene beforehand you can skip it and proceed to the next Chapter. Strong Guidance is advised

Enjoy the Story!

Tinotoo ni Michael ang sinabi niya. He took me there. Sadyang di siya tumigil hangga't di pa ako yung naglupasay sa sahig. I almost fainted nung tinigilan niya ako. Di ko na mabilang kung ilang beses yun nangyari at isang bagay kang ang alam ko ngayon. I am so sore.

Iika ika akong maglakad ngayon. I can't move freely. "Anak ano bang nangyari sa iyo? Bakit iika ika kang maglakad?" tanong sakin ni Mama

Tangina "Ahh Nay kasi po natapilok ako sa may gutter. Kaya medyo nahihirapan po akong maglakad"

"Ha? Eh napahilot mo na ba yan?"

"N-nako, di na naman po yung kailangan. Mawawala din po ito bukas." sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Siguraduhin mo lang anak at mahirap ang may iniinda."

"Asan nga po pala si Tatay?" pangiiba ko ng usapan

"Ah yun.. Naghahanap ng trabaho baka sakali daw na swertehin siya dito sa maynila"

"Ha?! Bakit niyo naman pinayagan? Alam niyo naman na may iniinda din din Tatay eh"

"Hay nako! Yang ama mo ang matigas ang ulo! Ayaw papigil. Sinasabi niya sakin na magagaang trabaho na lang daw ang gagawin niya. Mahirap kasi daw na umasa na umasa na lang dito sa fund na ibinibigay sa anak mo. Tsaka kailangan naman natin ang mabuhay kaya napilitan din ang tatay mo"

"Yaan mo nay, maghahanap ako ng bagong trabaho"

"Bakit? Natanggal ka ba sa bar na pinagtatrabahuhan mo dati?"

"Di naman po sa ganun. Ako na rin kasi yung umalis kasi inaalala ko si Eros. Mas maganda na mas maraming oras ang ilalaan ko sa kanya."

Di nagtagal ay biglang nagring ang aking cellphone kaya lumayo muna ako sa anak ko at kay nanay at sinagot ko yun. "Hello?"

"Bunso..."

"Ate!"

"Kamusta na kayo? Pasensya na di pa ako makadalaw ha? Tatapusin ko muna lahat ng trabaho ko dito para wala na akong iintindihain kapag bumalik ako. Sabihin mo nga pala kay Nanay na nagpadala ako sa acc niya."

"Sige po ate sasabihin ko. Ikamusta mo ako sa pamangkin ko ha? Kay Baby Usha"

"Oo naman, di ko nga alam kung isasama ko pa yung makulit na yun eh"

"Isama niyo na ate meron naman akong apartment na nirerentahan dito. Di ka na mahihirapan tsaka paniguradong madalas din sila maglalaro ng anak ko"

"Kamusta na nga pala si Eros?"

"Ayun, sa awa ng diyos ay nagaling na ang pakiramdaman niya pero naisipan ko na isasagawa na namin yung operasyon para di na muli mangyari yung nangyari dati. Lalo pa at gusto nang pumasok sa eskwelahan ngayon ni Eros. Mas maganda na yung sigurado kaysa magaalala na kang ako palagi sa kanya"

"May pera ka na ba para isagawa ang operasyon?"

Nilunok ko lahat ng laway ko at sinabing, "Yung ama niya... Siya ang magpapaopera at magbibigay ng bone marrow kay Eros..."

"Ha?" halata kay Ate ang pagkagulat niya "Nahihibang ka na ba? Para mo na ring hinukay ang sarili mong libingan dahil sa ginawa mo!"

"Alam ko ate, pero ayoko na basta tumitig na lang at walang gawin. Kailangan ni Eros ng agarang operasyon kaya di siya makaalis ngayon sa ospital. Gusto ko lang makasigurado na ligtas na siya at di na aatekihin sa kahit anong oras ng kanyang sakit kahit pa kumapit ako sa patalim ay gagawin ko yun, mapagaling ko lang ang anak ko"

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now