Chapter 38

134 8 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nung naghiwalay kami ni Michael, himala na sadyang parang wala na siyang pakielam sa akin dahil hindi na niya tinatanong pa kungg nasaan ako, ni hindi niya nga ako magawang tingnan o kausapin sa tuwing nadating ako sa mansyon. Mukhang pursigido na talaga si Michael na mapahiwalay sa akin.

Idagdag mo pa nitong mga nakaraang araw, sabi ni manang ay simula nung isang araw na hindi na nakuha pa ni Michael na umuwi, lalo na daw kapag nandito ako. Palagi na lang nito tinatawagan si Eros, o minsan ay nagiiwan na lang ng vitamins ko kay manang.

Ngayon kasi ang engagement party nina Michael at Hershey, ito na talaga ito. Dati kasi parang naudlot gawa ko. Naghiwalay kasi kami bigla ni Michael kaya ayun nagpuna sila ng america at tsaka muling niyaya ni Hershey si Michael na magpakasal.

I shouldn't bothered right now pero nalulungkot ako dahil sa mga ikinikilos ni Michael ngayon, mukhang nagbago na nga lahat.

Nasa mansyon ako ngayon habang tinutulungan na magbihis ang anak ko ng suit niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang mangyayari. Naawa ako para sa anak ko. Tulad nang inaasahan ay hindi na naman umuwi si Michael dahil inaasikaso daw ang party at ang kasal nila.

"Ma, hindi mo na ba love si Papa?"

Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok niya at humarap ako sa kanya. "Anak bakit mo naman naitanong iyan?"

"Sabi kasi si Papa sa akin ay magkakaroon na daw po ako ng bagong mama."

Ang hirap naman itong ipaliwanag sa anak ko. It's really getting complicated as time goes by. "Ayaw mo nun anak? Dadami ang mama mo?"

"Pero tinanong ko po si Manang. Tinanong ko po siya kung pwedeng dalawa ang maging asawa ni Papa pero sabi niya mali daw po iyon. Bakit po magaasawa ulit si Papa? Hindi po ba kayo ang asawa ni Papa?"

I sighed. Paano ko ba ito mapapaliwanag sa kanya? Lumuhod ako sa harapan niya at hinalikan ang noo niya. "Baby, mabuting tao si Papa mo, masyado ka pa lang kasing bata at hindi mo maintindihan ang lahat pero promise ko kapag lumaki ka na, ipapaliwanag sa iyo ni Mama ang lahat. Pero sa ngayon, tatanggapin na lang natin ang magiging bago mong mama. Ang saya kaya nun, dalawa ang mama mo tapos may baby ka pa dito sa tiyan ni mama" sabi ko sabay kuha ng kamay niya at ipinatong ito sa tyan ko. "Anak, magpasalamat tayo sa kung anong nangyayari ngayon kasi makakatulong din ang mga ito para sa kinabukasan natin ha?"

He nodded. "Basta mama, huwag mo akong iiwan kahit may bago na ulit akong Mama ha?"

I smiled at caressed his cheek. "Oo naman baby, alam mo naman na love na love na ni Mama." Niyapos ko ito saglit at muli ko nang itinuloy ang pagaayos ko ng buhok sa kanya.

Balang araw maiintindihan din ng anak ko ito. Kung bakit ko kinakailangan na iwan ang Papa niya.

Hindi nagtagal ay biglang pumasok naman sa kwarto si Manang. "Hija, kumain ka na muna."

"Po? Eh si Eros po ba kumain na?"

"Oo, napakain ko na iyan. Bumaba ka muna saglit para makakain ka at makainom ng gamot. Baka magalit na naman sa akin si Michael dahil hindi daw kita inaalagaan"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Pasensya na po kayo kung ganun ang pinapakita ni Michael sa inyo."

Iginaya niya ako pababa ng hadgan. "Ano ka ba, wala iyon. Masaya nga ako na magkakaanak kayo ulit."

Pinaupo niya ako sa upuan kung saan dun nakahain ang kakainin ko. Umupo din siya sa harapan na upuan. "Mukhang lumalaki na ang tyan mo ah."

"Oo nga po eh. Nagsisimula na naman po akong mahirapan pero ayos lang naman po."

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now