Chapter 35

126 5 0
                                    

"You're wife's blood is positive with misoprostol and mifepristone, a combination of two abortion pills."

Napatingin sa akin si Michael. "Louise ano ito?!" Mukhang galit na galit ito

Kalilipas pa lang ng 20 minuto nang sandaling magising ako at agad namang tinawag ni Michael ang doctor at ipinaliwanag sa amin kung anong nangyari pero hindi ko naman magagawa na uminom ng abortion pills.

"Pero doc, hindi naman po ako nagpapaabort ng bata. Maniwala kayo. Hindi ko magagawa iyon sa anak ko, kahit nahihirapan ako ay hindi iyon dumaan sa isipan ko dahil ina ako."

"If you aren't taking abortion pills, bakit meron kang ganun sa dugo mo?" Tanong sa akin ni Michael.

"Mr. Lim, probably you're wife had eaten or drunk something that have a combination of misoprostol and mifepristone. Mabuti na lang at hindi ito nakaapekto sa bata. Your child is very eager, talagang makapit ang anak mo."

I smiled at thought. Salamat anak. "Aalis na ako Mr. and Mrs. Lim, ayusin niyo na lang po ang discharge paper sa nurse ko at pwede na po kayong makauwi after ng IV drop. Tsaka yung mga medications na ipinescribe ko, inumin mo din." Sabi nito sabay tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Frustrated na umupo si Michael sa upuan sa tabi ko. "Michael—"

"I told you not to work on that fvcking bar anymore! Pero ang tigas ng ulo mo! Ipapahamak mo ba talaga ang anak mo?!"

"Michael, huli na naman iyon eh—"

"Do you have any idea how worried sick I am?! Papatayin mo ako sa kaba Louise! I am so worried sick at hindi ko rin alam ang gagawin ko! Natatakot ako baka dalawa kayong kunin sa akin! I would go crazy!"

Sa pananalita pa lang ni Michael ay ramdam ko na ang labi na pagaalala nito. "Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya."

Natahimik saglit si Michael, kaya sa halip na malunod kami sa katahimik dito ay nagsalita na lang ako muli. "Kumain ka na—"

"You aren't taking those pills right?"

"Ha? Hindi Michael, hindi ko magagawa iyon, maniwala ka. Konsensya ko na lang at may takot ako sa diyos. Hinding-hindi ko magagawa iyon."

He sighed. "Then sino ang nagpainom nun sa iyo? Ano-ano ba ang nakain mo?"

Muli kong binalikan ang nga kinain ko. Sa bahay lang naman ako kumain at ako ang nagluto para sa aming dalawa ng anak ko. Kung askidente mang nalagyan ko ng kung ano ang pagkain namin, dapat may side effects na rin na nangyayari kay Eros ngayon pero dahil wala naman kaming narereceive na kahit ano kay manang edi ibig sabihin, wala talaga. At sigurado naman ako na hindi ako tanga para pagkamalang mali ang mga bagay-bagay.

Matapos nun ay dumiretso na ako sa bar. Wala naman akong nakain at nainom maliban sa... "tubig na ibinigay sa akin ni Grae..."

"What? What are you talking about?"

"Naalala ko na may ibinigay sa aking tubig si Grae. Pero hindi siya ang nagbigay nun, ipinabigay niya lang kasi nauuhaw daw ako."

"Don't worry. Ipapaimbestiga ko kung anong nangyari sa bar."

"By the way, paano ka nga pala nakarating agad sa bar? Tinawagan ka ba agad ni Mam Frez—?"

Umiwas ito ng tingin. "No, I was there the whole time."

"Ha?" Maang kong tanong. Hindi ko naman siya nakita doon

"And I am sure that you have been noticing me, once in a while. I was at the table, near the entrance"

Ahhhh siya yung lalaki na creepy na lalaging nakatingin sa akin. "Ikaw pala yun... bakit hindi mo na lang sinabi sa akin na nandun ka—"

"Ayoko kitang istorbohin. I saw you diligently doing your work. Nandun ako para kung sakaling may mangyaring masama sa iyo, may magagawa agad ako at tingnan mo na nga. I am still so glad that I was able to rescue you as fast as I can. If I weren't there. Baka kung anong mas malala ang mangyari sa iyo."

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now