Chapter 34

119 6 0
                                    

"Ma!"

Nagising ako dahil sa sigaw sa akin ng anak ko. Mukhang mas maaga pa itong nagising kaysa sa akin. Napagod siguro ako kakaiyak kahapon. Dun ko lang kasi nailabas lahat ng hinanakit ko. "Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko dito

"Opo! Bakit di niyo po sinabi na uuwi po kayo dito? Edi sana po nagising din po ako para sabay tayong matulog."

I kissed his forehead. "Nako anak, gabi na umuwi si Mama kahapon. Kaya hindi ka na niya nagising."

"Ganun po ba.... Nga pala po, si Papa tawag na po tayo. Magaalmusal na daw po."

Agad akong bumangon at dumiretso na agad sa dining area nila. Nakahanda na lahat ng pagkain at nakaupo na rin sa upuan sj Michael habang nagbabasa ng dyaryo, nakasuit na ito baka pagkatapos niya ng almusal ay didiretso na siya sa opisina.

Napansin ni Michael na nakatingin lang ako sa kanya. "What are you doing there? Sit now."

Hinila ako ni Eros papunta sa upuan ko at matapos nun ay umupo din siya. Ipinagsandok kami ni Manang. Napatingin ako kay Michael ay nainom lamang ito ng kape.

"Ma? Di ka po ba aalis ngayon?" Napatingin ako kay Michael dahil sa tanong ni Eros pero mukhang wala naman itong pakielamsa sasabihin ko

"Ah eh oo pero after nun kailangan na ni Mama na bumalik sa trabaho."

Mukhang naalarma si Michael sa sinabi ko, "hindi ka pa rin nagpapalipat ng shift? Nagusap na tayo kagabi di ba?"

"Ah eh pasensya ka na, ngayon ko pa lang kasi sasabihin yun."

"Huwag na. Ako na ang magsasabi—"

"Ayos lang Michael, magiingat na lang ako. Ngayon gabi na naman ang huli kong shift eh ayos na iyon. Para makapagpaalam na ako ng maayos."

He sighed in defeat. Alam na naman kasi ni Michael na talo siya sa usapang ito.

Matapos nun ay nagkuwentuhan lang kami ni Eros tungkol sa ganap niya dito sa bahay. Palagi daw silang naglalaro ng Papa niya at palagi din daw silang napunta ng mall para bumili ng gamit. Sana wag naman masyaong i-spoil ni Michael ang anak niya.

Pagkatapos ng almusal ay nagpaalam na si Michael sa anak at tuluyan nang umalis ng bahay. Kaya naiwan kami ni Eros dito na nagliligpit ng aming kinainan.

"Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?" Sa boses pa lang niya ay alam ko kung sino siya. "At bakit nandito ang paslit na iyan? Di ba sabi ko sa kwarto ka lang kapag nandito ako?!"

Nagtago si Eros sa likod ko dahil sa sobrang takot. Sino ba naman ang hindi matatakot sa hayop na nandito sa harapan ko? "Hoy Devere! Wag mo ngang pagsalitaan ng masama ang anak ko! Katatapos lang niyang kumain kaya malamang ay nandito pa siya."

"Wala akong pakielam! Kung hindi nga lang talaga sinabi ni Michael na patirahin ang batang iyan dito ay hinding-hindi talaga kayo makakatungtong ng pamamahay ko."

Alam kong magaaway kami ni Devere ngayon kaya sinabi ko muna sa anak ko na puntahan niya si Manang at ginawa naman niya iyon. Pumunta muna sila sa kwarto ni Eros para di nila marinig ang pagaaway naming dalawa. "Ano bang problema mong hayop ka? Eh ang aga aga ikaw ang nambubulahaw dito!"

"Baka nakakalimutan mo Ms. Garcia! Ako ang may-ari ng pamamahay na ito kaya gagawin ko ang nga bagay na gusto kong gawin dito at wala kang pakielam"

"Ah talaga ba iyo ito? Sa pagkakaalam ko kasi ay kay Mr. Lim ito nakapangalan at paniguradong wala ang pangalan mo sa last will testaments niya kung kaya't kumakapit ka sa anak mo."

Nakita kong nagkuyom ang kamao ni Devere sa galit. Mabuti nga sa kanya. "Sa tingin mo tatagal kayo ng anak mo?"

"Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko! Magkakapatayan talaga tayo!"

Just This Once #ManilaTimesAwardsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum