Chapter 28

106 6 0
                                    

Disclaimer: This chapter contains heavy language and Sexual Scene. If you don't want to read the scene beforehand you can skip it and proceed to the next Chapter. Strong Guidance is advised

Enjoy the Story!

***
Tulad nga ng inaasahan. Wala na naman akong nagawa kung hindi ang pagbigyan ang anak ko. Kung tutuusin naman panahon na ni Eros para maenjoy niya ang buhay niya, ngayon na magaling na siya.

Matapos ang check up ay inihatid muna kami ni Michael pauwi para makakuha kami ng aming gamit. Nang sandaling makarating kami dun ay nagsalita muna si Michael bago kami bumaba. "Make sure to pack things that is good for a night, dun muna kayo tutulog?"

Nanlaki ang mata ko nang sandaling marinig ko iyon kay Michael "H-ha? Bakit?"

Kung ako man ay nagaalala dahil sa sinabi niyang iyon, si Eros naman ay tuwang tuwa dahil makakapagswimming daw siya ng matagal sa swimming pool kina Michael. "Why what's wrong?" Tanong sa akin

Anong 'what's wrong?', kung gusto mo pa akong mabuhay ng matagal, ilayo mo kami kay Devere. Iyon man ang gusto kong sabihin sa kanya ay iba pa rin ang nasabi ko. "Wala... nakakahiya kasi baka nakakaabala na kami sa bahay niyo tsaka sa iyo baka may trabaho ka kinabukasan."

Pero sa halip na intindihin niya yung sinabi ko ay bumaling na lang siya kay Eros. "You'd like to stay for a night right?" Tanong ni Michael kay Eros at agad naman itong tumango.

Jusko! Sana wala dun si Devere tsaka si Hershey.

***
Para mapabilis ang pagiimpake ay tinulungan na kami ni Michael. Kung titingnan mo ang dalawa ay para talaga silang mag-ama, ang totoo nan para silang pinagbiak na bunga. Asikasong asikaso ni Michael si Eros na para bang tunay na talaga niya itong anak.

Kung alam ko lang na ganito ang response ni Michael sa katotohanan, baka dapat sinabi ko na kanya agad ang totoo.

Matapos naming magimpake ay inihatid na kami ni Michael sa mansyon ng mga Lim. Ilang minutong byahe lang ang tinagal namin at nakarating na kami sa bahay ng mga Lim.

Sobrang namangha si Eros sa sobrang laki ng bahay na nakikita niya ngayon. Kumpara naman kami sa apartment na tinitirhan namin ay pawang banyo lang ito ng mansyon. "Wow Tito Michael, dito ka po nakatira?" Tanong ni Eros kay Michael

"Yup. I grew up here." Sabi nito sabay iginaya si Eros papasok ng bahay.

Tanda ko pa nung huli akong makarating dito, iyong ipinahiya ako ni Devere dahil mahirap lang ako pero itinakas ako ni Michael dun at sinabing wala siyang pakielam sa sasabihin ng madrasta niya. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. "Hey, are you just gonna stand there?" Pukaw sa akin ni Michael, kanina pa pala ito nakatingin sa akin, hindi ko siya napansin.

"Sorry" shuta nakakahiya.

"Don't worry, Devere and Hershey, aren't here. They went to Australia, so stop being so nervous, ako lang at tsaka ang nga kasambahay dito" biglang sabi sa akin ni Michael.

Teka nabasa ba niya ang utak ko? Ganun ba talaga ako katransparent para malaman agad ni Michael ang nasa isip ko?

Inihatid kami sa guest room ni Michael. Dun daw kami matutulog pero matapos naming magayos ng gamit ay agad na tumakbo si Eros papunta sa swimming pool, excited na excited na ito na makapagswimming.

Dahil sa kagustuhan ni Eros na lumangoy na agad, hinayaan ko na si Michael na magbihis ng pampaligo kay Eros. At di nagtagal ay sinamahan na din ni Michael si Eros sa pool at naglaro lang sila dun. Ako naman ay dumiretso sa kusina para maghanda ng kakainin ng dalawa. "Louise?"

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now