Chapter 20

175 6 0
                                    

Hindi ko pumayag sa gusto ni Eros kahapon. Ang makasama niya ang tatay niya. I had been worried in the past at natatakot ako na baka mangyari na naman ngayon. Sobra na naman akong nagaalala. Nagaalala ako para sa anak ko. Kailangan kong iwasan si Michael para din sa ikakaligtas ng anak niya. At kung ako siya ay baka gawin niya rin iyon.

Buong araw kong binantayan si Eros sa kwarto niya bagaman at malungkot siya dahil hindi ko siya pinayagan kahapon. I had to explaim everything to him in a form of a lie. I had to lie at him. Sana lang... Sana lang mabuhay pa ako sa dami na ng kasalanan ko.

Para akong sinusunog sa apoy na ako naman ang gumawa. Tangina alam kong sa huli ay pagsisisihan ko din ang lahat ng ito. Sana mapatawad ako ng lahat ng taong naargrabyado ko.

Narito ako sa office ni Michael... Makikiusap ako na sana... sana gawin na niya ang operasyon.. Nasa kanya kasi ang bone marrow at siya lang ang magiging dahilan para gumaling ang anak ko. Wala na akong panahon para maghanap pa ng iba.

Hindi pa man ako nagtatanong sa kanyang secretarya at agad niyang sinabi sakin na pumasok na daw ako sa loob.

"What are you doing here?"

"Asan si Mr. Lim?"

Kapag sinuswerte ka nga naman talaga oo. Kung sino pa yung taong ayaw kong makita ay siya pa itong nagpapakita. Hershey

Lumapit siya sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Look at yourself! Hindi ka ba nahihiya dito ka pa talaga nahingi ng tulong sa taong sinaktan mo ng sobra?"

"Wala ako sa mood para makipagaway sa iyo Hershey. Ang pakay ko dito ay si Mr. Lim at di ikaw! Kaya pwede ba?"

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko ng mahigpit "Don't you dare turn your back on me! Wag kang bastos!"

Sa sobrang inis ko ay hinigit ko ng marahas ang kamay ko mula sa kanya "Ikaw! Ang kapal din naman ng apog mo ano?! Pasalamat ka at di ako nananampal sa mga taong walang kwenta at walang base!"

"How dare yo---?!"

"HERSHEY!" umalimgawngaw ang baritonong boses ni Michael "What are you doing?!"

"Babe!" lumapit ito agad kay Michael at inilingkis ang kamay niya sa braso nito "Babe, she tried to hurt me! Look!" sabi niya sabay turo sa braso niya

Pasalamat talaga sakin yang babaeng yan kundi baka di na ako makapagtimpi ay talagang sasaktan ko yan!

"Hershey. Please stop!"

"What? But babe! Sinaktan niya ako! Ano?! Ganun ganun na lang yun?!"

"Mas mabuti pa Hershey, umalis ka na muna at dun na lang tayo magusap sa bahay---"

"No Michael! Dito lang ako! At ayoko na mapapapunta ka dyan sa babaeng yan!"

"Hershey---"

"Michael please---"

"JUST FUCKING GO OUT HERSHEY!"

Parang naging bato sa takot si Hershey at wala siyang nagawa kundi ang maglakad papalayo. Pero pinagbataan muna niya ako na babalik siya at gaganti sakin bago siya umalis

Parang dati lang ay si Michael pa ang nagmamakaawa dito. Mukhang nabaliktad ang mundo. Siguro dahil na rin talaga ito sa impluwensya ng S.K. sa buhay ni Michael ngayon.

Nagbigay muna ng natatalim na tingin si Hershey bago ito tuluyang umalis ng office. Pagkatapos nun ay biglang umupo si Michael sa kanyang swivel chair "What brought you here Ms. Garcia?"

"Kailan mo ba balak isagawa ang operasyon?" bigla kong sabi dahil wala na akong ibang maisip na magandang pangungusap bukod dun. We really need to move bago pa gumawa ng kilos si Devere na ikakapahamak ng anak ko.

Just This Once #ManilaTimesAwardsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant