Epilogue

209 9 1
                                    

Ilang linggo na simula nung nangyari iyon sa amin. After I turned him down, hindi na muli ito nagpakita sa akin.

The next day I woke up, he already left. Ni hindi man lang siya nagpaalam. He left with no word.

Kapag naman nadaan ako sa mansyon ay hindi ko rin siya naabutan. Mali na naman ba ang desisyon ko? Ikakasal na sila. Ayoko lang makirawraw pa.

Those days without him. I expected a call, a note na sasamahan niya ako sa check-up ko but I received nothing.

Pinagpatuloy ko pa rin ang pagtatrabaho ko sa Safe Haven kahit tagalinis lang tuwing umaga. Dun ko na lang din nalaman na nakalaya na pala si Grae dahil naikulong na ang lalaking nagbigay sa akin ng bottled water. Ang totoo nan ay sinadya niya talaga ako dito para sabihin iyon. Humingi na rin ako ng pasensya pero humingi na daw ng tawad sa kanya si Michael at sinabing nagalala lang ito dahil sa anak namin. He even gave Grae compensation money for all the mess he made.

Habang naglilinis ako ng bar ay biglang may pumasok na tao. "Sorry po pero— Hershey?"

She really have a habit in barging in places without permission. "Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto lang kitang makausap."

Jusko ano na naman ito? Hiwalay na nga kami ni Michael, ano pa pa bang kailangan niya?

Iginaya ko siya papaupo sa isang table kung saan kami umupo dati. "Saglit, ikukuha lang kita ng maiinom"

"I prefer beer if that's okay?"

Tumango ako at kumuha ng beer sa ref. Babayaran ko na lang ito mamaya. Ibinigay ko iyon sa kanya bago ako umupo sa harapan niyang upuan. "Bakit ka nga pala nandito?"

Uminom muna siya ng beer bago siya nagsalita. "Wala... just hanging out?"

"Hanging out? Di ka ba busy sa preparations niyo sa kasal?"

Sumimsim siya ulit ng beer. "By the way, nagpacheck up ka na ba? Kamusta na ang baby?" Sabi nito at hindi man lang sinagot ang tanong ko sa kanya.

"Ah eh oo, maayos naman. Healthy daw."

"Kailan malalaman ang gender?"

"Next two weeks, pwede na daw"

"Pwede ba akong maging ninang ng baby niyo?"

This sounded so uncomfortable "Ah-eh oo naman."

Muling natahimik kaming dalawa kaya ako na ang nagsalita. "Kamusta ka na nga pala? Siguro nagalit ang parents mo sa nalaman nila?"

"Oo. They are fuming mad. Actually parte ako ng plano ni Michael."

"What do you mean?"

"Nung una ako ang kakampi ni Devere, remember the day that I barged in to your house? Utos iyon ni Devere. Ang totoo nan, wala naman talaga akong gusto nung una kay Michael pero pilit kaming pinaglalapit ni Devere at doon ko nakilala si Michael nang lubusan. He is a good man that every woman wanted to have. Kaso nalaman ko noon na may girlfriend pala siya at ikaw iyon. Sobra akong nainggit sa iyo kaya pumayag ako sa gusto ni Devere, sa lahat nang gusto niya. Hanggang sa natagpuan ko na ang sarili ko na nakasunod sa kanya."

"I tried everything I can para mapasaakin si Michael, I seduced him, pero hindi niya ako magawang patulan dahil pangalan mo ang palaging sinasabi niya. Palagi kong iniisip kung ano ba ang nakita sa iyo ni Michael eh isang dumi ka lang naman para sa akin. Pero wala, hindi ko talaga malaman-laman. Hanggang sa namatay na nga si Mr. Lim, Devere told me na this is the time that Michael is so vulnerable. Gustong gusto niyang makuha ang S.K. para sa ama nito kaya pumayag siyang pakasal sa akin. Sa tatay ko kasi binenta ni Devere ang S.K. at isinikreto niya iyon kay Michael para mahulog ito sa bitag niya. Gustong gusto na ikasal kami ni Michael dahil sobrang maimpluwensya ang pamilya namin and kapag nagmerge ang mga kompanya namin, for sure we are now powerful, 10 business behind."

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now