Chapter 31

115 6 0
                                    

Nang sandaling makarating ako sa Police Station ay binigyan nila ako ng tsansa para makatawag sa mga gusto kong tawagan para sa ransom. They really filed a complaint against me. Kidnapping... kikidnapin ko ba ang sarili kong anak?

Tinawagan ko si Xavier at Gretchen para malaman nila na nandito ako sa kulungan at humingi na rin ako ng tulong sa kanila. Una kong tinawagan si Xavier at agad naman niyang sinabi na uuwi siya agad sa maynila para mapuntahan niya ako. Sunod ko namang tinawagan si Gretchen at hindi siya makapaniwala sa nangyari sa akin ngayon. Buong akala kasi niya ay maayos na kami ni Michael pero kabaliktaran lang ang nangyari. Ang totoo nan papunta na siya ngayon para ayusin ito.

Kaya heto ako ngayon. Nasa loob ng kulungan at nakatitig sa kawalan. Kung tutuusin, kasalanan ito lahat ni Devere dahil siya ang nananakot sa akin na papatayin ang tao sa paligid ko kapag lumapit pa ako kay Michael. Ano ba naman itong napasukan ko?

Matapos ang ilang oras na paghihintay ay lakad-takbo si Gretchen nang sandaling makarating siya sa Police Station kung saan ako nakakulong. "Louise!"

Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad na inabot ko ang kanyang kamay. "Gretchen..." at dun na tumulo ang luha ko na matagal ko nang pinigpigilan. "Yung anak ko."

"Huwag kang magalala, makakalabas ka din dito. Nagdala ako ng public attorney para maabswelto ka na. Ha? Saglit lang" sabi nito at muling naglakad papalayo para kausapin siya ng mga pulis.

***
Matapos naming makipagusap sa police station para sa kaso ko ay dinala naman ako ni Gretchen sa isang fast food restaurant para makakain naman kami. Siya na ang umorder at dinalhan ako sa mesa ko. Inabot niya sa akin ang isang Rice Meal, fries, burger at coke. "Kain ka na muna."

"Gretchen... Pasyensya ka na... hayaan mo babayaran ko yung pera na ibinayad mo sa police station."

"Ano ka ba?! Ayos lang iyon. Bayaran mo na lang ako kapag nagkapera ka na. Tsaka ang totoo nan kaunti lang iyong naibigay ko doon."

"Ha?" Maang kong tanong "eh kaninong pera ang ginamit mo para maabswelto ako?"

"Sa akin."

Napapikit ako dahil sa boses pa lang na iyon ay kilala ko na siya. Umupo siya sa tabi ni Gretchen. "Kamusta ka na?"

"Akala mo nakakalimutan ko ang panggagago mo sa akin?!"

"Relax Louise... Sinunod ko lang naman si Michael."

Sino pa ba siya? Edi si Christian. Akala niya nakalimutan ko na isinet-up niya ako kaya pala di niya masabi-sabi sa akin kung sino ang nagdonate ng bone marrow sa anak ko. "Look, I'm sorry... di mo na kailangang bayaran sa akin yung nagastos ko sa Police Station"

"Huwag kang magalala. Babayaran ko pa rin iyon" pagmamatigas ko sa kanya.

"Ateq, kaya mo bang bayaran iyon? Eh may utang ka pa sa mga kasamahan mo sa trabaho dahil sa pagpapagamot ni Eros?" Tanong naman sa akin ni Gretchen. Ang totoo nan, baon talaga ako sa utang. Gayumpaman hindi ko pa rin ginagastos ang pera na ibinigay sa akin ni Devere dahil ayoko na gamitin niya iyon pabalik sa akin.

"Oo kaya ko!" Sabi ko na lang sa kanya ay tuluyan nang kumain.

"Kasalanan ito ng hayop mong kaibigan!" Sigaw ni Gretchen kay Christian "Saan ba pinaghili yan?! Bakit hindi niya maintindihan ang lahat? Tsaka nanay naman ni Eros si Louise at siya ang nagpalaki dito! Bakit niyo tatanggalan ng karapatan ang nanay?"

"Teka, bakit ako napadamay dito?" Sabat naman ni Christian "Si Michael lang ang nagfile ng complaint kay Louise! Bakit ako nadadamay dito?"

"Kasi parehas kayong demonyo ng kaibigan mo!"

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now