Chapter 9

165 11 0
                                    

Bukas na ang uwi ko sa Maynila kaya kailangan ko nang maghabol sa pagbobonding namin ng anak ko, sa susunod na linggo ko na ulit siya makikita.

"Anak, san mo gusto ngayon? Maggagala tayo kahit san mo gusto."

Nakain kami ngayon ng almusal. Maaga kasing umalis si Gretchen dahil maaga din ang kanyang pasok ngayon dahil Lunes. Tsaka sinundo siya dito ng kanyang boyfriend kaya medyo napaaga din para magalmusal sa labas.

Ipinagluto ko si Eros ng kanin at itlog. Ipinagtimpla ko na rin siya ng gatas at ipinaghiwa ng prutas. Mahalaga kasi sa kanya na masustansyang pagkain ang kinakain na. Inihanda ko na rin ang iinumin niyang gamot.

"Tara po sa Sampalok Lake"

"Anong gusto mong gawin dun?"

"Magbibike po tayo!!!"

"Sige sige. Pero bago yan, iinumin mo lahat ng gamot mo ha? As in lahat! Para maging strong ka diba? Tulad ni Shupeoman"

"Sige po"

Mas lalong binilisan niya sa pagkain at di ako nabigo na inumin niya lahat ang gamot niya "Mama, aalis ka na po bukas?" Malungkot na tanong nito sa akin

Inilapit ko yung upuan ko sa kanya at niyapos siya ng mahigpit "Anak, kailangan kasi ni Mama na umalis. Kasi gusto ko na mas strong ka pa kaysa kay Shupeoman"

"Di na po ako tatakbo para di na po ako atakehin. Wag lang po kayong umalis"

Ito na nama kami, paulit-ulit na ito sa tuwing aalis ako ng Laguna ay palagi na lang darating sa punto na sasabihin ni Eros na hindi na siya tatakbo para hindi lang ako umalis.

Iniharap ko siya sakin. "Alam ko na hindi ka na tatakbo pero diba, gusto mo nang pumasok? Sa susunod na pasukan, ieenroll ka na ni Mama para mameet mo na friends mo. Syempre, kailangan mo ng paper at pencil, kailangan magtrabaho ni Mama para mabigyan kita ng paper at pencil at syempre baon mo diba?"

"Di na lang po ako papasok para dito ka na"

Parang unti unting pinupunit ang puso ko dahil sa mga sinasabi ng anak ko. "Anak, aalis muna si Mama. Promise, sa susunod na buwan hindi na ako aalis"

"Talaga po?"

"Pero dapat good boy ha? Good boy!"

"Opo!"

Muli ko siyang niyapos ng mahigpit "napakaswerte ko talaga sa iyo baby koo!" Sabi ko sabay halik sa kanyang noo.

Di man kami nabiyayaan ni Michael ng magandang relasyon, binigyan naman ako ng diyos ng isang kasama.

----
Mga alas kuwatro ng hapon kami umalis ni Eros sa bahay namin. Iniiwasan ko kasi na masyado siyang mainitan dahil makakasama ito sa kanya.

Mas mataas kasi ang risk na atakihin siya kapag masanting ang araw.

Nandito kami ngayon sa Sampalok Lake kung saan madalas nagpupunta ang mga tao. Sadyang kitang kita mo ang lawa. Pwede kang magikot o magjogging, pwede ka ring magrenta ng mga bisikleta. Maraming kainan din dito kaya magiging sulit ang paggagala namin ng anak ko.

"Ma! Tara na sa bike!" Sabi ni Eros, sabay higit sakin papunta sa lugar kung saan pwedeng magrenta ng bike

Namili kami ng bike ng anak ko at tsaka ko ito binayaran. Sumakay kaming dalawa tsaka nagbike papaikot sa lawa.

Kakaawas kang ni Michael sa trabaho nang maisipan namin na maggala muna sa Park malapit sa kanyang kompanya.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya sakin

Just This Once #ManilaTimesAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon