Chapter 36

125 6 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas pero nasa kulangan pa rin si Grae. Hindi pa kasi mahanap kung sino ba talaga ang nagbigay sa akin nung bottled water. Pinapakiusapan ko si Michae pero hindi talaga ito nakikinig sa akin. Gusto daw muna niyang makita yung gumawa sa akin nun bago niya pakawalan si Grae, kung si Grae man daw talaga ay inosente.

Hindi ko maiwasan na hindi mapahiya sa nga trabahador ko. Alam kong may parte din sila sa utak nila na sinisisi nila ako dahil kung hindi ko sinabi na si Grae ang nagpaabot sa akin ng bote ay siguro hindi na para paginitan pa ni Michael ito.

Humingi na din ako ng pasensya kay Mam Frez pero palagi naman niyang sinasabi na hindi ko kasalanan, kahit ramdam ko ay ako naman talaga.

Naglilinis ako ng bar ngayon dahil nalipat na ako sa morning shift, nang sandaling may pumasok bigla sa loob nito. "Ay sorry po sarado pa— Hershey?"

Si Hershey iyon. Ano naman kaya ang ipinunta niya dito. Ilang araw nang hindi maganda ang nangyayari sa akin, panigurado ay dadagdagan niya pa ito. "Dito ka ba nagtatrabaho?" Tanong nito habang inililibot ang mata sa loob ng bar.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Maguusap lang tayo."

Iginaya ko siya papaupo sa isang table. Ipinaghanda ko din siya ng kape dahil iyon lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Purong alak kasi lang ang mga nandito.

Inilagay ko ang kape sa harapan niya at tsaka naman ako umupo sa tapat niyang upuan. "Ano ba ang kailangan nating pagusapan?"

"May gusto lang sana akong itanong"

"Ano iyon?"

"May balak ka ba talagang guluhin kami ni Michael?" I was expecting na galit ang pagkakasabi niya sa tanongg niyang iyon. Pero kalma lang siya ay prenteng nakatingin sa akin.

"Wala." Simpleng sagot ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi ang tungkol sa anak niyong dalawa?"

"Ang totoo nan, wala naman talaga akong balakk nung una na ipakilala si Eros sa ama niya pero nang makita ko ulit si Michael, naramdaman ko na kailangan niya ring makilala ang anak niya. At iyon din ang gusto ng anak ko, pagod na akong magsinungaling sa kanya. At kung iniisip mo man na planado ang pagkikita namin ni Michael ay diyan ka nagkakamali. Wala talaga akong kahit anong ideya na makikita ko si Michael nang araw na iyon."

"Alam mo naman siguro na hindi magugustuhan ni Devere ang ginagawa mo."

"Oo alam ko. Pero kung ano man ang gagawin niya, ako na ang bahala dun."

"Uulitin ko Louise ang tanong, wala ka ba talagang balak na guluhin kami ni Michael?"

I wanted to say that I still love Michael but it just won't do any good. "Oo. Wala akong balak"

"Eh paano iyang bata na nasa sinapupunan mo? Hindi ako makapaniwala sa kahit ganito ang sitwasyon ay nakuha niyo pa ring magsex ni Michael? At pumayag na naman. Hindi ka na nahiya sa akin."

I felt so guilty about that. Kahit kasal kami ni Michael ay hindi ko maiwasan na hindi mapahiya sa nagawa ko. Ikakasal na kasi siya sa iba pero bumuntis siya ng iba. "Mabuti ka pa, ako... wala... kahit anong pilit ko sa kanya ay hindi niya ako mahawakan at matitigan man lang nang matagal. Ano ba talaga ang ginawa mo sa kanya?"

Tumungo ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napapahiya na talaga ako. "Huwag kang magaalala, di ko naman kayo guguluhin. Hindi ako lalapit sa inyo para humingi ng sustento pero hayaan mo lang na makilala ng anak ko ang tatay niya. Hindi ko kailangan ng pera." Sabi ko sa kanya at tinitigan ko siya. "Totoo ang sinasabi ko Hershey, mali ang ginawa namin ni Michael pero hindi mali ang batang ito."

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now