Chapter 13

160 9 0
                                    

Kinabukasan ay pinauwi ko muna sina Nanay sa apartment para mailagay nila ang mga gamit nila doon. Si Xavier, mas napiling dumito muna sa Ospital at iintayin na lang daw niya ang pagbabalik nina Nanay tsaka daw siya uuwi para magpahinga.

Tinawagan ako ni Gretchen at kinamusta ako pero hindi ko na rin maiwasan ang di mapakwento sa nangyari kahapon. Lumabas muna ako saglit ng kwarto tsaka kami nagusap sa telepono "HAYOP TALAGA YANG SI LIM EH!! SABI KO NA NGA BAGA! HAYOP SA HAYOP YANG TAONG YAN! DI NIYA ALAM NA DAHIL SA IYO AY NAPASAKANYA ANG S.K"

"Wala naman din akong magagawa dahil kailangang kailangan ko ang tulong niya para kay Eros. Tsaka alam ko namang galit na galit siya sakin. Tulad nga ng sinabi mo diba? Kailangan gawin ni Michael ang responsibilidad niya para sa anak niya at ginagawa ko yun."

"Sabihin mo na lang kaya na anak mo siya para matigil na siya."

"Kung may pinakahuling bagay man akong gagawin, iyon ay ang sabihin sa kanya ang katotohanang anak niya si Eros. Ayoko nang sumapid pa sa gulo nilang pamilya, lalo pa at kasal na siya sa iba."

"Pero makatao ba yung sasabihin ka na sana mamatay na lang kayong dalawa ng anak mo? Tangina niya! Kung alam niya lang ang ginawa mong sakripisyo para sa kanya"

Alam kong hindi na naman titigil sa pagsasalita si "Asan ka ngayon? Parang ang dami mong time para makipagusap ah" sabi ko pangiiba ng usapan

"Ahhh break time kasi namin ngayon. Mamaya pang ten am ang balik ko, tapos out ulit ako ng 12:30 ng tanghali, kakain kami ng babe ko"

Napangiti na lang ako. Mabuti pa itong babaeng ito, masaya sa kanyang lablayf.

Napatingin ako sa hall kung saan naglalakad ang maraming nurse. Dito kasi sa fifth floor lahat ng Cancer patients. Lalong lalo na ang mga tutulungan ng kompanya ni Michael.

Baka kaya madaming nurse ay magpapainom na sila ng gamot para sa bata. Inintay ko na makapasok ang isang nurse sa kwarto ng anak ko pero di ito nangyari. Kami ang room 100 pero sa 99th room ay tumigil na ang mga nurse at nagsibabaan na muli.

"Uh. Gretchen, tawagan na lang kita mamaya"

"Ha? May nangyari ba?"

"May titingnan lang ako" sabi ko sabay patay ng tawag.

Lumapit ako sa pinakamalapit na reception at di maiwasang magtanong "Miss, bakit di po binigyan ng gamot at chineck ang anak ko?"

"Anong room number po kayo mam?"

"Room hundred"

"Mam pasensya na po. Di pa po kasi nababayaran ang bills niyo."

"Bills? Anong bills? Akala ko ba tutulungan kami ng JW Crescent at S.K?"

"Sorry mam. Pero wala po kasi kayo sa listahan"

"Tulong! Louise! Si Eros!" Napatingin ako sa sumigaw at si Xavier yun. Bumaling muli ako sa nurse "sabihin mo magdala ng doktor sa room 100 BILISSS!!"

"Opo mam" agad siyang tumawag sa telepono at ako naman ay takbong takbo papunta sa kwarto ni Eros.

Hawak hawak ni Xavier ang kamay nito at hirap na hirap na huminga.

Agad kong nilapitan si Eros at dinaluhan siya "anak! Anak! Please! Wag mong papahirapan si Mama"

Nagulat na lang ako nang biglang sumuka ng dugo si Eros. "EROSSSS!!!" bumaling ako kay Xavier na nasabi na ata lahat ng mura sa bibig niya "Xavier... Yung doktor please"

Agad itong tumakbo papalabas "Ayan na!"

Pumasok si Bailey kasama ang ilang mga nurse. Pinatabi mula kami ni Xavier sa may pinto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hinawakan ni Xavier ang nanlalamig kong kamay. Halos di na ako makahinga at iyak na lang ng iyak

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now