Chapter 25

107 7 3
                                    

Matapos ang ilang linggo ay nakalabas na rin si Eros kung kaya ay nagkaroon ako ng tsansa para makasama kahit saglit si Eros. Para makapagbonding ganun.

Nasa park kami ni Eros ngayon habang nakain ng Ice Cream. "Ma, kailan ko po makilala si Papa?"

Napatigil ako sa pagkain ng Ice Cream at napatingin sa kanya. Alam kong darating din ang araw na ito. Hindi ako nagkakamali at alam ko na kailangan ko na ring ipakilala si Michael sa kanya.

Tumayo ako at lumuhod sa harapan niya. "'Nak, hintay lang ng kaunti. Darating din si Papa mo. Natagalan lang siya"

"Love po ba ako ni Papa?"

Naawa ako sa anak ko. Hindi naman kasi talaga kasalanan ni Michael ang lahat ng ito. Aaminin ko may parte din ako. Alam kong gusto ring makilala ni Michael ang anak niya kapag nalaman niya na may anak siya sa akin. Kaso paano yung kay Devere? Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa anak ko kapag lalo kong inilapit si Eros sa pamilya ni Devere. "Anak, love ka ni papa. Love na love ka nun kaso di pa pwede ngayon eh. Busy pa si Papa"

"Bakit po yung iba kong friends... nakakausap pa rin po nila ang papa nila kahit nasa abroad sila?"

I sighed. Wala na akong palusot na maibibigay pa sa anak ko. "Hayaan mo, gagawa ako ng paraan. Sorry anak ha?" Sabi ko tsaka agad kong niyapos ang anak ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

***
Matapos ang ilang araw na pagiisip ay agad kong napagdesisyunan na kailangan kong dalhin si Eros sa party na sinasabi ni Michael. Baka panahon na rin siguro na sabihin ko sa kanya ang totoo. Bahala na kung anong mangyari, ang mahalaga ay alam na niya ang totoo. Bahala na kung anong gawin sa akin ni Devere.

Bago pa man ang party ay nakapagrenta ako ng isang simpleng gown sa kaibigan ko at nakuha ko ito ng maliit na halaga. At ganun din si Eros, alam ko naman kasi na hindi basta basta ang party ng mga Lim lalo pa at sila ay may-ari ng dalawang malaking kompanya.

Ako na lang ang nagmake-up sa sarili ko at inayusan ko din si Eros. Habang sinusuklay ko si Eros ay kinausap ko na siya ng maigi. "Anak, behave ka lang dun ha? Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Mama. Dun sa party na iyon, bawal ang malilikot, sa tabi ka lang ni Mama palagi ha?"

Tumango tango si Eros, "Opo! Tapos makikita po natin si Tito Michael."

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa noo "Gustong gusto mo na ba mameet si Papa mo?"

Mas lalong gumaan ang pakiramdam ni Eros nang sandaling makinig niya ang Papa niya "Opo! Nandun po ba siya?"

"Oo, at hahanapin siya ng Mama para sa iyo kaya behave ka lang ha?"

Tumango muli si Eros. Ang totoo nan handa na ako kung ano mang magiging kalalabasan nito. Ang mahalaga ay alam na ni Michael ang totoo, makikiusap na lang ako na sana wag biyang kunin ang anak ko sa akin dahil natatakot lang ako sa maaring gawin ni Devere sa aming mag-ina. At sana maintindihan niya iyon.

***
Hindi nagtagal ay dumating na din ang sundo na ipinadala ni Michael sa amin. Sinabi ko kasi kay Christian na dadalo ako ng party kaya sinabi naman agad niya ito kay Michael para mapadalhan kami ng taong susundo sa aming mag-ina.

Matapos ang 30 minutong byahe ay nakarating na rin kami sa mansyon ng mga Lim. At nang sandaling makatungtong ako doon ay agad nanliit ang pakiramdam ko.

Sa magagarbong damit na suot nila, sa mga alahas na dala nila at sa kung papaano sila kumilos ay lalo ko lang naramdaman na kailanman ay hindi ako magiging parte ng ganitong estado. Mahirap lang kami, natigil pa ako sa pagaaral dahil sa pagmamahal ko kay Michael.

Just This Once #ManilaTimesAwardsWhere stories live. Discover now