Chapter 3 [A date with him]

85 2 0
                                    


"Uy kylyne, ano? Sasama ka sa lakad mamayang 9PM?" Napatingin ako kay Shaina na nagliligpit na nang gamit n'ya.

"Uhm, maybe next time nalang Shaina,may gagawin kasi ako e" Sabi ko at inilabas ang laptop ko.

"Osige, basta mamayang 6PM sa Officers Office ha, pagusapan nalang natin lahat ng 'di mo naexplain kanina Pres" Natatawang sabi sakin ni Shaina.

"Oo, basta wag kayo mawawala. Importante 'yon e. Ang dami na nating upcoming events this month" Ani ko at umayos ng upo.

"Sige, Lyne una na ako ha? Bye!" Anito at lumabas na nang klasrum.

Inayos ko nalang saglit ang PowerPoint ko at aalis narin ako dito, medyo nagugutom na ako.

After 10 mins. Natapos kona din.

"Kylyne, buti naman naabutan kita dito" Napalingon ako sa narinig kong pamilyar na boses.

"Uy, Alexander. Bakit  nandito kapa? Diba dapat umuwi kana?" Nagtatakang tanong ko.

"Ahh, ano kasi. Ah hinintay talaga kita. Gusto kasi Sana kitang...." Napangiti ako sakan'ya. Alexander naman, wag kang ganyan. Mamaya mapakagat ako d'yan, at baka ikaw na din makagat ko.

Tumigil kanga d'yan Kylyne, kinakausap mo nanaman sarili mo. -,-

"Ano 'yun alex?" Naghihintay ako nang sagot pero kamot lang siya ng kamot ng batok sa tuwing magsasalita na s'ya.

"Ahh ano kasi" Napatingin ako sa relo ko, 4:30 PM na pala.

"Tara kain tayo sa labas? Libre ko? Nagugutom na kasi ako e" Wika ko at hindi na siya pinagsalita dahil hinila ko nalang s'ya bigla.

----***-----

"Uy, Kylyne sigurado kabang okay lang? Baka magalit sa'yo papa mo ha?" Kanina pa s'ya ganyan.

"Ano kaba, okay lang 'yun. Hindi s'ya magagalit promise!" Ani ko.

"Sige, tara may alam akong magandang pagkainan" Sambit nito at hinila ako.

----***----

"What is this place?" I asked, kasi hindi ako pamilyar sa lugar na 'to.

"Ito ang karenderya ni Manang Estelita. Masarap ang mga pagkain dito, promise! Tara pasok tayo!" Anito at walang sabi sabing hinila nanaman ako, ok. Sabi ko nga trip n'ya akong hilain. Hahahaha.

Umupo kami sa may gilid kung saan madaming nakasabit  na Christmas Lights, at naka-ayos ang lamesa. Parang prepared siya huh?

"Ano gusto mo kainin?" Tanong n'ya sa'ken ng makalapit s'ya sa konaroroonan ko.

"Ahm, ikaw na bahala Alex, wala kasi akong alam dito e" Wika ko at tumango naman ito.

Maganda naman 'yung lugar, masikip ngalang. Tapos madami ang taong dumadayo dito, parang halatang patok na patok ang mga pagkain dito, naexcite tuloy ako.

Maingay,nagtatawanan,mayroon ding tahimik lang na kumakain. Parang ang saya saya nila na tila walang problema sa buhay. Samantalang ako? Ang laki laki ng problema ko sa buhay, Papaano ang hirap maging anak na babae e. Lalo na kung nagiisang unica hija ka nila. Lahat ng oras nila itutuon at ilalaan nila para sa'yo.

Lahat ng desisyon mo sa buhay, kailangan alam  nila. Kailangan sila ang masusunod, kasi iniisip lang nila ang kapakanan mo. Pero papaano naman 'yung happiness ko? Paano naman 'yun? Hindi kolang maintindihan kung bakit kailangan maging sobrang mahigpit sa'kin sila dad.

Hays, gan'to na ba talaga ang kapalaran na itinalaga sakin? Ito na ba ang kapalaran na itinadhana para sa'kin? Ito na ba?

"Oh? Bat ang haba ng nguso mo?" Nagulat ako nang dumating si Alex.

"Ahh hehe, wala. May iniisip lang" Wika ko at umayos nang upo. Gosh, nakakahiya nahuli n'ya akong nageemote.

"Ganun? Ano naman 'yun? Baka makatulong ako sa'yo ha?" Anito at inilapag ang pagkaing dala n'ya.

"Sana nga makatulong ka e, kaso wala ang makakatulong sa'kin" Malungkot kong sabi at sumimangot.

I want my freedom.

"Ganun? Sige, ganito nalang. Kung hindi ako makakatulong maresolba ang problema mo, baka makatulong 'to para gumaan pakiramdam mo" Anito at lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

Nagulat ako nang yakapin n'ya ako, is this for real? Omg! Kinikilig ako! Lupa lamunin mo na ako!

"Oh? Okay na ba? Gumaan ba pakiramdam mo?" Anito at umupo sa harapan ko, ngayon magkatapat nalang ang mga mukha namin.

"O-oo, s-salamat ha Alexander. Hindi ko alam gagawin ko kung wala ka" Ani ko at nginitian s'ya.

"Wala 'yun! Basta ikaw!" Sabi n'ya at tumayo sa pagkakaupo, umupo na siya sa may upuan sa harapan ko.

Napatingin ako sa mga pagkain na dala n'ya. Ano 'yan?

"Ano tawag sa mga 'yan?" Nagtatakang tanong ko.

"Eto, it's called papaitan." Turo n'ya du'n sa pagkaing may sabaw.

"Papaitan? Bakit mapait ba 'yan?" Nakakunot noo kong tanong.

Tumawa s'ya. " Hindi naman, masarap 'yan. Magtiwala ka sa'ken."

"Eto naman tawag d'yan, dinuguan" Turo n'ya du'n sa maitim na something. Pagkain ba talaga 'yan?

"Dinuguan? Ano? Wag mong sabihing gawa sa dugo 'yan ng tao? Don't tell me aswang ka Alexander?" Tumawa ulit ito dahil sa tinuran ko, ay clown ba ako? Ngayon kolang din narealize ang korni pala nang sinabi ko -,-

"Ano kaba, hindi ako aswang no!" Kinindatan n'ya ako. "Tara kain tayo, masarap 'yan promise" Sabi n'ya. Napatingin ako sakan'ya na sumasandok ng ulam at nilagay n'ya sa plato ko pagkatapos nilagyan naman n'ya ang plato n'ya.

"Kainan na!" Masayang sabi nito at sumubo nang sumubo. Sarap na sarap s'ya, samantalang ako  wala pang isang subo.

"Kain kana" Anito at tinignan ako nang diretso.

Kinuha kona 'yung kutsara at dahan dahang sinubo 'yung kanin na may ulam na dinuguan, ninamnam ko muna 'yung lasa.

Shet! Ang sarap!

"So? How's the taste?" Anito na ngitian pa ako at uminom s'ya ng tubig.

"Ang sharap n'ya Alexhander, masharap sha" Natatawang sambit ko dahil puno parin ang bunganga ko.

"Higop ka sabaw Kylyne, masarap pangako" Anito na sinunod konaman, oo nga masarap s'ya.

Kumain at nagkwentuhan pa kami ni Alex habang kumakain. Mahirap lang talaga sina Alex, ang papa n'ya janitor sa isang company while 'yung mama n'ya e nagtitinda ng barbeque sa bayan nila. Wala s'yang kapatid, actually namatay 'yung kapatid n'ya nung mananganak yung mama n'ya kasi mahina daw resistensya nito. Nagiisa s'ya palagi sa bahay nila kapag umuuwi. Naaawa nga ako kay Alex e, at the same time bilib din ako sakanya kasi kahit na ganun ang buhay nila Laban lang siya nang laban, kasi hindi naman solusyon ang pagsuko.

"So Kylyne, uuwi kana ba? 5:44 PM na e" Anito habang naglalakad kami papunta sa pintuan ng karinderya.

"Hindi pa ako uuwi e, pupunta pa ako sa Officer's Office kasi may pagmimeetingan pa kami" Ani ko na ikinatango n'ya.

"Hatid nalang kita sa School, para siguradong safe ka" Wika n'ya na ikinangiti ko, posible kayang gusto n'ya rin ako? Oh nago-over think nanaman ako. Hays, nagaassume nanaman ako.

"Oh, dito na tayo. Magiingat ka ha?" Nginitian ko s'ya at tumango,

"Salamat Kyle" tumalikod na ako at naglakad.

"Mamahalin pa kita" Hindi parin ako nakakalayo ng marinig kong ibulong n'ya iyon.

"Sana nga,Mamahalin mo ako"

A/N: Chapter 3 Done! Oh? Bumawi si Alexander ano? Super bait naman ni papa Alexander! Pero so sad naman ng story nang life n'ya. Nakakalungkot.

Anyways, maybe bukas ang sunod na update o kapag sinipag ako magsulat mamaya, baka meron mamaya.

Wag umasa ha! Mahirap magassume! Haha.

Love lots! 💘

Our Sad Love Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now