Chapter 6 [Caring Brother]

70 2 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas pero wala akong balak na pumasok sa eskwelahan. Madami na rin akong natanggap na text mula sa mga Student Council, na kailangan daw ako sa school, pero ang dahilan ko ay may sakit ako.

Si Cheska naman, kakagaling lang dito kaninang umaga, ikiniwento ko sakanya lahat ng nangyare, at naiintindihan n'ya ako.

Si Alexander, ayon nagaalala nadin sa'ken, at sinisisi n'ya ang sarili n'ya kung bakit nagalit sa'kin si Papa, sabi ko naman ay hindi n'ya iyon kasalanan kasi Choice ko naman 'yon.

*tok tok tok tok*

"Lili, kumain kana hindi kapa nagumagahan" Dinig kong sabi ni kuya sa may pinto, si kuya lang ang kinakausap ko matapos ang nangyari sa pagitan namin ni papa.

Tumayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
"Kuya" Sabi ko nang makita ko siya na may dalang tray at punong puno ng pagkain 'yon

"Kuya, hindi naman ako gutom eh" Ani ko at nilock ang pinto, dumiretso ako sa kama at nahiga d'on. Tinakpan ko nang unan ang mukha ko.

"Anong hindi gutom? Magmula kaninang umaga hindi kapa kumakain. Look at you? Nangangayayat kana." Nagaalalang sabi ni kuya at inilapag ang tray sa Table ko sa gilid ng kama ko.
"Lili, hindi mo pwedeng pabayaan ang sarili mo. Gusto mong makuha Freedom mo? Then iprove mo kay Papa at Mama, na kaya mo ng magdesisyon on your own. Na you can stand alone without their help."

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at tinignan ko si kuya na seryosong nakatingin sa'kin. "Sa tingin mo ba, hahayaan nilang makuha mo ang freedom mo kung gan'yan ang ipinapakita mo? Hindi. Mas lalo kalang nilang hihigpitan. Isipin mo nga? Tama bang magkulong ka sa kwarto mo ng halos isang linggo at hindi ka pumapasok? Lili, sinasayang mo ang mga oras para patunayan sakanila na kaya mong tumayo sa sarili mong paa" Napabuntong hininga ako nanatili akong nakikinig lang kay kuya. "Isipin mo din naman kaming nagmamahal sa'yo Lili, hindi lang naman ikaw ang may problema sa buhay ah. Kung iniisip mong nagiisa ka sa laban na ito, du'n ka nagkakamali. Dahil madami kaming nagmamahal sa'yo, madami kaming nagaalala sa'yo. Wag ka namang maging makasarili,Lili. Nahihirapan din kaming makita ka na nagkakaganyan. Sana inisip mong nandidito lang kami. Na hindi lang sainyo ni papa umiikot ang buong storya" tama si kuya.

Ano nga ba kasi ang pumasok sa kokote ko at nagkulong ako dito sa kwarto ko ng halos isang linggo?
Nakalimutan ko ang mga responsibilidad ko sa school dahil lang sa away namin ni papa.

Naging makasarili ako, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko inisip na maaaring nahihirapan din sila para sa'kin. Bakit ba hindi ko naisip na mayroon pang nagmamahal sa'kin? Siguro ay nadala lang ako sa bigat ng damdaming nararamdaman ko.

Tumayo ako sa kama at tumabi kay kuya sa sofa, niyakap ko s'ya nang mahigpit."Pasensya na kuya, sadyang hindi kolang alam ang gagawin ko. Nadala ako sa bigat na nararamdaman ko. Hindi kona naisip na nand'yan pa kayo na nagmamahal sa'kin na makakaintindi sa'kin. I thought that I was alone.. I'm sorry kuya, please let me make it up to you"

Tinignan ko si kuya na nakangiti na sa'kin ngayon, di katulad kanina na nakabusangot at malungkot ang mukha n'ya. "Sana bumalik na 'yung little sis ko" Ani ni kuya at humiwalay sa yakap. "Huwag kana umiyak, papangit ka n'yan sige ka" Sabi pa ni kuya at pinahid ang luha sa pisngi ko. Hindi kona namalayan na umiiyak na pala ako, masyado akong na preoccupied dahil sa kadramahan ng kuya ko.

"Ikaw kasi e! Pinaiyak mo ako, ang drama drama mo" Pagmamaktol ko nagpout pa ako at pinahid ang luha sa mata ko.

"Asus! Gusto kolang bumalik ang little sis ko. I missed you, Lili. Don't ever do this again. If you need some help, feel free to approach us. We'll always be right here for you" Sambit ni kuya at nginitian ako.

Our Sad Love Story [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin