Chapter 4 [The Kiss]

87 2 0
                                    

"Ms. President, ano gagawin dito sa mga 'to?" Tanong sa'kin ni Jennifer.

"Hm, ibigay mona 'yan kita Jonathan. Alam na n'ya gagawin sa mga 'yan" Sagot ko agad naman itong tumango at ibinigay ang mga papers kay jonathan.

It's our free week today, andwe are preparing our booth, it's called Horror Booth, each section has a booth. Well, ito 'yung naisip na idea ng mga kasama ko nag approve lang ako.

"Ms. President kamusta mukha ko?" Nagulat ako nang makita ko si Josh.

"Josh, ang ano uhm. Nakakatakot naman 'yang mukha mo mukha talagang uhm. Zombie" Natatawa kong sabi kay Josh.

"Ano?! Gwapo padin naman ako diba? Sabihin mo Ms. President! Gwapo padin ako!" Natatawa ako sa itsura n'ya at sa inaakto n'ya kunwaring nagwawala pa s'ya.

"Hoy Josh, tumigil ka nga d'yan. Panget panget mo kaya" Natawa naman ako sa tinuran ni----- Alex?

"Uy! Alex pare, wazzup? Dito ka din pala sa Horror booth?" Gulat na tanong ni Josh at nakipagkamayan tapos magbubunguan katawan nila, gets n'yo ba? Basta ganun 'yun!

"Oo men" Maikling sagot ni Alexander.

"Bakit? Ayaw mo ba sa Blind Dance booth? Diba dun ka naman last year? Eh bakit nandito kana?" May halong pangungutya ang boses n'ya.

Ngumiti lang si Alexander bilang tugon.

"Teka, may pinapantasya ka dito no?" Pagpapatuloy ni Josh.

"Uyy wala ah. Gusto ko lang talaga dito para maka experience naman ako ng iba" Ani Alexander na parang nagdidepensa.

"Uyy! Ako alam ko kung sino!" Napatingin sila kay Jonathan na kakadating lang. "Edi si Ms. President! Ayieee!" Tapos naghiyawan silang lahat.

"Huy, wag nga kayong ganyan nand'yan lang s'ya oh. " Ani Ni Alexander at nagkamot pa ng Batok n'ya.

"Ayiiee so inaamin mona? Kaya ka nandito ay para kay Ms. President? Ayiiee!" Pangaasar ni Klara.

"Isa kapa naman d'yan" Ani ko at siniko si Klara sa tabi ko.

"Come on, just go with the flow" Ani nito at tumawa pa ng malakas.

Grabe talaga sila. "Oo inaamin ko, nandito ako para kay Ms. President natin okay na? Happy na kayo?" Biglang natahimik silang lahat at walang maririnig na ingay, lahat kami napatingin kay Alexander dahil sa binitawan nitong salita.

Is he even serious with that?

"Oh? Bat kayo natahimik? Oo nga, inaamin ko. Nandito ako para masulyapan si Kylyne, para mabantayan s'ya, para makita s'ya, at para----" Huminto ito at lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
"Hingiin ang kamay n'ya" Anito at tumingin sa mga mata kong sobrang naguguluhan. Totoo ba itong nangyayare?

Wahhhh! Paki batukan ako! Baka nananaginip lang ako!

"Ahhhhhh!! Ang sweet!! Ayieeee!" Pangungunang sigaw ni Lovelyn.

"Sagutin mona agad ah, Kylyne! Yiee! Goooo! Papa Kyle!" Ani ni Karla na sobra nang kinikilig sa gilid namin.

"Pwede ba, Kylyne?" Ani ni Alexander at hinigpitan ang hawak nito sa kamay ko.

Tumingin ako sa mga mata nito. At nakikita kong sincere s'ya. Shet! Seryoso s'ya!

"A--ahhh ehhh..." Ano ba 'to? Bakit nauutal ako?

"Please Kylyne, hayaan mo'kong patunayan na Gusto talaga kita" Anito..

"I...I would love to" At pagkatapos kong sabihin 'yon napuno ng malalakas na hiyawan ang klasrum namin. Hindi ko alam pero masaya din ako, masaya akong may gusto din sa'kin ang taong gusto ko.

Our Sad Love Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now