Chapter 13 [SINO KA?]

55 2 0
                                    

Kylyne's P.O.V.

"OO NGA, okay lang talaga ako" Inirapan ko ulit s'ya, paulit ulit na n'ya akong tinanong kung okay lang ba ako, kung kamusta na pakiramdam ko, kung maayos ba ako dito.

Seriously? Nasa bahay lang naman ako at wala akong ginagawa kundi ang asikasuhin ang paper works ko na di pa natatapos.

"Lyn, I'm just concern. It's been years since we last see each other. And I missed you, we didn't have communication to each other. Masisisi mo ba ako,kung madami akong tanong sa'yo?" For nth time inirapan ko ulit si Spencer, oo nandito ngayon sa bahay namin si Spencer ginugulo ako.

Nagrerelax ako sa garden namin ng biglang may nangyakap sa'kin mula sa likuran ko. Ang pilyo nitong lalaking ito, tssk.

Kahapon talaga ang pinaka-dabest kong araw. At s'yempre ang pinaka-dabest kong kaarawan. All the people that I love is there.

Kagabi talaga ay hindi ako nilubayan ng instinct ko na baka may gusto rin sa'kin si Gino, hindi naman sa assuming ako pero ba't naman sana s'ya magseselos kung wala s'yang gusto sa'kin diba?

Flashback...

"Grabe makayakap sa'yo, tapos ang lapit pa ng katawan n'yo, tapos....hinalikan kapa n'ya sa Pisngi mo.. Sino ba 'yun?"
Literal akong napanganga sa tinuran n'ya, hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano kasi ang seryoso ng mukha n'ya at para bang nahihiya din.

"Spencer is my childhood friend" Matipid kong tugon.

"Really? He's just your friend? May magkaibigan ba na naghahalikan?" Nasense ko ang pagkasarkastiko ng pagsalita n'ya kaya tinaasan ko s'ya ng kilay ko.

"Why do I even have to explain it to you?" Huhulihin kita, Gino.

"Becoz' I'm your friend?" Huminto s'ya sandali. "And you're special to me" This time natawa na talaga ako.

"Gino, may gusto ka ba sa'kin?" Natatawa kong sabi at tinakpan kopa ang bibig ko para pigilan ang tawa ko.

"H-ha? Hindi 'no." Utal n'yang sagot.

"Eh bakit kailangan mo pa ngang malaman kung sino s'ya?" Ulit ko ng tanong ko.

"Becoz' I'm Jealous" Matapos n'yang sabihin 'yon ay napatigil ako sa pagtawa, at tinitigan s'ya sa mata. He's Calm and Sincere.

Nang magsasalita na ako ay agad na may tumawag sa pangalan ko.

"KYLYNE! TAMA NA 'YAN! KAIN NA TAYO!" dinig na dinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Pagkalingon ko ay tama nga ako, siya nga.

"Spen, ano ang palagi kong sinasabi sa'yo?" Nakapamewang kong sabi sa kan'ya.

Huminga s'ya ng malalim. "Na always give privacy?" Anito at kinagat ang dala dala n'yang mansanas. "Lyn, malaki na tayo 'no." Inirapan ko s'ya.

"And so what?" Kinagat n'ya ulit ang mansanas na hawak n'ya bago s'ya sumagot sa'kin.

"Sabi konga, ikaw ang boss. Since nangyari narin naman na" Huminto s'ya saglit at tinapon sa basurahan ang mansanas.." Excuse me, Can I get my Boss now?" Anito matapos makalapit sa'kin at hinawakan ang wrist ko.

"Can't you see? I'm still talking to her"

Nagpatuloy ang pagtatalo nilang dalawa, bakit ba sila nagtatalo? Mga baliw na ata itong mga 'to.

Nagpalipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Hanggat sa mainis ako ay binawi ko ang wrist ko sa kamay ni Spen at agad na tinakpan ang dalawa nilang bunganga gamit ang magkabilang palad ko.

Our Sad Love Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now