Chapter 20 [Come back ]

50 3 0
                                    

Kylyne.

Isang linggo na ang nakalipas mula nung nahimatay ako sa Mall.

.

Isang linggo na ang nakalipas mula nung araw na naconfine ako.

.

Isang linggo na ang nakalipas nung araw na Iniwan ako ng taong Mahal ko.

.

At....

Isang linggo na ang nakalipas mula nung nalaman ko ang totoo. Ang lahat ng totoo.

Isang linggo na ang nakalipas mula nung naalala ko na lahat ng alaala ko.. ang nakaraan ko.

"Ms. President lutang ka nanaman" napalingon ako kay Gino na nagaayos ng mga papeles sa table n'ya.

"Sensya na Gino" wala sa sariling sambit ko.  "Tapos mona ba 'yang mga' yan?" Wika ko at inayos ang pagkakaupo ko.

"Halatang lutang ka nga, kanina ko pa sinasabi sa'yong tapos kona lahat ng' to pero hindi mo din naman pala naririnig" ani ni Gino na nakapagpanguso sa'ken.

"Wag ka nga ngumuso d'yan, tapusin mo na' yan, magsasara na 'tong school natin maya maya" huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang mga ginagawa ko, okay naman na ako at magaling nadin ako.

Napagalaman ko din na hindi naman talaga ako Anemic, Stress lang ako. Binayaran nanaman ni papa si Doctor Zargo kaya nagawa nitong magsinungaling sa'min ni Kuya. Nakakalungkot lang na sa panahon ngayon, madami ng tao ang nabubulag dahil sa salapi. Nagpakabulag sila sa salapi at dina nila naisip na masasaktan kaming mga pinagtutulungan nila.

Hindi ko maintindihan si Tito Hector, kung bakit kailangan n'ya pang baguhin ang storya ng buhay ko samantalang pwede naman n'ya akong maging anak kahit alam ko lahat ng nangyari.

"Kylyne" napahinto ako sa pagsusulat nang may pamilyar na boses akong narinig.

"Spencer, uy ano ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Pinapasundo ka na ni tito, gabi na at delikado na ngayon sa labas" ani ni Spencer.

"Ah sige, bukas ko nalang ito itutuloy, aayusin ko lang ito at aalis na tayo" wika ko at nagsimula nang magayos.

"Uy, Jonathan. Pare, nandito ka pa pala?" Dinig kong sabi ni Spencer, pasimple akong tumingin sa kanila. Tinignan ko si Gino na kumportableng kumportable na nakaupo sa upuan n'ya. Naka-de kwarto s'ya at pinaglalaruan n'ya ang ballpen n'ya sa kamay n'ya.

"Halata naman siguro" napatagilid ang leeg ko nang marinig ko ang sagot ni Gino, parang may nangangamoy?

"Mauna kana, ako na ang maguuwi sa boss KO" Diniinan pa ni Spencer ang pagkakasabi nya ng ko. Mukhang may tensyon sa gitna nitong Dalawang ito?

"Ikaw na ang mauna. Ako na ang maghahatid kay Kylyne sakanila" kumurap kurap ako, anong meron sa dalawang ito? "It's okay Gino, si Spen nalang ang maghahatid sa akin pauwi, tska diba may pupuntahan kapa?" Singit ko at isinukbli na ang bag ko sa balikat ko.

Biglang sumilay ang isang ngisi sa labi ni Gino. Ang creepy na talaga ni Gino. "Osige Kylyne, mauuna na ako. Magiingat nalang kayo" 'yun ang huling katagang sinambit ni Gino bago pa s'ya tuluyang lumabas ng SCO. ang weird n'ya.

.

"May problema ba kayong dalawa nu'n?" Tanong ko kay Spencer habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Wala naman, baka s'ya ang may problema" tinampal ko ang braso ni Spencer sa kalokohan n'ya.

"Sira" wika ko, at ngumiti pa.

"Nandito na tayo" pagangat ko ng tingin ko ay laking gulat ko nang makita kung sino ang bumaba ng kotse.

Ngumiti s'ya at sabay sabing.

"Mahal ko"...




.



Alexander's P.O.V.

"SPENCER, alam kong ikaw lang ang makakatulong sa'kin kaya please parang awa mo na. Tulungan mo ako para makapag-explain sakan'ya ng hindi nalalaman ni tito Hector" mahabang sabi ko kay Spencer, nandito kami ngayon sa bar at umiinom. Niyaya ko s'ya, nu'ng una ay hindi pa s'ya pumayag pero nu'ng binanggit ko si Kylyne ay agad s'yang kumagat.

"Kyle, alam mo naman na mapapahamak ang magulang mo kung kakausapin mo pa si Kylyne" Sambit ni Spen na kumportableng nakaupo sa sofa.

"Alam ko, pero desidido akong kausapin si Kylyne at makapagpaliwanag" tinignan ako ng mabuti ni Spencer.

"Kyle, siguraduhin mong hindi mapapahamak si Kylyne dito" seryoso n'yang tugon.

"Pangako Spencer, huli na ito. Gusto kolang magpaliwanag" Naramdaman ko ang init ng alak sa lalamunan ko, parang bigla akong naiiyak.

Tngn! Nakakabakla naman 'to.

"Wag mong pigilan 'yang luha na' yan Kyle, mahirap kalabanin ang damdamin dahil kusa mo 'yang nararamdaman" pumikit ako at hinayaan ang sariling umiyak, tama si Spencer, hindi ko kailanman mapipigilan ito dahil mahirap, parang, pagmamahal ko kay Kylyne. Sinubukan kong pigilan pero hindi ko nagawa, nahulog parin ako sakan'ya at ngayon ay naiipit ako sa sitwasyon naming dalawa.

"Kyle, Makinig ka" paninimula ni Spencer at hinawakan n'ya ang kaliwang braso ko. Idinilat ko ang mga mata ko at tinignan s'ya ng diretso sa mata. "Si Gino, alam kong may balak s'yang masama kay Kylyne. Gusto n'yang patayin si Kylyne dahil sa kapatid siya ni Zed. Malaki ang galit ni Gino kay Zed, dahil naging balakid si Zed nung gustong ligawan ni Gino si Kathy." Nanlaki ang mga mata ko.

Nagustuhan ni Gino si Kathy?

"Balak ka ding patayin ni Gino nuon, pero nang mamatay si Kathy ay hindi ka na n'ya pinakialaman. Kay Zed s'ya nagalit ng sobra dahil sa dahil kay Zed ay naunahan mo s'ya" napakurap ako ng maraming beses. Bakit ba nasa ganitong sitwasyon kami? Bakit napaka gulo ng mundo na ginagalawan namin?

"Bukas na bukas ay susunduin ko si Kylyne sa school n'ya.  Tatawagan kita kung nasa parking lot na ako." Sabi niya pa. "Susunduin ko si Kylyne, pareho ko kayong dadalhin sa condo ko. Doon kayo maguusap. Balak na ni Gino na patayin si Kylyne bukas. Narinig ko ang usapan nila ng mga Ka gangster n'ya." Pagkatapos n'yang sabihin yon ay tinapik tapik niya ang balikat ko at tumayo na.

"Mauuna na ako, Kyle." Pagkatapos nu'n ay nawala na s'ya sa paningin ko. Hindi ako makapaniwalang Kayang pumatay ni Gino. Nilamon s'ya ng galit at poot at ngayon ay naghihigante na s'ya. Kailangan kong kumilos bago pa n'ya magawa ang pinaplano n'ya.

Kinabukasan....

Katulad ng plinano namin ay tinawagan ako ni Spencer nang nasa Parking Lot na s'ya. Muli kong sinulyapan si Kylyne mula sa Bintana ng pintuan ng SCO. At umalis na do'n.

Pumunta na ako sa parking lot at nakita ko si Spencer na nakatayo at nakasandal sa sasakyan n'ya.

Nang makalapit ako ay nagsalita s'ya. "You owe me big, Mr. Xeril" ani nito na ikinatawa ko. "D'yan kana muna sa loob ng kotse, pagkadating namin ni Kylyne bumaba ka d'yan. Got it?" Nag thumbs-up ako bilang tugon, umalis na si Spencer at pumasok narin ako ng sasakyan.

Eto na, maya maya nalang ay makikita ko si Kylyne at kakausapin ko s'ya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinakabahan ako. Hindi dapat ako kabahan dahil kakausapin kolang naman si Kylyne, ang babaeng mahal na mahal ko...

Makalipas ang 20 Mins. Ay nakita kona sina Spencer at Kylyne na paparating... napakaganda talaga niya..

Nang huminto sila ay saka ako lumabas ng kotse. Nakita ko na nagulat si Kylyne. Nginitian ko s'ya.

"Mahal ko"


Itutuloy...

Our Sad Love Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now