Chapter 8 [Overprotective Brother]

60 2 0
                                    


Kylyne's P.O.V.

PUTI..puti ang lahat ng bungad sa'kin nang ibukas ko ang mga mata ko. Wala akong makita kundi puti, wala akong makitang mga tao. Nagiisa ako.

"Ate..." Napatingin ako sa batang malayo sa'kin, pero parang bulong ang pagkakasalita n'ya.

Teka? Nasan nga ba ako? Ang huli kong natatandaan ay nasa school ako at nahilo at.....omg! Patay na ba ako?

"Bakit ba ako namatay? Dapat 'di ako namatay!" Nagulat ako nang marinig akong magsalita sa likuran ko, takot man ako ay nilakasan ko ang loob kong lumingon sa likuran ko.

Bata s'ya, nakabistidang puti, nakatalikod sa'kin, at nakaupo sa baba. Umiiyak s'ya. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi n'yang bakit s'ya namatay.

Kung namatay na s'ya, ibig sabihin patay na ba ako?

No! I can't be, madami pa akong gustong gawin sa buhay! Ayoko pang mamatay!

"Hindi ka pa naman mamamatay eh" Nagulat ako nang magsalita ang bata, nakatayo na s'ya pero nakatalikod parin sa'kin. Mali ako, hindi na s'ya bata. Magkasing-tangkad lang kaming dalawa. Malaki na s'ya.

"Hindi kapa mamamatay, siguro nangyari lang ito para malaman mo kung ano ang totoo" Tumigil ito sandali. "kung sino ang totoo sa'yo, kung sino ang tunay na nagmamahal sa'yo, kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan, at kung sino ang dapat mong mahalin..." Napakurap kurap ako, anong pinagsasabi n'ya? Hindi ko s'ya maintindihan!

"Hindi mo ba ako naaalala?" Anito na biglang ikinataas ng lahat ng balahibo ko. Kinakabahan ako.

"S-sino kaba? A-anong kailangan mo sakin?" Kabado man ay nilakasan ko ang loob kong sumagot sakan'ya.

"Kung gusto mo akong makilala, maghanap ka ng paraan para malaman mo kung sino ako, sa buhay mo" Wika n'ya at unti unting naglakad palayo.

"T-teka! Sandali! Bumalik ka! Magpakilala ka sa'kin!"Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko, pero parang hindi din ako naglalakad, tumakbo ako para malapitan s'ya pero hindi ko s'ya mahabol, bawat hakbang ko palapit sakan'ya 'yun din ang bawat paglayo n'ya sa'kin.

"Please! Sandali bumalik ka!"

"Kylyne!" Napadilat ang mata ko nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko at hawak hawak ang braso ko. Nakita ko at mukha ni Alexander na alalang alala sa akin.

Niyakap ko s'ya kaagad, panaginip..isang panaginip lang iyon..

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa sumisigaw at umuungol, ano ba ang napaginipan mo?" Anito sa gitna ng yakapan naming dalawa. Nanahimik ako, naalala ko 'yung sinabi nung babae sa'kin sa panaginip ko.

"kung sino ang totoo sa'yo, kung sino ang tunay na nagmamahal sa'yo, kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan, at kung sino ang dapat mong mahalin..."

Anong ibig n'yang sabihin?

.

Buong araw akong tulala at hindi makausap ng matino. Iniisip ko parin ang panaginip ko. Kanina pa ako binabagabag kung ano ang ipinapahiwatig nung babae sa panaginip ko. Mayroon kayang tao na nagpapanggap lamang na mahal ako?

"Lili, kumain kana" Napalingon ako kay kuya nang kumatok s'ya sa pintuan.

"Sige kuya, pasok ka. Bukas naman 'yan" Sagot ko at pumasok ka ito at may dalang tray na may lamang pagkain.

"Okay kana ba?" Anito sa'kin. Napatitig lang ako sa kisame, magmula nang lumabas ako kanina sa clinic parang mayroon sa'king loob na sobrang bigat, parang isang pamilyar na pakiramdam. Hindi ko alam, pero sobrang bigat at pamilyar ng pakiramdam na iyon.

Our Sad Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon