Chapter 19 [Memories]

44 3 0
                                    

A/N: etong Chapter na 'to ay ang pangyayari noon, nang maaksidente si Kylyne/Geramaine, at ang kaibigan nitong si Kathy, hanggang sa kasalukuyan.

Third person's P.O.V.

NAGISING si Geramaine ng maaninag n'ya ang maliwanag at puting puti na kwarto, bumungad sakan'ya sina Hector, Asawa nito, at si Zed.

"Sino kayo? Nasaan ako?" Naguguluhang tanong ni Geramaine nang hindi n'ya makilala ang mga taong nasa harapan n'ya.

"Anak ako ito, ang papa mo" ngumiti si Geramaine. Pero nanaig sakan'ya ang pagtataka.

"Papa kita? Sino ka? Sino kayo?" Ani ng dalaga na nakapagpatahimik ng buong paligid.

"Ako si Papa Hector mo, at siya si Mama Kathalina mo, at siya naman ang Kuya Zed mo" ngumiti si Hector. "At ikaw si Herlyse Kylyne Lynch"  hinawakan ni Kathalina sa balikat si Hector.

"Pa" anito.  Tumayo si Hector at kinausap ang kanyang Asawa sa labas ng Kwarto ni Geramaine.

Sa kabilang dako ay lumabas din si Zed upang tawagin si Doctor Zargo, Chineck ang Vital signs nito. Si Zed ang unang kinausap ng doktor, bago kay Hector na binayaran ang doktor upang manahimik at wag sabihin kay Germaine na nagkaroon ito ng Amnesia.

Sa kabilang pangyayari kung saan nagusap ang magasawa~

"Hayaan mo na ako, Kathalina. Hindi ko matanggap na namatay ang ating anak. Buo na ang desisyon kong ampunin s'ya." Wika ni Hector na walang pagaalinlangan.

"Pero hindi mo pwedeng itago sakan'ya ang katotohanan Hector, kailangan n'yang malaman kung sino talaga s'ya" hinawakan ni Hector sa magkabilang braso si Kathalina, mahigpit na mahigpit ang pagkakakapit nito. "B-bitawan mo ako Hector, na-nasasaktan ako" wika ni Kathalina ngunit hindi s'ya pinansin ni Hector at mas lalo pa n'yang hinigpitan ang pagkakakapit nito sa braso ni Kathalina.

"Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin, papalitan ko ang alaala n'ya hanggat gusto ko, at hindi ikaw at si Zed ang makakapagpigil sa'kin" wika nito at binitawan na ang braso ni Kathalina.
"Wag na wag mong susubukan na salungatin ako Kathalina, kaya kitang patayin kahit asawa parin kita" nagsitaasan ang mga balahibo ni Kathalina sa huling sinambit ni Hector sakan'ya.

Iniwan na s'ya ni Hector na nakatayo at nakatulala sa kawalan, hindi maintindihan ni Kathalina kung bakit nasambit ng asawa nito ang mga katagang iyon sa kanyang asawa. Parang hindi na nito ito, Mahal.

Pinahid ni Kathalina ang mga luhang umaagos sa kanyang pisngi na nagmula sa kaniyang mga mata. Nasasaktan s'ya sa inasal sakan'ya ng kanyang asawa. Nagsimula nang magkaganyan ang asawa n'ya nang mamatay ang nagiisang babaeng anak nito na si Kathy.

Pumasok si Kathalina ng Kwarto, at pinilit ang sarili na ngumiti kahit nasasaktan s'ya.

"Ma, bakit parang umiyak ka?" Tanong ni Zed sa kanyang ina ng tumabi ito sakan'ya sa sofa. "Sinaktan ka nanaman ba ni papa?" Mahinang tanong nito na halos pabulong nalang upang hindi siya marinig ng kanyang ama na kinakausap si Geramaine.

"Anak, saka nalang natin pagusapan. Nandito ang papa mo, baka masaktan ka pa n'ya kung narinig niyang pinaguusapan natin s'ya." Tumango nalang bilang tugon si Zed sa kanyang ina at pinakinggan nalang si Geramaine at ang ama nitong si Hector habang naguusap.

"Anak, alam mo bang sobra akong nagalala nang macomatose ka? Halos pitong buwan kang natutulog at nakaratay d'yan sa higaan na yan, akala ko pa nga ay tuluyan mo na kaming iniwan" ngumiti si Geramaine sa inaakala n'yang ama nga n'ya.

"Hindi ko kayo kayang Iwan papa, madami pa akong pangarap sa buhay na kailangan tuparin" bahagyang tumingin si Geramaine kay Zed.

"Kuya, napansin kolang ay magmula kanina ayaw mo akong kausapin. May galit kaba sa'kin?" Tumingin si Zed sa kanyang ama pagkatapos ay tumingin s'ya kay Geramaine. Huminga ito ng malalim. "Hindi ako galit sa'yo, little princess" nakangiting sambit ni Zed nang makalapit ito kay Geramaine.

Agad na niyakap ni Geramaine ang kanyang Kuya Zed. "Ahh hehe" ani ni Zed, mula sa gitna ng kanilang yakapan ni Geramaine.

Bumitaw si Geramaine sa Yakap na nakanguti ng sobrang laki. "Mama, bakit parang umiiyak ka?" Nagulat si Kathalina ng tawagin siya nitong mama ni Geramaine.

"Ahh, hindi Anak. Tears of joy lang ito, natutuwa lang ako dahil gising kana." Ani ni Kathalina at umiyak na ng todo.

Binuksan ni Geramaine ang kanyang bisig upang bigyan ng yakap si Kathalina. Lumapit si Kathalina kay Geramaine ng walang pagaalinlangan. Hinigpitan ni Geramaine ang yakap nito kay Kathalina. "Sabi daw po nila, ang yakap ang pinakamabisang gamot para gumaan ang loob ng isang tao" wika ni Geramaine sa gitna ng pagyayakapan nila ni Kathalina.

This time, Kathalina hugged Geramaine so tight. Kathy, anak ko. Patawad kung wala akong nagawa para iligtas ka. Patawag kung wala akong nagawa para buhayin ka. Patawad, anak. Wika ni Kathalina sa kanyang isip.

Miss na miss na n'ya ang yumao n'yang anak na si Kathy. Wala s'yang ibang inisip kundi sisihin ang sarili n'ya kung bakit namatay ang kanyang anak. Hindi s'ya gumawa ng paraan para tulungan si Kathy ng humingi ito ng tulong sakan'ya sa kadahilanang natatakot ito kay Hector sa maaring mangyari sakan'ya kung sumalungat ito sakan'ya.

.

1 month passed.

Tumira sina Geramaine malayo sa lugar kung saan nangyari ang aksidente. Lumipat ng eskwelahan sina Geramaine at Zed. Pinanghawakan ni Hector ang gusto n'yang baguhin ang alaala ni Geramaine sa kan'yang isipan at walang nagawa si Kathalina upang pigilan ang kany'ang asawa.

Bumalik sila sa Lugar kung saan nanyari ang trahedya ng Tuluyan nang maampon ni Hector si Geramaine ng palihim, naging ganap na Herlyse Kylyne Lynch S'ya sa edad na 14.

Nagaral si Kylyne sa St. Dominic Academy, kasama ang nagiisa n'yang kaibigan na si Cheska Monic Naing, ~which is pinsan ni Kathy sa ina.

.

Lumipas ang dalawang taon ay, Naghiwalay sina Kathalina at Hector nang hindi ipinapaalam kay Geramaine upang hindi mabuko si Hector.

Hanggang sa tumagal ay nanatiling walang alam si Geramaine......

Itutuloy.....

Our Sad Love Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now