Chapter 15 [Kakaiba]

58 2 0
                                    

Kylyne.

Agad agad akong nagtungo papunta sa Simbahan, hindi pa nagsisimula ang Misa pero madami na ang tao sa loob, mukhang nalate ako ng dating.

Agad na nahagilap ng mata ko si Cheska na nakaupo sa Gilid habang kinakalikot ang kanyang cellphone, mukha s'yang seryoso dahil naka-kunot pa ang noo nito habang nakatingin sa Screen ng Cellphone n'ya. Lumapit na ako sakan'ya at mabilisan s'yang napalingon sa gawi ko, ngumiti s'ya bigla at kinuha ang dala n'yang bag sa isang silya sa tabi n'ya. Umupo nalang ako du'n ng di nagsasalita. Maski s'ya ay hindi din nagsasalita.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa harap. Wala parin si Father, madami din ang mga taong nagse-cellphone sa loob ng simbahan, mga batang nagtatakbuhan na animo'y Walang problema sa buhay, may isang pamilya din na magkakasana at kumpleto silang nagsisimba. How I wish to be with my family going on church every sunday..

mayroon din namang magkasintahan na Naglalampungan.

Seriously? Dito pa talaga mismo sa loob ng simbahan sila naglampungan? Mga kabataan talaga ngayon. Hays.

Napasinghap ako, kung seryoso kaya sa'kin si Alexander gan'yan din kami? Kung totoo lang sana mga pinapakita n'ya sa'kin Okay kaya kami ngayon? Masaya kaya kami ngayon?.

Napailing ako sa naiisip ko.

Tigilan mo na 'yang katangahan mo, niloko kana nga nagawa mo pang magisip ng gan'yan.

"Nget okay ka lang ba?" Napalingon ako kay Cheska ng kalabitin n'ya ako.

"Ahh, oo nget. Okay lang ako" ngitian n'ya ako at kinalikot na ulit ang cellphone n'ya.

Napasinghap ako, kailan ba ako mauubusan ng iisipin at problema?

*tang! Tang tang tang!* (A/N: tunog po ng kampana 'yan. HAHAHA)

Napalingon ako sa gitna kung saan nandun na ang mga sakristan at si Father sa dulo. Nang nasa harapan na ng altar si Father may nakita akong isang bulto ng isang tao.. bulto ng isang taong Kinakamuhian kona simula ngayong araw na 'to.

Papa, bakit mo ginawa 'to sa'min?

Drake's P.O.V.

(A/N: s'ya po 'yung soon-to-be-fiancé ni Kylyne kung natatandaan n'yo po. Sa Chapter 2 ko po s'ya ipinasok sa scenes. Hehe!)

Nagsa-soundtrip ako sa kwarto ko nang katukin ako ni mom mula sa labas ng aking pinto.

"Drake, get out. May pupuntahan tayo" Kumunot ang noo ko at tinignan lang ang pintuan kung saan nasa labas si Mom. Nanatili akong nakahiga at pinalitan ang music ng Ipod ko.

Ang dami ng araw ang lumipas pero 'di ko na ulit nakita si Ms. Akyat Bakod. Sobra akong natatawa sakan'ya that time na determinado s'yang umalis.

I kinda like that girl, pero mas'yado s'yang nakakaewan. Naiinis ako sakan'ya sa totoo lang, bakit? Hindi ko din alam.

"Drake I said get out!" Padabog akong bumangon sa kama ko at tinanggal ang headphones sa ulo ko. Why does Mom always on wrong timing? Tch.

Binuksan ko ang pintuan at nakitang bihis na bihis na si Mommy, she's wearing her Boyfriend's new gift for her. Yep, my soon-to-be-step father.

"Mom, Seriously? You'll wear that freakin' dress?" Sinamaan ako ng tingin ni mommy.

"Drake watch your words, this is your Step-father's gift for me." Madiin at may awtoridad na sagot ni mommy. Napailing iling ako at' di na sinagot ang sinabi n'ya.

"Saan ba tayo pupunta? Kung kasama lang 'yang kabit mo hindi ako sasama" nakaramdam ako ng palad sa pisngi ko, napatagilid ang ulo ko ng sampalin ako ni mommy.

Our Sad Love Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now