Chapter 24 [GOODBYE]

56 2 0
                                    

Zed.

"Sinasabi kona nga ba at mapapahamak ang kapatid mo! Nakita mo na ha!? Nakita mona?! Kung nakinig kalang sa'kin, edi sana hindi' to mangyayari!" Sigaw sa'kin ni Papa.

"Pa, hindi ko naman inaakalang aabot ang lahat sa ganito." Mahinahon kong sabi, ayoko ng palakihin pa itong gulo na 'to, inaamin ko na sinuway ko si papa sa kagustuhang gusto kong sumaya ang kapatid ko, alam ko namang si Alexander lang ang makakapagpasaya sakaniya. Siya lang. Pero ngayon? Hindi kona alam gagawin ko, biglang nanlumo ako at parang nawalan ng lakas na mabuhay.

Geramaine, namimiss na kita..

Apat na araw na ang nakalipas mula nung araw na nangyari ang lahat, at mula nung araw na yun ay walang ginawa si papa kundi sisihin at sisihin ako, na kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari ito, sinisisi niya ako dahil hinayaan kong mapalapit si Kylyne sakan'ya. Hindi ko alam, pero nahihirapan ako, ayokong mangyari ito kay Geramaine. Pero wala na akong magagawa nangyari na ang dapat na mangyari.

"Alam mo kung gaano ko kina-iingatingatan ang kapatid mo! Ayaw kong masaktan at mapahamak siya kaya binibigay ko lahat ng hiling niya para sa kabila ng 'yon, ibabalik niya sa'min ay respeto at pagmamahal! Pero nung hinayaan mo ang kapatid mong mapalapit sa lalaking 'yon, wala na! Nasayang lahat ng isinakripisyo at pinagpagudan ko!" Aniya na nakapagkuyom ng kamay ko. Mali siya, hindi niya ba nakikita na dahil sa pagiging makasarili niya, natutong magrebelde si Geramaine. Siguro ay hindi pa alam ni papa na alam na ni Geramaine ang lahat. Akala niya, pinagkakatiwalaan padin siya ni Geramaine. Siya na mismo ang nagpahuli kay Germaine.

Imbes na sagutin ko si papa ay iniwan ko siya, sigurado naman akong babantayan niya si Geramaine ng maigi. Hindi niya hahayaang mapahamak si Geramaine. Ang kailangan kong gawin ngayon ay hanapin si Alexander. Alam kong nanganganib ang buhay ng magulang niya sa Canada, kaya hanggat wala pa si Papa sa Canada, Kailangan niyang puntahan sina tito at tita.

Ilan beses kong sinubukan na tawagan si Alexander pero hindi niya sinasagot, minsan naman cannot be reach. Siguro ay iniiwasan niya ako. Akala niya galit ako pero hindi.

Tinawagan ko ulit siya and thank God Sinagot na niya.

[Hello] Aniya sa kabilang linya.

"Magkita tayo Kyle, sa dating tagpuan. Ngayon na" at pinatay kona ang tawag. Alam kong tatanggi 'yon kaya inunahan kona siya. Sana lang talaga, hindi kami mahuli ni Kyle.

Alexander.

Ilan beses na akong umikot ikot sa buong kwarto ko, hindi ko alam kung sisipot ba ako kay Zed o mananatili lamang ako dito sa bahay. Halos apat na araw nang lumipas simula nung mabaril si Geramaine, hindi ko naman siya madalaw dalaw dahil baka makita ako ni Tito Hector.

Sina Mama at Papa, I know they're still alive and safe as long as hindi pa bumabalik si Tito Hector sa Canada.
Ano na ang gagawin ko? Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

'Siputin mona si Zed, malay mo makatulong siya sa'yo'

Huminga ako ng malalim buo na ang desisyon kong puntahan si Zed.

Lumabas ako ng kwarto ko, nadatnan ko si Ynah na kinukuskos ang mga mata, halatang bagong gising lang siya.

"Kuya? Saan ka pupunta?" Aniya at naghikab. Kakagising lang nga talaga niya.
Natulala ako sa kapatid ko, papaano kung idamay si ni tito? Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon, kailangan kong itago si Ynah sa ligtas na lugar.

"Kuya?" Nagbalik ako sa realidad nang magsalita muli si Ynah. Puno na ng tanong ang mukha niya. Hays, Ynah.. ayokong mawala ka sa'kin, kayong mga mahal ko sa buhay...

Our Sad Love Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now