Chapter 5 [Family or Freedom?]

89 3 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Kanina kopa iniisip ang halik na 'yon. Bakit ba sobrang lakas ng epekto sa'kin nang lalaking 'yon?

S'yempre mahal mo na din e.

Mahal kona nga ba s'ya? Hindi ko alam, ang alam ko lang ay crush ko s'ya, na humahanga lang ako sakan'ya. Hindi ko alam kung pagibig na ba ito, pero sinabi n'yang Mahal n'ya ako. At sobrang lakas ng epekto nu'n sa'kin.

Pagibig na nga ba ito?

"Herlyse!" Isang malakas na sigaw at kalabog ang nakakuha ng atensyon ko.

Si papa, nakauwi na s'ya.

"Lumabas ka sa kwarto mo ngayon Herlyse!" Kung kanina sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang halikan ako ni Alexander sa Noo.

Oo sa noo lang, wag kayong ano d'yan. Ngayon naman, sobrang bilis nang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot, iba magalit si papa.

Lumabas ako nang kwarto ko at nakita ko si Manang Ester na nakatingin sa'kin.

"Nasa Library s'ya, Ano ba kasing ginawa mo nanaman na ikinagalit ng papa mo anak? Ipinapahamak molang ang sarili mo" Nagaalalang sabi ni Manang Ester sa'kin..

"Mamaya konalang po ikwekwento sainyo, manang. Sa ngayon, kailangan kong harapin si papa" Nginitian ko si Manang, yung ngiting pilit.

"Herlyseeee!!!!" Napatingin ako sa pinang-gagalingan nang malakas na sigaw. Si papa, shocks mas lalo akong kinabahan.

"Mauna na ako, manang" Sambit ko at tumalikod na.

Pagkapasok ko sa library, isang matalim na tingin ang sumalubong sa'kin galing kay papa. Madilim ang awra n'ya, at nagliliyab ang mga mata dahil sa galit.

"Pa----"

"Wag mo ako pinapa! Hindi mona ako ginalang! Ilang beses kitang tinawag pero mas pinili mong sumama sa lalaking iyon!" Galit na sigaw sa'kin ni papa.

"Pa, hindi naman s'ya---"

"Manahimik ka! Ayokong marinig ang walang kwentang dahilan mo!" Giit ni papa at lumapit sa akin.

"Ikaw!" Turo n'ya sa'kin. " Lahat lahat, ibinigay namin sa'yo ng Mama mo! Lahat lahat! Pero eto lang? Minsan lang kami humingi sa'yo, hindi mo pa maibigay?! Anong klaseng anak ka ha?! Wala kang utang na loob!" Giit ni papa.

"Pa, tama na po" Iyak ko, umiyak lang ako nang umiyak, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. All my life, ang lahat ng gusto ko ay ibinigay nila, lahat nang hinihiling ko, ibinibigay nila. Pero hindi naman sa buong buhay ko e, kailangan akong magpakadepende sakanila, I'm growing up. I need to learn to be independent.

"Pa, please. I need my freedom" Napatingin ako sa mga mata ni papa, na punong-puno ng galit at dismaya.

"Ano bang alam mo sa buhay ha?! Wala! Hindi ka mabubuhay nang wala kami nang mama mo! So what is your right to wish for your freedom huh?! Nothing! You know nothing!" Sigaw ni papa.

"Ayun na nga pa e! Wala akong alam sa buhay, lahat nakaasa sainyo, sa mga katulong dito sa bahay na 'to, wala akong freedom kaya wala akong natututunan. Kaya nga humihingi ako nang freedom sainyo pa! Hindi naman habang buhay e, nakadepende ako sainyo. Hindi naman habang buhay, hawak n'yo ako, I can now do decisions in my own pa, I already grown up! I'm not a kid anymore!" Isang malakas na sampal ang nakuha ko kay papa. Napahawak ako sa pisngi ko. Sobrang sakit.. Ang sakit sakit na masampal nang mismong ama mo.

"Kahit anong sabihin mo, susundin mo ako, magpapakasal ka kay Drake! And it's final!" Sigaw ni papa at lumabas nang Library.

Iyak.... Iyak lang ang nagawa ko, umiyak ako nang umiyak hanggat sa wala na akong maiiyak. Ang sakit lang, ang sakit sakit para sa'kin na nakaya akong pagbuhatan nang kamay nang sarili kong ama.

Our Sad Love Story [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن