Chapter 18 [Finally]

48 2 0
                                    

Kylyne.

"Oo Lyn, Anemic ka. Kulang ka sa dugo kaya kailangan mong magpagaling" pumikit ako at marahang bumuga ng hangin.

Nandidito padin ako sa hospital, dalawang araw na akong nandito. Sabi ng doctor ay pwede naman na akong umuwi pero si kuya, pinilit n'yang iconfine na muna ako habang nagpapagaling.

"Nasaan si Papa kuya?" Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas para itanong kay kuya kung nasaan si papa.

"Bakit mo natanong?" Ani ni kuya at inayos sa tabi ng table ko ang niluto n'yang Mushroom Soup.

"Madami akong gustong itanong sakan'ya" matipid kong sabi sakan'ya.

"Ganun ba?" 'Yun lang ang sinagot n'ya at di na nagsalita pa. Nung una ayaw n'yang ipaalam sa'kin ang totoo, ngayon naman ayaw n'yang sabihin kung nasaan si papa.

"Si papa, nandun na sa Septic tank nakakulong" biglang sambit ni kuya na, ikinatawa ko din naman. Ang weird kolang?

"Lyn, gusto kong makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko sa'yo" naging seryoso ang mukha ni kuya. At umupo sa tabi ko.

"Lyn, si Papa. Hindi mo s'ya----"

*tok tok tok* napahinto si kuya sa pagsalita, isinara n'ya ang bibig n'ya at parang nadismaya s'ya na hindi n'ya nasabi sa'kin ang dapat n'yang sasabihin sa'kin.

"Pasok" ani ni kuya at umayos ng upo.

"How's my future wife?" Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa'min si Drake, papa,mama, at si tita Veronica..

Ang kapal din talaga ng mukha ni papa, nagawa n'ya pang isama ang babae n'ya habang meron si mama. Sabagay, nandito naman si drake, mayroon silang chaperon tss.

"Sinong future wife mo, huh?" Nakangiwing sagot ni kuya.

"Sino paba? Edi ang babaeng nasa tabi mo" matapang na sagot ni Drake.

"G*go 'to ah, uupakan kona ba?" Tumawa ako kay kuya. SIRA

"HERLYSE, ANAK" parang biglang nabasag ang eardrums ko ng marinig ko si papa na nagsalita at tinawag n'ya akong anak..

"Kamusta kana? Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tinignan kolang ng diretso si papa. Hindi ako makasagot sakan'ya parang biglang huminto ang buong paligid ko.

"Herlyse, kamusta ang pakiramdam mo?" Ulit ni papa sa tanong n'ya pero diko talaga alam kung bakit di ako makasagot. Bakit bigla akong napipe?

"She's fine pa, she just needs some rest" si kuya na ang sumagot kay papa. Nanatili akong tulala at hindi kumikibo sa hindi ko den malaman-laman na dahilan.

"Who's the doctor checked her?" Ani ni papa at seryoso ang mukha n'ya.

"Doc. Zargo" nanlaki ang mga mata ni papa at parang biglang nagalit.

"Sinong nagsabi sa'yong kontakin mo si Doc. Zargo?" Ngayon naman ay ako ang sumagot sa tanong ni papa.

"Bakit pa? Kailangan pabang magpaalam sa'yo bago tawagan si Doc? Bakit pa ha?" Nagulat si Papa dahil bigla akong sumingit at sinagot n'ya ng pabalang.

"Herlyse anak, magbigay respeto ka sa 'yong ama." Umiling-iling ako kay mama.
"Hindi Ma, hindi siya karapat-dapat na respetuhin ma."

"Lyn" Hinawakan ni kuya ang kamay ko at pinisil 'yon, tinignan ko s'ya sa mata. Nakita ko sa mata n'ya ang pagmamakaawa. Siguro nasense n'yang alam kong niloloko lang ni papa si mama.

Huminga ako ng malalim, pinikit ko ang mga mata ko at isinandal sa uluan ng higaan ko.

"Pwede kobang kausapin ang anak ko ng kaming dalawa lang?" Napalingon ako kay mama nang magsalita s'ya muli.

Our Sad Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon