Chapter 16 [Break up]

51 2 0
                                    

Kylyne..


"Kathy! Dito tayo dali! Makikita tayo d'yan ni Spencer!" Tinawag ko' yung batang kasama kong naglalaro sa isang park.

"Sige, Geramaine!" Sagot nito sa'kin at pumunta s'ya sa kinaroroonan ko.

"Nasaan na kayo?" Nakita ko si Spencer na naglalakad at mukhang hinahanap n'ya ako at ang batang kasama ko na tinawag kong Kathy.

"Kathy, Geramaine nasan na kayo?" Ani ni Spencer at pumunta s'ya du'n sa punong pinagtataguan namin ni Kathy.

Dahan-dahan s'yang pumunta sa likod ng puno at ginulat kaming dalawa. "Huli kayo!" At niyakap n'ya kaming pareho.


"Kathy!"

"Spencer!"

Napatingin ako sa mga tumawag sa'min. Sila papa at mama. Si tito at tita.

Napatingin ako kay Spencer at Kathy na parehong pumunta sa mfa magulang nila. Pero bakit ako nanatili akong nakatayo? Bakit nanatili akong nakatanaw lang sakanila? Bakit nanatili akong tahimik habang tinitignan sila?

Nakita ko ang suot kong damit, Madungis, Punit-punit, sobrang dumi ko, at mukhang pulubi lamang ako na nagkaroon ng mga kaibigan.

Isa lang ba akong ampon? Bakit parang naliliwanagan na ako? Pero bakit wala na si Kathy ngayon? Nasan na s'ya? Bakit hindi namin s'ya kasama sa iisang bahay?

.

"Kylyne? Kylyne okay kana ba? Masakit parin ba ang ulo mo?" Tinignan ko si cheska na nagaalala sa'kin. Nilibot ko ang tingin ko at nasa hospital kami.

"Anong nangyari?" Umupo ako habang nakahawak sa sentido ko.

"You past out when we're on the mall, earlier. Sabi ni Doc, stress kalang daw at baka nagbabal----ah wala stress kalang daw Kylyne. You have to take some rest.

"S-si Geramaine, a-ay a-ako.. a-ako si G-Geramaine" nanlaki ang mga mata n'ya.

"Geramaine" tinignan ko s'ya sa mata. "P-paano mo n-nalaman?" . So totoo ang nakita ko? Ako si Geramaine?

"Cheska sino ba talaga ako!?!" Pasigaw kong tanong sakan'ya..

"K-kylyne, calm down----"

"Why don't you tell her the truth Cheska?" Napalingon ako sa pintuan, hindi ko inaakalang makikita  ko siya ngayon dito. Hindi ko inaakalang pupuntahan n'ya ako ngayon dito ..

"A-anong ginagawa mo dito Alexander?" Gulat na tanong ni Cheska.

"I saw her passed out earlier so I decided to follow and check out what's happening. Besides I'm still his boyfriend" literal akong napanganga. What the hell? Anong karapatan n'ya para sabihin' yon sa harapan ko? Sabagay, hindi n'ya pa alam na alam kona ang totoo. Na niloloko n'ya lang ako.

"Wala akong karapatan para sabihin sa kanya ang totoo Kyle." Napabuntong hininga ako at iniwas konalang ang tingin ko sakanila.

"Cheska, kahit ang nakaraan n'ya lang." Ano? Lang? Ibig sabihin meron pang iba? What kind of life really is this? Why do they keep secrets from me? Why are they making me like a stupid here?

"Kyle, hindi natin dapat pangunahan ang pamilya n'ya. Wala tayong karapatan manghimasok sa buhay ng iba. Mga kaibigan lang tayo. Wala tayong karapatan" dinig kong sabi ni cheska. Sumasakit ang ulo ko dahil sa hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.

"Ang sabihin mo, ayaw molang malaman n'ya ang totoong ugali mo, ang totoong ikaw" this time napalingon ako sakanila, nakatingin sila sa'kin na animoy tinignan ang naging reaksyon ko.

Our Sad Love Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now