Chapter 10 [Kidnapped]

63 3 3
                                    

Dedicated to: Sandaraasuncion
Bebe, eto na. Ang kulit mo po. Lablab kita sana magustuhan mo! Haha!

At sa lahat ng readers ko. I love you all!💕 umwahhh.

Kylyne's P.O.V.

MAAGA AKONG nagising at mabilisang inayos ang sarili ko, dalawang araw na ang lumipas pagkatapos ng nangyari.

Masyadong lutang ang utak ko at hindi ko alam kung ano na ang nangyayari.

"Ano nalang sasabihin ni Thy?!"

"Ano nalang sasabihin ni Thy?!"

"Ano nalang sasabihin ni Thy?!"

Bigla nanamang nagecho sa isipan ko ang sinabi ni papa. Magmula nang araw na 'yon, walang araw na di ako nilubayan nang sinabing 'yon ni papa.

Sino ba si Thy? Anong koneksyon n'ya sa pamilya namin?

"Ly, halika na. Kain na tayo" Tinignan ko lang ang pinto kung saan nasa labas si kuya na nagsasalita. Dalawang araw ko na ring di pinapansin si Kuya, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may itinatago s'ya sa'kin, at pakiramdam ko ay ayaw n'yang malaman ko kung sino si Thy...

"Ly, kausapin mo naman si Kuya oh? Namimiss kana ng kuya mo" Nagpatuloy akong nagsuklay, at hindi pinansin si kuya. Matapos kong magsuklay ay isinukbli ko na ang bag ko at binuksan ang pinto.

"Aalis na ako" Mabilis kong sabi at nilagpasan si Kuya, pero di pa ako nakakalayo ay hinawakan n'ya ang braso ko.

"Ly, please naman 'wag ka namang gan'yan sa kuya mo oh? Namimiss na kita. Gusto mo bang ihatid kita? Teka hindi kapa kumakain e. Kumain kana muna" Tinignan ko lang si kuya matapos ay tinignan ko ang kamay n'yang nakahawak sa braso ko.

"Hindi ako gutom, at huwag mo na akong ihatid. Kaya ko ang sarili ko, salamat nalang po" Kinabig ko ang braso ko at naglakad na palabas ng bahay.

Oo, alam kong mali na maging ganun ang pakikitungo ko kay kuya pero hindi ko kasi gusto na nagsisikreto s'ya sa'kin. Akala ko ba kami ang magkakampi at magkasangga sa lahat? Pero bakit naman nagsisikreto s'ya sa'kin?

Nagpahatid nalang ako kay Mang Domeng, ang driver namin. Mabilis lang din kaming nakarating sa campus. Hays, this is gonna be a stressing day. I can feel it.

Bumaba na ako ng kotse at sinara ang pinto nito.

.

"Kylyneeeee!" Naglalakad na ako sa corridor namin nang may narinig akong malakas na sigaw.

Napatingin ako sa lugar kung saan nang gagaling ang sigaw na 'yun, at nakita ko si Cheska na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

"Ches----" Diko na natuloy ang sasabihin ko nang yakapin n'ya ako ng mahigpit. "Ch-ches, hindi ako makahinga!" Napabitaw si Cheska sa yakap at ngumiti sakin.

Ano meron sa babaeng ito at parang sobrang saya n'ya?

"Namiss kita nget!" Binatukan ko nga.

"Miss mo mukha mo, ni hindi mo nga ako dinalaw sa bahay nung nagpapagaling ako. Sabihin mo nga, miss ba tawag d'on?" Nagtatampong sagot dito.

"Eh! Sorry na, eh pumunta kaya ako sainyo kahapon kaso ayaw akong papasukin ni tito Hecs." Napangusong sagot nito.

"Ni magtext manlang di mo naisip na gawin? Ang sama mo naman Ches" NagCross arms ako.

"Ha? Sorry na Lyne! May inaasikaso dito sa school e, you know?" Napanguso ako.

"Okay fine. Apology accepted na nget" Nginitian ko s'ya. Ngumiti sya pabalik pero mas malaki naman na ngayon kesa sa kanina. 'Yung totoo? Ano ba meron ngayon?

Our Sad Love Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now