Chapter 29

46 2 0
                                    

Author’s Note: 1 chapter, and the epilogue nalang. Matatapos na ang storya ni Mrs. Herlyse Kylyne L. Xeril. I still can’t decide kung anong gagawin kong plot ng pagtatapos ng story, pero may naisip narin akong ideya. Huhubels. Maraming salamat sa pagsuporta. Kahit ‘di kayo active na mag-vote. :(

Enjoy Chaper 29! :) God bless us all.

Kylyne's POV.

“Mommy, do you think Kuya Dre is Gay?” I raised my right eyebrow.

“Dyle, what kind of question is that? Your brother is just grumpy but he's not a gay.” I said tapos sumubo ako ng kanin na may bacon.

“But Mom, why does Kuya always use Gay words? In fact, napaka-arte niya sa mga gamit. Unlike me Mom, hindi naman ako ganon kaarte sa mga gamit.” sagot ni Dyle. I looked at her, she's right. Malinis at maayos talaga si Dre sa mga gamit niya and he sometimes uses gay words but I know that my son is not a gay.

He's a straight man. Alam ko ‘yon dahil ina niya ako.

“Alexadyle, hindi porket ma-arte ang kuya mo sa mga gamit niya ay bading na s’ya. Hindi ba’t sinabi ko sainyo mula pagkabata ay maging maayos at maalaga kayo sa mga gamit? Para hindi tayo araw-araw bumibili o gumagastos.” sagot ko saka nagsubo ulit.

Napanguso si Alexadyle habang ngumunguya. “Mom, bakit lagi mong ipinagtatanggol si Kuya? I think he's your favorite. I envy him” anito na ikinahinto ko. I saw how her face turned into different kind of faces. she's Annoyed. But she's wrong. Wala akong paborito sakanila dahil parehas ko silang Mahal.

“Nagpapalambing ang nagiisang unica ija ko. Halika nga rito” Ani ko at lumapit naman sa’kin si Dyle. Kumandong siya sa’kin ako naman ay sinuklay ang hanggang bewang niyang buhok. “Anak, wala akong paborito sa inyo ng kuya mo. Dahil pareho ko kayong Mahal. Dalawa kayo ang buhay ko, pati narin ang Daddy mo. Lahat kayo ay parte ng buhay ko, kaya mahal na mahal ko kayo. Walang lamang sainyo. Naiintindihan mo ba ako anak?” Sambit ko at niyakap si Dyle.

“Yes Mommy, I understand. Kaya Love na Love ko kayo ni Daddy eh.” aniya at hinalikan ako sa pisngi. Sumilay naman ang isang napakatamis na ngiti mula sa aking labi.

“Kylyne anak,may naghahanap sa’yo sa labas” takang napatingin ako kay Manang Ester nang magsalita ito mula sa Sala. Sino naman sana iyon? 

“Sige ho manang, susunod na ako” tumango nalang si Manang at nagsimula nang mag-walis muli. Kakadating lang ni Manang Ester dito sa bahay, dahil gusto daw niyang manilbihan sa Paborito niyang alaga at s’yempre ako ‘yon. Pero teka nga? Sino ngaba ‘yung naghahanap sa’kin?

“Mauna kana sa taas Dyle, may Kakausapin pa si Mommy” tumango nalamang sa’kin si Dyle at hinalikan sa Cheeks. Nang maka-akyat si Dyle ay naglakad na ako papunta sa labas.

Pagkalabas ko ay may nakita akong naka-paradang sasakyan mula sa labas ng Gate. Hindi pamilyar ang kotse sa’kin kaya mas lalong nangunot ang noo ko. Nag-lakad na ako papunta sa Gate nang bumaba ang isang lalaki na Naka-shades at naka-suot ng pormal na kasuotan.

Sino naman kaya ‘to?

Sumandal siya sa pinto ng kotse niya at mahinahong kumaway.
“Sino ka? Anong kailangan mo?” tanong ko sinuklian niya lamang ako ng isang ngiti pagka-tapos ay tinanggal niya ang suot na shades. Ganun nalang ang gulat ko nang malaman kung sino iyon.

Si Drake Kumag lang pala.

“Drake! Anong ginagawa mo rito?” Bungad ko at nagmadaling buksan ang gate namin. Isinara niya ang pinto ng kotse niya at naglakad papunta sa harapan ko.

“Bakit? Masama bang dalawin ang Ex Fiancé ko?” sinuntok ko siya sa braso, he used to call me that way;Always. I remembered the time he called me Fiancé Alexander got mad and almost punch him. But he mananged his temper and talked to Drake; lalaki-sa-lalaki.

Our Sad Love Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon