I

14.4K 131 3
                                    

This is a work of fictions, the names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person,  living or dead, or actual event is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME.

KABANATA 1

Year of 2000

Ako pala si Gabriela Custodio na mas kilala bilang Ela sa aming bahay at sa pinapasukan kong kumpanya. Sisimulan ko ang kwentong ito noong year 2000 na kung saan dalawang taon palang ako nito simula nung iwan ako ng aking Dade.

Sa taong ito, nung nasa barko si Dade isa siyang seaman doon at ni minsan hindi niya pa ako nakikita  sa harapan kaya super excited siyang makita ako. Palaging video call lang ang tanging daan namin para makita niya ako. Kamustahan na may iyakan dahil miss na namin ang isa't-isa. Dalawang taon palang si Dade sa barko dahil after he graduate in College, naghanap agad si Dade ng mapapasukan dahil nabuntis nya si Mame nung mga araw na yun. He need an extra income para matulungan nya kami ni Mame. Nung una, walang barko ang kumukuha sa kanya dahil wala pang experience. Alam nyo naman kapag wala kang backer at karanasan hindi ka makakasakay agad. He called my Tito Sebastian to backer him para makasakay na siya ng barko.

Makalipas ang ilang linggo, umuwi na si Tito para sunduin si Dade dahil nakausap niya na ang boss at pumayag naman daw ito. Marine Stewardess ang position ni Dade sa barko, malayo sa natapos niyang cruise chef. Nung una, ang ganda ng pakikitungo ng mga ka-trabaho niya sa kanya. Minsan pa nga nakikipag-bonding pa siya sa mga co-mariners niya hanggang sa dumating yung time na nagbago ang ikot ng mundo. Napunta na si Dade bilang isang cruise chef  sa sinasakyan niyang barko. Laking tuwa ni Dade nung mga araw na yun, agad siyang tumawag sa amin ni Mame upang ipaalam iyon. Through Video call.

"Honey!" pambungad nasabi ni Dade. Sobrang laki ng nguti niya nung mga araw na yun halos abot tenga.

"What is it, honey?" tanong ni Mame.

"Cruise chef na ako!" nakangiting bigkas ni Dade.

Nang malaman ni Mame ang balitang iyon laking tuwa ni Mame nung marinig niya iyon sa bibig Dade kase sa wakas natupad na ni Dade ang pangarap niya na maipatikim niya sa lahat ang kanyang specialty na kay Mame palang niya ipinapatikim.

"Wow, honey congrats!"

"Nga pala kumusta nga pala kayo?" pag-iiba ng usapan ni Dade tapos biglang nag-shut down yung laptop namin na maghapong ginamit at hindi pala nai- charge ni Mame.

"Ang malas naman aba!"narinig kong sabi ni Mame na may halong inis.

*****

Kinabukasan


Maagang nagising si Mame para ipaghanda ako ng makakain. Nakaupo daw ako nun sa may upuan gabay ng aking yaya nung biglang may tumawag kay Mame sa may telepono na agad din itong nasagot ng aming kasambahay.

"Ma'am, may tawag po kayo galing sa International Cruiseship Company. Kailangan po daw kayong makausap ng boss ni Sir Paolo."

Agad na kinuha ni Mame yung telepono kay Aling Wanda. "Hello, napatawag po kayo Sir?"

"Is this a wife of Mr. Paolo Custodio?"

"Yes po!"

Napabuntong hininga yung nasa telepono kaya napatingin sa amin si Mame.

"I'm sorry!" saad nung nasa telepono.

"Bakit? May nangyari po bang masama sa asawa ko?" nag-aalalang tanong ni Mame at bakas din sa mukha nito ang hindi maintindihang ekspresyon.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें