XIX

2K 20 1
                                    

KABANATA 19

"Oh Mame kakadating nyo lang?"

Agad na bumukad sakin pagpasok ko ng bahay sina Mame at Daddy Paul. Nakaupo sila ngayon sa may Sofa. Hindi man lang sila nagsabi na uuwi na pala sila e di sana nasundo namin sila ni Kuya John.

"Hindi kanina pa kami ni Daddy mo." sagot ni Mame. "Si Kuya John mo kanina ko pa siya hindi nakikita. Alam mo ba kung saan pumunta?" sambit ni Mame.

"Mame kanina po nandito siya bago ako umalis ng bahay. Ewan ko lang po ngayon?" sagot ko tapos naupo na ako sa sofa katabi ni Mame.

"LINTIK NA BATA YAN. AKALA KO BA NAMAN MAKIKITA KO SIYA NGAYON. NI HINDI MANLANG NAGPAALAM KAY ALING WANDA BAGO SIYA UMALIS." rinig kong sabi ni Daddy na pagalit yung tono ng boses.

"Daddy baka may pinuntahan lang po"

Napailing lang si Dad tapos ako naman pinaakyat na ni Mame sa kwarto ko para magpahinga muna.

"Saan kaya nagpunta yung lalaking yun?" tanong ko habang naghuhubad ako ng coat at palda. Nag-aalala na kase sila Mame at Dad dahil hindi manlang daw nag-papaalam kay Aling Wanda bago umalis.

Maya-maya habang paakma na akong hihiga sa kama ko ng marinig ko ang boses ni Dad. Sa tingin ko nandito na si Kuya.

"ANONG NANGYARI SAYO?" rinig kong tanong ni Dad na pasigaw. Hindi ko alam ang nangyayari sa baba kaya lumabas ako ng kwarto ko para tignan ang narinig kong sigawan na hindi maganda sa pandinig ko.

Nakita kong nakaupo sila Kuya at Mame sa may sofa habang si Dad naman papuntang kusina para kumuha siguro ng planggana na may alcohol. At shet! Napamura ako sa isip ko nung makita ko ang mukha ni John na puno ng mga dugo at pasa.

Pagdating kong Sala. Agad kong hinawakan yung kanang pisngi niya para tignan ang mga pasa nang mukha na nabugbog.

"Anong nangyari sayo?" takang tanong ko nang may pag-aalala.

"Napagtripan kase ako dun sa may kabilang kanto. Nakatambay kase ako dun siguro napagkamalan akong kaaway nila kaya 'to nabugbog ako." sagot ni Kuya habang ramdam na ramdam niya yung sakit na natamo niya sa mga bumugbog sa kanya.

"John, dapat hindi ka muna naglalalabas kabago-bago mo lang kaya dito." sabi ni Mame.

"UMUSOG MUNA KAYO!" utos na pasigaw nasabi ni Dad kaya napatayo kami ni Mame saka siya naupo para punasan ang mga natamo ni Kuya. Habang pinupunasan ni Dad si Kuya pinapagalitan niya ito. "Alam mo John, kabago-bago mo pa lang dito sa Maynila napapaaway ka na agad. Ayusin mo nga sarili mo baka pabalikin kita ng Batanes." sabi ni Dad ng mahinahon na.

"Dad sila naman po nauna. Atsaka nakatambay lang naman po ako sa may kanto tapos pagti-tripan nila ako." pagpapaliwanag ni Kuya.

Napatigil ng pagpupunas si Dad ng marinig niyang umangal si Kuya. "Ano? nakatambay ka?" pabiglang sabi ni Dad. Tumango si Kuya habang nakatingin sa Dad niya. "ANG TANGA MO!" wikang sabi ni Dad ng pasigaw sabay suntok sa braso nito. "Alam mo bumalik ka na lang sa Batanes ng hindi ka mapaaway. Tutal laking probinsya ka." dagdag pa ni Dad.

Halos maluha si Kuya sa mga nasabi ni Dad. Iba pala kapag magalit si Dad masakit kung mag bitaw ng mga salita.

"Dad, parang masasakit na po yung binibitawan ninyong salita kay Kuya!" pag-aangal ko.

"Hayaan mo ng magtanda yang stepbrother mo." sagot ni Dad.

Kinagabihan..habang nakahiga kaming dalawa ni Kuya sa may kwarto. Bumangon siya at kinuha yung sweater na nakalagay sa may damitan niya. Hindi ko alam kung anong binabalak nito. Dis-oras na ng gabi maglalaboy pa 'to.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now