XI

2K 25 0
                                    

KABANATA 11

Few Days Later

"Kamusta vacation sa Batanes?" tanong ng isa kong co-worker sa office.

"Okay naman!" sagot ko sabay upo ko sa may cubicle ko.

"Balita namin may Kapatid ka na. Gwapo ba?" tanong naman ng isa ko pang co-worker.

"Oo naman!"mabilis kong pagsagot.

Maya-maya pa'y dumating yung Boss namin galing office. Lumapit ito sakin at binati ako sa aking muling pagbabalik. Kasabay nito ang pag-abot sa akin ng isang folder na puti.

"Ms. Custodio welcome back and you need to encode all of the paper na nakapaloob dito. As soon as possible." mahinahong pagkakasabi nito.

"Okay Sir!" sagot ko. Ang ganda ng salubong ni Sir sakin. Thank you!

Pag-alis ni Sir nagsimula na akong mag-encode ng mga proposal and other documents na may kinalaman sa manufacturing ng aming Company. May hinahabol daw kase kaming oras para makuha namin ang loob ng Company na tinatarget naming makuha. While typing, muling kinausap ako ni Barbara para makipag-tsismisan tutal naman daw wala pa siyang ginagawa kaya nililibang niya ako.

"Ela, maganda ba sa Batanes?" tanong niya matapos uminom ng kape.

"Yes napaka-peaceful at napaka-relaxing."sagot ko habang tinatype ko yung mga proposal. "Alam mo, masarap tumira doon. Akala ko nga, doon na kami titira dahil sa sobrang tagal naming nag-stay."

"Oo nga Ela. Akala ko nga hindi na kayo babalik!" she commented.

"Barb's, mamaya sabay tayong maglunch. Marami pa tayong dapat pag-usapan. Magba-back to work muna ako." Sabi ko. Ayoko kaseng may kumakausap sakin habang nagta-type ako baka magkamali ako at ma-typos.

"Okay!"tugon nito. "Puntahan ko lang si fafa Iñigo ko. Manggugulo muna ako sa kanya." pagpapaalam niya then she left.

This time nararamdaman ko ang sangkaterbang dapat kong ma-encode. Ewan ko ba kung bakit ko tinanggap yung ganitong trabaho kung tutuusin hindi naman ito yung gusto ko na trabaho. Sana after a few weeks mapromote na ako. Gusto kong maging secretary ni Boss Jayson. Kung hindi lang ako inunahan nitong si Kia, secretary ngayon e di sana patayo-tayo lang ako atsaka lagi lang ako nasa office ni Boss.

"Ela, my love!" rinig kong sabi kaya napalingon ako sa direksyon ng nagsalita. Shet, what the hell. Siraulo ba itong lalaking 'to. Nakita kong papalapit si Ivan patungo sakin may bitbit na meryenda.

"Oh Ivan. Bakit?" patay malisya kong tanong. Si Ivan kaklase ko 'tong lalaki since college. Hindi ko nga alam na dito rin pala siya nag-apply after naming maka-graduate. At ngayon ko lang din nalaman na after four years kong naging kaklase ngayon ko lang nalaman na siya pala ay isang bisexual na lalaki. Nung una hindi pa ako naniwala dahil nanligaw pa ito sakin bago ko sagutin si Axxxel. Kung dati pre tawag ko sa kanya. Ngayon mare na.

"Namiss talaga kita!" sambit nya tapos umupo siya sa may bakanteng upuan sa may cubicle ni Ana na lumiban ngayon dahil daw sa anak niyang maysakit.

"Heh! talaga Mare?" wika ko sa kanya. Napatingin si Barbara sakin at yung ilang mga co-offices ko. Hindi sanay sila kase na mayroong naglalandian sa office.

"Oo. Eto dinalhan kita ng meryenda." nilapag niya ito sa may mesa ko. "Nga pala. Nakita ko yung post ni Fafa Axxxel nung nakaraan may kasamang babae. Girlfriend niya daw Mare?"

Heto na naman kami usapang ex ko na naman. "Ha? Oo new girlfriend niya yun. Ang totoo split na kami nun!"sagot ko na kunwari hindi ko alam na meron na yung bagong girlfriend.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now