X

2.2K 26 0
                                    

KABANATA 10

Mamimiss ko 'tong Batanes yung mga memories na nabuo ko dito na halos ayaw ko ng kalimutan. Sana bumalik pa kami dito ang sarap kaseng tumira dito pakiramdam ko ito na yung buhay ko kahit na medyo boring.

Nakatanaw ako ngayon sa transparent na bintana ng eroplano na kung saan natatanaw ko ang asul na kaulapan. Pa-biyahe na kaming Maynila para bumalik na ulit sa normal naming buhay . Wala ng chillax, relax at balik na naman sa trabaho na kung saan tatadtarin na naman ako ng paper works. Nakakalungkot lang kase hindi ko kasama yung kapatid ko dahil may mga dokumento pa siyang dapat asikasuhin tulad na lang ng airline documents at yung mga papel na kukunin niya pa sa University para makapag-transfer na siya sa Manila. Mga ilang linggo ko pa siya ulit makakasama.

Makalipas ang mahabang oras ng biyahe, hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako. Ginising ako ni Dennis na katabi ko lang at sabi niya na nandidito na daw kami. Pagbaba ko ng airplane nanibago ako sa atmosphere ng Manila pakiramdam ko magkakasakit pa yata ako.

"Here I am again Manila!" mahinang sabi ko pagkalapag namin sa airport.

Nang makalabas na kami ng airport agad na kumuha si Uncle ng isang van na magkakasya kaming lahat. May kamahalan yung upa pero keri naman daw sabi ni Auntie dahil nag-iwan daw sila Mame at Daddy ng pera para sa pag-uwi namin ng Manila.

"Makakapagpahinga na din sa wakas!" sabi ko sabay sandal sa may sandalan ng kinauupuan ko ngayon.

"Sayang 'no hindi natin kasama si John. Kailan ba siya pupunta ng Manila?" tanong ni Mitch.

"After niya daw maasikaso yung mga airline documents tapos yung mga school requirements niya para sa pag-transfer niya dito sa Manila." sagot ko na tila inaantok.

"Ah ganun?" rinig kong sinabi niya habang napapatango.

*****

1 Hour Later

Mahinang tinapik ako ni Dennis para muling gisingin ako mula sa pagkakatulog ko. Pagmulat ko ng mata agad kong napansin ang bahay namin na sobrang namiss ko. Pagbaba ko ng sasakyan, nahinto ako saglit sa tapat ng pinto nitong Van para tingnan ang bahay namin.

"Namiss kita!" bulong ko tapos pumasok na ako sa loob nito.

The atmosphere was changed dahil sa naramdaman kong init na dala ng sikat ng araw. Unlike sa Batanes yung atmosphere doon ay malamig at mahangin kaya yung pakiramdam ko ngayon naninibago dulot nito.

I missed my room. Agad akong humiga at dinama ko ang kwarto ko. Today, kailangan ko munang maglinis ng kwarto ko dahil pansamantalang dito siya muna makikitulog. Maluwang yung kwarto ko, kung tutuusin kasya dalawa kung aayusin lang ang bawat espasyo nito.

A few minutes, nagsimula na akong maglinis kasama si Kuya Ryan na isang katiwala namin dito nung nasa Batanes kami. Siya yung nagbantay dito, naglilinis, nagtitrim ng mga halaman, nagdidilig at nagpapaganda ng aming bahay. Almost, 10 years na rin siyang nagsisilbi sa amin. Wala kaming kapro-problema sa kanya mapagkakatiwalaan talaga siya sa lahat ng bagay.

"Kuya saan kaya tayo makakahanap ng isa pang kama?" tanong ko sa kanya habang pareho kaming may ginagawa.

"Siguro doon sa may furniture shop for sure marami doon. Saka yung kama doon matitibay. Kung gusto niyo ng kama na gawa sa kahoy meron doon, may bakal din at may kamahalan nga lang!" sagot nito sakin habang winawalis yung mga alikabok sa may sahig.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Där berättelser lever. Upptäck nu