XV

2K 25 0
                                    

KABANATA 15

Napamulat ako ng mata nung maramdaman ko na tila mayroong bumuhat sakin mula sa kinauupuan ko sa may motor. Hindi ako makabangon yung tipong gusto kong tumayo pero hindi ko kaya. Yung tipong gusto kong imulat ang mata ko ngunit hindi ko kaya. Sa bawat tapak ni Kuya John sa sahig ng bahay namin ramdam ko yung hirap niya sa pagbuhat sakin.

"Anong nangyari kay Ela?" rinig kong tanong ni Yaya na may nag-aalalang tono ng boses.

"Masama po pakiramdam niya." magalang na pagsagot naman ni Kuya John.

"Mauuna na ako. Aayusin ko lang yung higaan niya sa taas." naramdaman kong naunang umakyat si Yaya pataas ng kwarto para ayusin ang kama ko.

Pagdating naming kwarto, agad nilapag ako ni Kuya John sa kama ko at dali-daling inutusan si Aling Wanda na kumuha ng maligamgam na tubig na may alcohol at sabon saka panyo. Ilang segundo ang lumipas naramdaman kong pinupunasan na ako ng stepbrother ko sa may bandang braso pababa sa may kamay.

"Ya, ano kayang nangyari dito sa kapatid ko?" tanong nito na may tonong pag-aalala.

"Siguro na over fatigue lang yan. Kung saan-saan kase nakakarating eh. Hindi pa dito natulog." rinig kong sagot ni Yaya na may pag-aalala din.

Matapos akong mapunasan sa buong katawan ko. Unti-unti kong naaninagan si Kuya John na nakaupo sa may silya habang pinapanood ako sa paggising.

"Kuya!" mahina kong pagkakabigkas.

"How's your feeling?"

"Kuya okay na ako." pinilit kong bumangon para tapusin yung trabaho ko. Kailangan kong matapos ang ine-encode ko para magamit na bukas sa presentation. Ngunit pinigilan ako ng stepbrother ko sa pagkilos.

"Huwag ka munang magkikikilos." pagpipigil niya habang hawak-hawak yung magkabila kong braso.

"May kailangan pa akong tapusin. It's very important kaya kailangan kong iencode yun ngayon for presentation tomorrow."

"I said NO!"tumaas yung boses niya na parang nagalit. "KAPAG SINABI KONG HINDI....HINDE!" napaka-strikto niya pala. Hindi ko aakalain na ganito siyang klaseng Kapatid. Okay siya pero kailangan ko talagang tapusin yun ngayon.

Nagpumilit akong bumangon kaso muling nakaramdam ako ng hilo at sakit ng ulo. Muli akong napahawak sa sintido ko habang napapangiwi. "Don't abused yourself. Maawa ka naman sa sarili mo!" napatingin ako sa kanya dahil sa huling sinabi niya. "Kung importante talaga yun. Ibigay mo sakin ako na mismo ang mag-eencode ng mga paperwork's mo." sambit nya sakin.

Ako na siguro ang may pinakamaswerte at supportive na Kapatid kahit na stepsister niya lang ako. Ginagawa niya parin ang lahat para sa ikabubuti ko.

Hindi naalis ang tingin ko sa kanya yung tipong titig na titig. "Give it to me." he said tapos tumayo siya para kunin ang laptop ko saka yung folder na may mga lamang files na dapat kong iencode. "Bigyan mo ng oras ang katawan mo para makapagpahinga. Ngayon, ako na bahala muna sa mga dapat mong iencode." pagpiprisinta nya.

Hinila niya yung silya sa may mesa na ginagawaan ko ng mga takdang-aralin noon. He put a laptop sa lamesa saka niya ito binuksan.

"Kuya!"

Napalingon siya sakin at lumapit. "Yes?" sagot niya sabay upo sa may kama ko.

"About nga pala sa nangyari kanina gusto ko sa-" natigilan ako.

"Don't stress yourself. Hayaan mo muna yun. Saka na nating pag-usapan yun kapag okay ka na!"

Napangiti ako sa kanya habang yung luha ko nangingilid na sa dalawa kong mata. Hindi ko lang kase ma-imagine na may ganito pa palang Kapatid kahit na ngayon ko pa lang na-eexperience.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon