XVIII

2K 22 0
                                    

KABANATA 18

"Doc. Ano pong naging result ng check up ng Kapatid ko?"

"Don't worry she's fine. Kailangan niya lang magpahinga ng mga ilang linggo para manumbalik yung dati niyang pangangatawan." paliwanag ng doctor na nakausap ni Kuya. Napabuntong hininga si kuya matapos marinig yung result. I'm fine kaya wala na dapat siyang ikabahala sakin.

Pagkatapos ibigay ng doctor yung mga niresetang gamot daliang umalis na kami para bilhin ito sa drugstore. Habang nagda-drive si Kuya. Napansin kong napatingin siya sa may side mirror ng kanyang motor. He smiled at me na para bang may sinasabi yung ngiti niyang nakikita ko.

"Nga pala. Pupunta daw si Axxxel mamaya para kausapin ka." sambit ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang na pupunta yun. Ayoko ng puro yabang." sagot niya na animo'y parang magulang ko kung makapagsabi sakin.

"Sure yun!"

Makalipas ang 30 minutes ng pagbili namin ng mga gamot na dapat bilhin. Dumiretso na kaming bahay para makapagpahinga na daw ako. Pagdating naming bahay nakita ko ang motor ni Axxxel.

"Nandito na pala siya" ani ko.

Pagpasok namin nakita ko siyang nakaupo sa may sofa habang hawak-hawak nya yung cellphone na ipinapaikot sa may kanyang kamay.

"Kanina ka pa?" I asked hindi niya kase ako nakita nung pumasok ako sa loob.

Napatayo ito ng bahagya nung makita ako pero agad ding napaupo ito nung makita yung stepbrother ko. Ngumiti ito sa kuya ko habang napatango lang si kuya ng isang beses.

"Mahal mo ba Kapatid ko?" prangkang tanong ni Kuya kay Axxxel.

"Yes!" maikling naging tugon nito.

"Yes?" dismayang usal ni Kuya. I think hindi siya satisfied sa naging sagot ni Axxxel. "Sa tingin mo napakagandang sagot ang yes? I think hindi ka seryoso alam mo kung bakit? If you love someone hindi sapat ang salitang YES para mapa-ibig mo ang isang tao. Kailangan mo ng dahilan para malaman ng isang tao kung totoo ang pagmamahal mo sa kanya." pagpapaliwanag ni Kuya.

Wow naman. Ang daming alam naman. May paganyan-ganyan na siya. I think may laman ang mga pinagsasasabi nito.

"Agree naman ako sa sinabi mo. Ang kaso lang kapag ba nagmahal ang isang tao kailangan ng rason kung bakit mo mahal?" tanong ni Axxxel dito.

"Yes! You need a reason. Anong sa tingin mo sa pag-ibig lokohan? Parang isang laro kapag ayaw na hiwa-hiwalay na. Kung sa laro nga may rason kung bakit gusto mong maglaro sa pag-ibig pa kaya?" sagot ni Kuya pero nasa disagree na mode ng boses. He's not satisfied sa mga pinagsasasabi ni Axxxel. For me, tama si Kuya you need a reason kung bakit mahal mo ang isang tao. Kase hindi yan titibok kung hindi mo mahal yan.

"Guy's stop na baka mauwi yan sa bangayan!" pagsisingit ko. Nafe-feel ko na kase na mukhang nag-iinit na naman ang ulo ni Kuya ngayon. Gumitna ako sa kanila atsaka pinakalma silang dalawa. "Kuya, relax lang hina-high blood ka na naman." pabirong pag-aawat ko kay Kuya.

Sa pag-upo ni Kuya halos magkakatabi lang kami. Nasa gitna ako at nasa may kabilang side ko ang dalawa. This time medyo tahimik na silang dalawa pero makalipas lang ang ilang saglit. Muling nagsalita ang isa sa kanila.

"Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa Kapatid mo. Pero pinagsisisihan ko na yun. This time humaharap ako sayo para muling makiusap na kung pwede ko ba ulit ligawan si Gabriela." seryosong sabi ni Axxxel.

"Sa tingin mo enough na ba yan para patawarin kita?" tanong ni Kuya na ikinabigla ko. Napabuntong hininga ako habang nakasapo yung kamay ko sa may noo ko.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now