XVI

1.9K 28 0
                                    

KABANATA 16

Nakaupo parin kami dito nila Barb's at Kuya sa may Sala. Hindi ko alam kung ano talaga ang isinadya niya rito sa amin. Ako ba yung isinadya niya o yung stepbrother ko. Kaloka. Out of place ako sa dalawang 'to feeling ni Barb's sobrang tagal na nilang magkakilala kung makipag-usap dagdag pa natin yung paghawak niya sa biceps ni Kuya atsaka yung pandesal sa tiyan. Ang halay nila sobra.

Napansin ni John na napapailing ako kaya tinanong niya ako if okay lang ba ako. Tumango-tango lang ako tapos tumayo na ako para pumuntang kwarto.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Kuya.

"Inaantok na ako eh!" sagot ko. "Ikaw na bahala dyan sa kaibigan ko." sabi ko sabay naglakad na ako paakyat ng hagdanan.

"Sweet dreams!" rinig kong sabi ni Barb's na may kalakasan. Hindi ko na pinansin siya tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko yung kwarto ko at agad na humiga para magpahinga.

Habang tinititigan ko ang kisame. Sumagi sa isip ko ang mukha ni Axxxel. Speaking of, naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko kaya agad kong kinuha ito. Nakita ko ang pangalan ni Axxxel sa may screen ng phone ko. Tinap ko ang answer saka nagsimula na yung conversations namin.

Ako: "Napatawag ka?" pambungad na tanong ko.

Siya: "Kumusta ka ngayon. Balita ko may sakit ka?" sabi niya ng may tonong may pag-aalala.

Ako: "Paano mo nalaman?" tanong ko.

Siya: "Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi. How's your feeling right now?" tanong niya pa.

Ako: "Okay na ako. Inalagaan kase ako ni Kuya." sagot ko.

Siya: "Hmm. I think napakaswerte mo sa kanya kase ang bait-bait niya. Maalaga at higit sa lahat lovable." pagpupuri niya kay Kuya.

Ako: "Sayo lang naman ako malas eh!" pagbibiro ko habang napapatawa.

Siya: "Tama ka. Sinayang kita." saad niya ng may pagsisisi.

Ako: "Asus, drama nito." binasag ko yung kadramahan niya tapos may sinabi siya sakin na ikinabigla ko.

Siya: "Gabriela, may sasabihin sana ako."

Ako: "Ano yun, Axxxel?" Sagot ko.

Siya: "Pwede ba nating ituloy yung naudlot nating pagmamahalan. Nararamdaman ko pa kase na may natitira ka pang pagmamahal para sakin. Please, lahat gagawin ko. Kung kailangan kong magpabugbog sa stepbrother mo gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng second chance." pakiusap nya sakin.

Seriously? Hindi ba ako nabibingi o siya ba talaga yung nagsasalita. Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi nito.

Ako: "Alam mo naman di ba na superlaki ng galit ni Kuya sayo?"

Siya: "Wala akong pake. Basta tomorrow pupunta ako dyan para kausapin si John."

Ako: "Ikaw ba---"

Hindi ko naituloy yung pagsasalita ko dahil nagulat ako sa pagpasok ni Kuya John. Nakahubad pa rin siya habang nakaharap sakin. Shet. Ang halay naman nito feeling ko hindi ko Kapatid 'tong stepbrother ko.

"Sinong kausap mo?" bungad na  tanong niya habang nakaupo na siya sa may silya.

"Ah. Wala Kuya. It's my co-worker." pagsisinungaling ko.

"Liars go to hell!" sabi niya. Hinuhuli niya talaga ako. Ayokong malaman niya na kinakausap ko pa si Axxxel. Hindi ko rin gusto na magsinungaling sa kanya dahil galing siya sa isang lugar na kahit malayo hindi siya masama, kaya konsensya ko na lang talaga kapag hindi ko sinabi ang totoo.
Dinilatan niya ako ng mata tapos inurong niya yung silya patungo sa kama ko.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now