IV

3.3K 53 2
                                    

KABANATA 4

Kasalukuyang kumakain kaming apat sa may dining area dito sa bahay namin. Maraming ipinahanda si Mame na mga pagkain isa na sa mga nandidito yung menudo, chicken curry, fried chicken, fruit salad at kung anu-ano pang pagkain na first time ko pa lang makita sa buong buhay ko. Siguro ito yung mga food na paboritong kainin ni Tito Paul at ng kanyang anak na si John Mark. Mostly kase na mga pagkain na kinakain nila puro veggies and a little bit of pork and chicken.

Habang kumakain kami, Tito Paul's asking me about happening earlier. Kinausap niya ako kung okay ba na maging Kapatid ko si John. My only response is a yes. A big YES.

Okay naman siya siguro maging kapatid  kaso baka mas lalo lang ako magkagusto sa lalaking 'to kung sakali mang pagsamahin kami nila Mame at Tito Paul sa  iisang bahay. Yes may feelings na akong nararamdaman sa kanya na love at first sight na yata ako nung unang beses ko pa lang siya nakita. Nung una hindi ako naniniwala sa LOVE AT FIRST SIGHT pero nung makilala ko si John nagbago lahat.

Habang kami kumakain ay hindi ako makapag-focus sa kinakain ko dahil sa ipinakita kong asal kanina sa may shop na pinagtatrabahuhan nitong si John. Habang kumakain kase ako nakatingin siya sakin tapos nakangiti ng  parang natatawa siya. Sa bawat pagsubo ko kase ng pagkain naaalala niya siguro yung mga ginawa kong parang bata kumain kanina. Nanibago siya ngayon siguro dahil hindi ko ginagawa yung ginawa ko kanina.

"Ela, nung kumain ka kanina...." napahinto ito matapos ko ihagis yung kutsara.

Pinahinto ko siya sa pagsasalita baka kase sabihin niya yung kababuyan ko kanina. Nagtaka sila Mame dahil sa ginawa kong paghagis ng kutsara kay John. Sinamaan ako ng tingin ni Mame na may halong pagtataka saka siya nagtanong.

"Bakit mo binato ng kutsara si John?" takang tanong ni Mame sakin na medyo galit yung tono ng boses.

Napatahimik ako tapos napayuko na lang.

"What's wrong, Ela?" tanong naman ni Tito Paul na mahinahon.

Hiyang-hiya na tumingin ako kay John habang nagtataka parin dahil sa ginawa ko.

"Ela, we need to talk after this!" turan ni John.

Napangiti na lang ako at nagbalik normal na lang na parang walang nangyari tapos ako naman hiyang-hiya sa naman sa ginawa kong katangahan.

Makalipas ang mahabang oras na ginugol namin sa pagkain. Kinausap ako ni John tungkol sa nangyari kanina habang kumakain kami. Sa kwarto kami nag-usap kase daw tahimik at walang makakarinig sa usapan namin. Naupo kami sa kama tapos hinawakan niya yung kamay ko na para bang pinipisil. Inutusan niya akong humarap sa kanya at tumitig sa mata ko. Ayaw niya kase na umiiwas ako sa kanya lalo nat magiging Kapatid ko siya.

"Bakit mo ko binato ng kutsara kanina?" tanong niya sakin. Napabuntong hininga siya. "Napagalitan ka tuloy!" dagdag niya pa.

"Nahiya kase ako. Akala ko kase sasabihin mo yung kababuyan kong ginawa kanina sa may shop." sabay pout ko ng lips.

Hinimas niya yung buhok ko sa ulo habang natatawa pa.

"Never kong gagawin yun." sabay tawa tapos nagseryoso. "Alam mo kase dapat pinatapos mo ako sa sasabihin ko kanina. Ibig kong sabihin kase doon.." may kinuha siyang cellphone sa may bulsa ng pantalon niya. "nais ko lang isauli ito naiwan mo kase"

Shocks ang tanga ko talaga buti na lang siya yung nakakuha ng phone ko. Naalala ko nga pala after kong kausapin si Mame kanina nailapag ko yung phone ko sa mesa dahil nagbayad ako sa kanya tapos may nangyari pa kaya nawala na sa isip ko yung phone. Bwiset.

"OMG! Ela, ang laki mong tanga!" tangi kong nasabi habang hinahampas ko yung noo ko gamit yung kamay ko. "Thank you!"dagdag ko pa saka ako napayakap sa kanya ng hindi ko namamalayan.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now