IX

2.2K 29 0
                                    

KABANATA 9

Nagising ako sa ibang bahay at bandang alas nuebe na ako nakabangon kasabay pa ang hang over bunga ng pag-iinom ko. Habang naka-indian sit ako sa kama at pinapakiramdaman ang sumasakit kong ulo. Sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi.

John crush kase kita. Nung una palang kitang makita na love at first sight na ako sayo. Hindi ko nga alam, kase bakit sa dinami rami ng lalaki sa mundo ikaw pa yung naging Kapatid ko.

"OMG!"

Halos mapailing ako nung maalala ko yun. Bakit kase ako nagpakalasing kung anu-ano tuloy ang nasabi ko kagabi.

"Ano pa kaya ginawa ko?" pag-aalala ko sa nangyari.

Maya-maya pa'y naputol ang pag-iisip ko dahil pumasok si Kuya John sa kwarto ko I mean sa kwarto nya na naka-hubad ang damit pang-itaas at tanging jersey na short lang ang suot. Pagkabati niya sakin niyaya niya na ako kumain tapos umupo siya sa may kama niya.

"I think gutom ka na?" tanong niya sakin. Nakatitig lang ako sa kanya with a blank expression. "Magkape ka na alam ko na masakit ulo mo." dagdag niya pa.

"Anong nangyari kagabi?" tanong ko sa kanya.

He smiled a little bit while bitten a lower lips. "Gusto mong malaman?" tanong niya sakin habang sarkastiko siyang nakangiti.

Tama kaya 'tong iniisip ko. Sana hindi ko yun ginawa. Sana panaginip lang yun. Nakakahiya talaga.

"Ano nga?" irita ko pang tanong.

"Okay!" wika niya. "Yung nangyari kase kagabi..."

Napatakip ako ng tenga kase ayokong marinig yung sasabihin niya pero gusto kong malaman. Naku Ela, may hang over ka pa talaga.

Napatingin si John sakin. "Oh bakit ka napapatakip ng tenga?" takang tanong niya.

Napatingin ako sa kanya habang yung dalawa kong kamay nasa magkabilang tenga. "Ha?" patay malisya ko. "ayoko kase marinig." wika ko pa.

He laughed.

Tinapik niya yung ulo ko ng marahan. "Ikain mo na nga lang muna yan. Mamaya na lang!" wika niya sakin saka niya ako hinila patayo.


Paglabas namin ng kwarto, pinaupo niya ako sa may upuan habang nakalagay sa mesa yung mga niluto niya yatang mga pagkain. Inabutan niya ako ng plato na may kutsara at nilagyan niya pa ito ng kanin.

"Alam mo ngayon ko lang naranasan ang maglagay ng pagkain sa plato ng kapatid ko." saad nya sakin.

"Bakit wala ka ba talagang naging kapatid?" takang tanong ko. Umiling lang siya sakin tapos nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain kami hindi ko maalis sa mata ko ang pagtingin sa kanya. Napaka-positive niya kaseng lalaki parang napaka-bait, magalang at maalaga. Unlike the other man na kilala ko sinaktan lang ako.

"Hindi ba masarap?" takang tanong niya. Nahuli kase akong nakatingin sa kanya kaya medyo nagtaka.

"Ha? Hindi. Ang sarap nga eh!" sagot ko.

Tumango-tango siya sa harapan ko tapos bumalik na ulit siya sa kinakain niya. Masarap siyang magluto pwede ng mag-asawa. Wait lang may girlfriend na ba ito? Hindi ko siya nakikitaan ng babae.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now