VI

2.7K 41 2
                                    

KABANATA 6

Handa na ang lahat para sa gaganaping kasal ni Mame dito sa Batanes. Yung kamag-anak namin nandito na sa bahay kompleto kami ngayon. My grandma and grandpa is here, my auntie and uncle, cousins and friends are here then the other relatives also. Ewan ko nga kung bakit dito sila tumuloy sa bahay feeling ko tuloy sardinas na kami na nasa lata kase super sikip na ng loob halos nakatayo na kami tapos yung mga pinsan kong maliliit nasa kwarto ko natutulog. Yung lola at lolo ko nasa kwarto ni Mame natutulog dahil napagod sa biyahe kaya kaming mga auntie at uncle ko nasa sala kasama ang mga friends ni Mame at cousins ko.

This time nag-uusap-usap kami tungkol sa anak ni Tito Paul ewan ko ba kung bakit ito yung naging topic namin kase sa dinamidami ba naman yun pa. Shocks!

"I want to see him!" sabi nung babaeng katabi ko. I think friend 'to ni Mame.

"Alam mo wag na." sagot ko sa kanya na medyo mataray.

"Bakit naman?" tanong ni Auntie na mukhang nadismaya.

"Gwapo eh!" malandi kong pagkakasabi.

"Nae-excite tuloy akong makita yung lalaking yun!" ani ng pinsan kong simula't sa simula pa eh mahilig na sa mga pogi.

Shock's mahiya naman siya may boyfriend eh kumikiri pa.

"Ela, may picture ka ba sa phone? Or email? Add ko siya?" tanong ni Mitch sakin sabay kuha ng phone at bukas ng data connection. "Omg! Bakit mahina signal?" she asked with an irritable facial expression.

"Weak talaga signal dito kaya huwag munang pilitin baka masaktan ka lang!" pagbibiro ko habang nakangiti.

"Heh! hugot..palibhasa iniwan!" she said.

Ayyy, true to life talaga? Iba rin mang-asar tong pinsan ko. Tagusan hanggang puso.

"Nga pala." napatingin sakin ang lahat maliban kay Uncle kase umalis ito para manigarilyo sa labas. "May itatanong lang pala ako sayo Auntie.." tumango lang ito. "May chance po bang magkatuluyan yung stepbrother saka si stepdaughter?" I asked.

Nilakihan ako ng mata ni Dennis yung pinsan kong mausisa na akala mo eh detective kung umasta.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya.

"May laman, ne!" he said tapos sinamaan ako ng tingin ni Auntie Betty.

Dapat hindi ko na pala tinanong yun. Nagka-issue tuloy.

"Hala!" tangi kong nasabi. "walang connect yun. Nagkakamali lang kayo ng iniisip." pagpapaliwanag ko kahit deep inside yun ang rason.

"Gabby" tawag ni Auntie Betty sakin. "kung may feelings ka sa magiging stepbrother mo ituloy mo bakit? hindi mo naman kadugo yung lalaking yun di ba?"pagpapaliwanag ni Auntie.

"Auntie naman eh wala po talagang connect yun. Gusto ko lang talaga malaman." pagtatanggi ko.

"Promise?" sabi ni ate Maui kaibigan din ni Mame habang nakataas yung isa niyang kaliwang kamay. "cross my heart, hope to die?" dugtong niya. "mamatay man Mame mo?" dagdag pa niya.

Shet, dinamay pa si Mame. Anong laban ko dun tss!!

Dalawampung segundo na ang nakalipas ngunit hindi parin ako nakapagsalita pagkatapos sabihin ni Ate Maui yung mga salitang yun. She laughed. Nah! aaminin ko na ba?

"Uy! siguro totoo?" sabi ni Dennis.

"Umamin ka na kase!" pagpipilit naman ni Maui.

Okay crush lang naman eh saka wala namang masama dun. Wala eh tumibok eh.

"Oo na nga!" I answered tapos nagsipagtilian silang lahat. Except kay Dennis.

"AAAAAAHHHHHHH!!!"

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now