XIV

1.9K 23 0
                                    

KABANATA 14

Nakatulala ako sa harapan ng monitor habang naghihintay ako ng mga dokumentong i-e-encode ko dito sa cubicle na pinagtatrabahuhan ko. Halos matunaw na nga itong monitor dahil sa kakaisip ko sa nangyari naming pagtatalo ng stepbrother ko. Hindi ko naman kase sinadya na masagot siya ng ganun. I admitted na nagawa ko yun pero si Kuya John hindi niya maisip na nagawa ko yun kahit na nadala lang ako ng emosyon ko.

"Tulala ka diyan, Girl!"sabi ng isa kong ka-office mate na si Lilet. Hindi ko na alam ang gagawin kong paraan para magka-ayos kami ulit.

Nakarest ang noo ko sa may table ko habang shini-shake ko ito na para bang litong-lito na ako sa buhay ko.

"Girl, nasagot ko kase yung stepbrother ko ng hindi ko sinasadya" sagot ko tapos humarap na ako sa kanya habang siya ay nakatayo sa may gilid ko. "Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun. Grabe yung impact sa kanya nung sinabi ko." pagtutuloy ko.

"Ano bang sabi mo?" she asked with a soft tone of voice.

"Basta!" sagot ko. Ayaw ko ng ipaalam sa kanila baka husgahan pa nila ako dahil sa ginawa ko.

"Oh sya una na muna ako magbibigay pa ako ng mga files sa 15th floor." pagpapaalam niya tapos wala pang isang minuto lumapit si Barbara sa cubicle ko na tila kinikilig.

Ano na naman kayang ipinuputok ng pantog nitong si Barb's grabe makangiti wagas kulang na lang mahulugan ng panty dahil sa kilig.

"Ano na naman yang ngiting yan?" I asked.

Napabuntong-hininga siya bago sumagot. "Alam mo ba na may bagong nag-apply dito kanina. Omg, ang yummy niya. Alam mo yung feeling na HEAVEN!" sagot niya na halos mapunit na yung kanyang labi.

Ang landi talaga nitong babaeng ito. Basta pogi ang pinag-uusapan nagi-green minded siya. Kaya walang tumagal na lalaki dito. KIRI!

Napanganga lang ako na parang I'm not interested. Sa dinamidami ko ba naman ng problema makukuha ko pa bang ngumiti kung kapalit lang din nito mamaya lungkot at galit kapag nalaman nila Mame at Daddy yung nangyari.

"Hindi ka masaya na may tititigan ako bukas?" she asked. "Anong problema mo?" tanong niya pa.

Hindi ako sumagot at umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. At isa pa ayoko ding malaman na nagtalo kami ng Kuya ko for sure kapag nalaman niya yun friendship over na kami nito.

"Wala!" matamlay kong sagot.

Niyakap niya ako habang nakatitig ako sa may monitor. "Tell me. Baka makatulong ako." wika niya habang yakap-yakap parin ako.

"Okay lang I can manage it." sagot ko. "Alam mo gusto mo ng cupcake? May dala ako." pag-aalok ko ng nakangiti tapos kinuha ko ang mga ipinabaon ni Axxxel na cupcake sa may paper bag ko na nakalagay sa sahig.

"Marunong ka palang mag-bake?" tanong nya tapos inabot ko sa kanya yung isa para tikman.

Pagkatapos niyang matikman hiningi ko yung opinyon niya sa lasa at sa design. She said PERFECT.

Napangiti ako ng malaki tapos mayroong lalaki ang lumapit sa amin may inabot siyang files sakin na agad ko namang kinuha.

"Kailangan na yan bukas. You need to finish that for the presentation tomorrow." sabi nito.

"Okay!" tanging naisagot ko.

"Mukhang masarap yan ah!" sabi nitong lalaki I think mayroon din itong mataas na position dito sa kumpanya hindi ko lang napapansin. "Opo naman Sir. You want?" pag-aalok ko tapos kumuha siya sa may container ng isang cupcake then kinain agad after mag-thank you. "Ang sarap nito. Sinong nag-bake?" he asked.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now