XIII

1.9K 27 1
                                    

KABANATA 13

"Gabriela, gising ka na. Kain na tayo!" rinig kong sabi niya habang tinatapik niya yung balikat ko. Napabalikwas ako at napatingin sa kanya habang nagtatanggal ng mga namuong muta sa mata ko.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya habang napapahikab.

"It's already 7:00 am di ba may pasok ka pa?"

"Oo magha-half day na lang muna ako. Mamaya eh magbigti ka dito konsensya ko pa!" turan ko sa kanya.

Pagtayo ko mabilis kong inayos ang kama ni Axxxel para iligpit ang mga ginamit ko. Sabi niya pa bago bumalik sa kusina. Wag ko na daw ayusin, siya na raw bahala kaso nagpumilit ako at niligpit ko muna bago bumaba.

"Grabe inaantok pa ako." wika ko habang napapahikab pa. Anong oras na rin kase kaming nakatulog kagabi kaya ramdam ko parin ang antok ngayon.

Mga ilang minuto ang nakalipas. Bumaba na ako sa kusina para kumain. Pagdating ko nakita ko siyang kumakain na naka-kamay.

"Tara na kain ka na!" pagyayaya niya tapos hinatid niya ako sa may upuan.

"Ikaw ba ang nagluto nitong lahat?" tanong ko sa kanya pagka-upo. Halos mapuno kase yung lamesa ng mga pagkain. Atsaka grabe parang may handaang nagaganap ngayong umaga.

"Oo pasasalamat ko dahil sinamahan mo ako sa katangahan ko." wika niya pa habang nakangiti.

"Nag-abala ka pa. Alam mo mas maganda pang kalimutan mo na yun. Be happy always. Huwag mong hanapin ang nawala. Hanapin mo ang sarili mo bago ka masiraan ng ulo." pagmomotivate ko sa kanya na may halong pagbibiro sa dulo.

"Opo kakalimutan ko na yung babaeng yun!" tugon niya sa sinabi ko. "Kumain ka na kaya baka lumamig pa yung pagkain." pag-uutos niya sakin.

Mukhang masarap naman itong niluto niya. Pero teka lang di ba Culinary Arts ang tinapos nito. Bakit ko iisiping hindi masarap ang niluto niya para sakin. Nilagyan ko ng mukhang chicken curry yung plato kong may kanin tapos nilagyan ko rin ng adobong baboy yung plato ko. For sure, tataba ako nito.

"Axxxel, bakit ang dami mong nilutong pagkain. May fiesta ba?" tanong ko sa kanya habang kumakain. Napangiti siya sakin at natigilan dahil sa tanong ko. 

"Para sayo lahat yan."sagot niya tapos nabigla ako sa huli niyang sinabi. " Alam mo namiss ko yung moment na'to. Feeling ko tuloy girlfriend parin kita." Napangiti lang din ako sabay subo ng kutsara na may kanin. "Masarap ba?"tanong niya sakin.

"Oo naman. Mabuti na lang hiwalay na tayo kundi tataba ako sayo!" pagbibiro ko. Natawa lang siya sa sinabi ko tapos natahimik na kami habang kumakain.

Matapos naming kumain, nag-isip kami ng ibang pwede pa naming gawin para ma-enjoy namin ang natitirang oras. Habang nakaupo kami sa may sofa na magkatabi iniisip ni Axxxel ang gagawin namin. Hindi ko alam kung ano ngayon ang tumtakbo sa isip niya. Nakahawak siya sa chin niya na parang nag-iisip.

"I think maganda 'tong naisip ko." wika niya na may malaking ngiti. I'm not sure kung maganda nga yung naisip niya.

"Okay. Ano yun?" tanong ko.

"Mag-bake tayo ng cupcakes para may pang-baon ka mamayang tanghali." sagot niya. Maganda nga yung naisip niya kaso anong alam ko sa pagba-bake. Ang alam ko lang lumamon.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant