V

2.9K 41 2
                                    

KABANATA 5

Nakatingin ngayon ako sa may labas ng bahay tinitignan ang mga mamamayang naglalakad sa harapan ng bahay namin. Sa tinagal-tagal kong nandito ni minsan wala akong nakitang malungkot dito. Ang sarap sa pakiramdam nang ganitong environment sobrang nakakahawa ng mga positivity ng mga tao kahit na dito nagmumula yung mga bagyo na namiminsala sa ibang lugar na hindi nila alintana ito.

Almost magwa-one month na kami dito miss ko na Maynila si Mame kase nag-extend pa ng araw.

Nakapangalumbaba ako ngayon dito sa may mesa with matching of upuan dito sa tapat ng bahay na tinutuluyan namin. Nagmumuni-muni sa mga bagay na gusto kong gawin pag-uwi ko ng Maynila. Sa pag-uwi ko I want to go in Mall buy a new dress and I want to meet him again in one more chance. Gusto ko kase siyang kausapin para malaman ko at malinawan ako sa pakikipag-break niya sakin. Desperada na kung desperada mahal ko eh.

"Nabo-boring ka na ba sa Batanes?" tanong ni John na umupo sa katabi kong upuan.

"Medyo." maikli kong sagot.

"Konting tiis na lang.." he said tapos nakita namin na bumaba sila Mame at Tito Paul mula sa may motorsiklo ni John may bitbit-bitbit na isang malaking kahon si Mame tapos nasa hita niya ito nakapatong.

Seriously?

Waaaaaahhh! Gown ba yun?

Nilapag ni Mame yung malaking box sa may mesa tapos dahan-dahan itong binuksan

OMG

Wedding Gown.

Pagkatapos napansin ko yung singsing sa may palasingsingan niya. Ngayon ko lang kase nakita yun. Tinitigan ko ng maigi tapos sabi ni Mame na ikakasal na daw sila.

Explosion!

Ito ba yung bibilhin sa grocery?

"Mame, may mabibilhan ba nyan dito?" kuryos kong tanong.

"Alam mo hindi ko alam ito. He surprised me!" sagot niya sakin sabay kinausap nito si John. "John, mahilig pala sa ganitong pasabog dad mo?"

"Ganyan po talaga si dad noon pa man." sagot ni John na nakangiti.

*****

Pagpasok na pagpasok namin sa loob agad na umupo kami sa Sofa tapos sinabi ni Mame yung tungkol sa kasal na gaganapin daw dito. Yes, agad agad. Bukas narin ang kasal kaya yung mga kamag-anak namin at kamag-anak nila unti-unti ng sinusundo gamit yung hinire ni Tito Paul na Eroplano. Very surprising ang ginawa ni Tito sa Mame ko feeling ko tuloy napaka-enggrande ng kasal ni Mame.

Napaka-bilis ng mga pangyayare ngayon hindi ko man lang nalaman ang mga ganitong bagay. Isang pasabog saka yung reception gaganapin sa may pinakasikat na resto dito. Oh my gosh, rich kid pala sila John. Napapaisip tuloy ako na swerte talaga ang mapapangasawa nitong si John kase di ba may kasabihan like father like son.

"Tito Paul, napaka laking pasabog ang ginawa niyo today!" ani ko sa kanya. Gusto kong umiyak right now dahil sa natatamasa namin ni Mame na sorpresa.

"Ela, gusto ko kaseng mapasaya mame mo kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya siya!" sagot ni Tito na medyo maluluha pa.

How sweet naman.

Sa paglipas ng mga oras na dumarating, bumibilis naman ang saya na nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari. Hindi ko kase aakalain na sa tinagal-tagal na magkakilala nila Mame at Tito Paul ngayon lang ni Tito napasaya ng bonggang-bongga ang aking Mame.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon