VII

2.5K 33 1
                                    

KABANATA 7

"Saan ka galing?" bumungad na tanong ni Mitch pagpasok ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kase for sure pag-iisipan na naman nila ako ng masama.

"I think nag-jogging ka?" tanong naman ni Maui na nakaupo sa may sofa habang nagkukurkor siya ng kuko .

"Ah..o-" natigil ako sa pagsasalita dahil sumingit na naman ang pinsan kong mala-detective kung mang-usisa.

"Ate Maui kung nag-jogging yan eh di dapat naka-sapatos iyan. See naka-sandals siya. It means may kababalaghan yang ginawa kagabi." usisa ni Dennis. Okay ikaw na! Ikaw na magaling mang-usisa.

"Oo nga 'no? Bakit hindi ko naisip yun?" turan ni Ate Maui habang nakahawak siya sa chin niya na tila nag-iisip.

Napabalikwas ng tingin ang lahat nung pumasok sa pintuan si John. Halos kiligin itong mga kasama ko at napatitig nung makita ito.

"Sino siya?" mahinang sabi ni Ate Maui habang nakatingin sa lalaking ito.

"Omg! Don't tell me ikaw si John?" rinig kong sabi ni Mitch na tila kinikilig pa.

Tumango si John habang nginingitian ang lahat.

"Shock's truelala nga!" rinig ko namang sabi ni Ate Maui.

"Good Morning!" bati ni John sa lahat nang nakangiti tapos may sinabi siya sa lahat na agad kong ikinagulat. "Ibabalik ko lang si Ela." napatingin silang lahat sakin tapos ako naman ngumiti na lang ng mapait sa kanila habang pinapapak ako ng tingin.

"Saan kayo galing kagabi?" wika ni Moira habang tinitignan kami ng masama.

Gusto kong magpalamon sa lupa ngayon.

"Galing kase kaming..."

"Hotel?" panghuhula ni Mitch na medyo may gulat factor.

"Gaga! Crush ko lang yan si John pero kahit kailan hindi ako magpapadala sa kanya sa hotel. Mahal ko pa bataan ko!" sagot ko tapos napatingin si John sakin na medyo nakangiti pa. "Oh bakit ka ngumingiti-ngiti dyan?" tanong ko sa kanya. Porket narinig mo lang na crush kita eh akala mo pogi ka na nyan.

"Nothing!" sagot niya habang nakangiti siya ng nakaka-insulto.

"Okay!" mataray kong pagsagot kahit deep inside masaya ako kase alam niya na may crush ako sa kanya.

Natahimik ang kapaligiran after kong magsalita. Hindi siguro nila inaasahan na gagawin ko yun sa harapan ni John. Mostly kase sa mga nagiging boyfriend ko hindi ako totally nag-oopen up tulad nito. Crush ko sila pero hindi ako yung nag-oopen up na may feelings ako.

"Oh bakit hindi pa kayo nagbibihis ni John? Ha! Ela?" sabi ni Mame sa akin na ikinabasag ng katahimikan ng lahat. "Anong oras na lang oh!" tumingin siya sa may orasan na nakakabit sa may pader. "It's already 9:30 am na tapos nakatunganga parin kayo!" medyo galit na tono ng boses.

"Tita I'm sorry hindi ko pala nasabi kay Ela." he apologized.

Anong pinagsasabi niya? Bakit siya humihingi ng tawad kay Mame? Anong hindi ko alam na dapat kong malaman?

Tiningnan ko siya ng nagtatakang tingin. "Anong dapat mong sasabihin ha John?" tanong ko ng may pagtataka.

"Maid of honor ka raw sa kasal tapos I'm your bestman!" he said.

Napangiti ako sa isip ko. Para yun lang grabe makapag-apology kay Mame.

"No problem!" I said tapos nagpunta na ako sa kwarto ko na nakangiti habang naglalakad sa hagdanan.

*****

12:00 noon nung matapos na ako sa pag-aayos ganun din ang mga abay na may ganap sa kasal ni Mame. Sa pagbaba ko ng sala mayroong isang tao ang umagaw ng aking atensyon at iyon ay si Mame. She look's gorgeous at nangingibabaw sa kanya yung tuwang ngayon ko lang ulit nakita.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon