XVII

1.9K 20 1
                                    

KABANATA 17

Ilang oras na ang nakakalipas hindi parin nakakabalik si Kuya John. Magta-tatlong oras na bakit wala parin siya? Ano na kayang nangyari dun. Sana walang mangyaring masama sa kanya. Nakaupo ako sa Sofa ngayon habang hinihintay ang stepbrother ko. Hindi naman gaanong kalayo ang bahay ni Barb's pero bakit hanggang ngayon wala pa din siya.

Hindi ako mapakali ngayon dito. Palingon-lingon sa pinto na nagbabakasakali na pumasok siya sa loob galing sa labas ngunit ni isang hibla ng buhok niya ay wala akong nakita kaya ang isip ko ngayon walang tigil sa kakaisip ng mga negatibong bagay at hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala dahil bigla-bigla akong kinutuban habang nasa kwarto ako kanina.

"Ano na kayang nangyari dun?" dumiretso akong kusina para kumuha ng tubig para maibsan ko ang kaba at kung anu-ano pa. Hindi ko talaga maiwasang hindi ma-stress ngayon dahil hanggang ngayon wala parin akong balita sa kanya. Pagdating kong kusina, kumuha ako ng tubig sa may water dispenser. Pagkapindot ko ng pindutan nito, bigla kong nabitawan ang babasaging baso at tamang-tama naman na papunta sa direksyon ko si Aling Wanda. Nagmadali itong pumunta sakin para ako'y tulungan.

"Ela, anong nangyari?" tanong nito sakin ng may pag-aalala. Akma ko na sanang dadamputin yung mga nagkapira-pirasong baso ng biglang pinigilan ako. "Ako na bahala dyan. Baka masugatan ka pa." sambit nya sakin habang nagsisimula nang mangatog yung tuhod ko.

Pakiramdam ko ngayon wala ako sa sarili dahil sa kakaisip kay Kuya John. "Aling Wanda, bakit wala pa po si Kuya? Nag-aalala na kase ako." sabi ko ng may pag-aalala.

"Iha, baka na-traffic lang. Hayaan mo na yun. Baka ma-stress ka na niyan. Di ba kagagaling mo pa naman sa sakit." wika ni Aling Wanda habang winawalis nya yung mga piraso ng baso.

"Hindi ko po maiwasang hindi mag-alala." naupo ako sa may silya. "Kinukutuban po kase ako. Yung isip ko kung ano-ano na ang iniisip." dagdag ko pa. Hindi ko talaga maiwasang hindi mag-alala. Gusto kong libangin yung sarili ko kaso hindi ko alam.

"Alam mo manood ka na lang ng TV sa Sala para mawala yang mga kung ano-ano mong iniisip. Maglibang ka muna." pag-uutos ni Aling Wanda.

Pagbalik kong Sala. Agad kong binuksan ang TV para subukang maglibang. Pag-open ko. Bumungad sakin ang isang balita.

FLASH REPORT

Isang lalaking naka-motorsiklo ang patay matapos mabunggo sa gutter dito sa España, Maynila. Lalaking naka-motorsiklo basag ang mukha at pilit na inaalam parin ang kanyang pagkatao dahil walang makitang I. D o kahit na anumang dokumento para makilala ito.

Matapos kong mapanood ang balitang iyon napansin ko kanina ang lasog-lasog na motorsiklo nung lalaking namatay. Ang pagkakatanda ko kase pareho ang motor ni Kuya at sa lalaking na aksidente sa may España.

"Hindi pwede 'to!" tangi ko lang na nasabi habang nakaharap ako sa may TV.

Halos maluha ang mata ko dahil sa nakita. Hindi ko man sure na siya nga yun. Masasabi kong kapareho iyon sa motor ng stepbrother ko.

"Hindi totoo 'to!"

"HINDI TOTOO 'TO!" sigaw ko.

Nagmadaling pumunta si Aling Wanda sa Sala para puntahan ako habang umiiyak. "Gabriela bakit?" tanong ni Aling Wanda habang hawak-hawak niya yung isa kong kamay.

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon