III

3.8K 53 1
                                    

KABANATA 3

Napadako ang tingin ko sa may ginagawa ni Mame sa may kwarto. Napadaan kase ako sa kanya dahil may sasabihin lang sana ako kaso she's busy right now kaya umupo na lang ako sa tabi niya upang lambingin siya. Niyakap ko siya patalikod tapos tinignan niya ako sa may salamin.

Pinagalitan niya ako dahil sa ginawa kong hindi pagpapaalam sa kanya kanina. Kahit sinong magulang naman gagawin ang ginagawa ni Mame ngayon. Kinurot niya ako sa singit ko na parang bata tapos napuna pa niya yung mga dumi ko sa damit na mayroong mga stained ng ulam.

Tinitigan ni Mame ako ng matalim tapos inutusan niya na ako na magpalit dahil malapit na daw dumating yung soon to be Daddy ko saka yung anak nitong lalaki na soon to be kong stepbrother.

Gusto ko naman si Tito Paul kaso baka mawalan na si Mame ng time sakin kase may bagong asawa na siya. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon tapos may dadating pang isang lalaking kailangan ko ng ituring bilang kapatid. But I'm happy for her.

Iginala ko sa paligid ng kwarto ko yung mata ko pagkatapos napatingin ako sa lumang litrato ni Dade. Niyakap ko ito tapos inilapag din sa patungan.

Tok! Tok! Tok!

"Pasok!" usal ko sa may kumakatok.

Nakita kong sumilip si Yaya Vicky para ipaalam na kailangan ko ng maligo dahil parating na raw si Tito Paul. Napansin nito yung namumugto kong mata habang nakatingin sa kanya.

"What's wrong Ela?" tanong nito na may halong pagtataka. Lumapit ito sakin.

"Nothing!" maikli kong sagot. Sigh. "Sige yaya maliligo na ako."pagpapaalam ko sabay punta ko sa may banyo bitbit-bitbit ang tuwalya at iba pa.

Pagsara ko ng pinto napansin kong lumabas narin si Yaya sa room ko. Ayaw ko kaseng ipakita sa kanya na hindi pa ako okay dahil sa nakaraang pangyayari.

Pakiramdam ko ngayon sariwang-sariwa pa ang alaala ni Dade sa isip ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang mga alaalang pilit na nagpapaalala sakin kahit na nasa murang edad palang ako noon. This time habang naliligo ako sumagi sa isip ko ang mukha ni John na nakangiti at yung time na titig na titig ako sa kanya hindi ko alam kung bakit ko yun nagagawa sa sarili ko. Yes wala namang masama ang makipag-titigan sa kanya ang punto ko lang baka umasa ako sa wala at masayang lang ang nasimulan naming pagkakaibigan kahit dito man lang.

Pagkatapos kong maligo, agad kong kinuha yung tuwalya na nakasabit at saka lumabas na ng banyo. Sinuot ko yung bathrobe na nasa kama ko at kinuha yung mga gamit ko para sa pag-aayos ko ng mukha. Sa pagharap ko ng salamin, make-up ang una kong ginamit. Make up rito, make up roon tapos lipstick na medyo pula saka ko ipinahid sa labi ko. Nang mapansin ko na okay na yung itsura ko ay nagpalit na ako ng susuutin ko. Lumapit ako sa may cabinet ko at hinanap ko yung paborito kong dress na bigay pa ng ex boyfriend ko. Yes, fresh from the break up pa yung puso ko at gusto ko na sanang kalimutan yung nakaraan ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hindi ko mabitaw-bitawan itong dress na hawak ko ngayon. I think ako lang yung nag-iisang babae sa mundo na umaasang babalik siya sa sakin. Pilitin ko mang kalimutan ang ex ko hindi ko magawa dahil umaasa parin ako na babalik siya sakin at magkakaayos kami muli.

Habang sinusuot ko yung dress na'to, muling pumasok si Yaya Vicky at sinabing bilisan ko daw dahil nasa baba na si Tito Paul. Wala akong pakiramdam na feeling excited dahil siguro narin sa mga problemang tinatamasa ko. Nag-okay sign lang ako tapos bumaba narin siya dahil marami pa silang aasikasuhin ni Aling Wanda sa kusina.

Muli akong humarap sa salamin at itinali ko yung buhok ko ng simple lang. Ayoko kaseng pabonggahin ang sarili ko baka ako pa ang magustuhan ni Tito Paul imbes na si Mame. Joooke!

The Stepbrother (Published Under F&L Publishing)Where stories live. Discover now