Chapter 6: Termination of the traitor

2.6K 92 1
                                    

Walang emosyon ang aking mukha habang nakatingin sa mga larawan na nasa aking harapan.
Tatlong magkakaibang litrato iyon ng aking mga nakaraang misyon. Pero hindi kita ang aking mukha.
"Did you noticed something, Dawn?" Nabaling ang tingin ko kay Supremo na nasa kanyang office table. Hindi ko alam kung nakatayo ba siya o nakaupo dahil napakadilim ng bahaging iyon.
"Yeah. I spotted that my necklace was seen in the two pictures. Though malabo lang ang pagkakuha ng isa, pero kitang kita naman sa isa." I remember now. It was taken from my previous mission where I got a little tipsy. Base from the angle of he photo, the cctv is located in the counter.
Ang tinutukoy kong kwentas ay ang palagi kong suot. Ito ay gawa sa tunay at purong kristal na nakapormang bilog. At napaligiran naman ito ng puting ginto. Mataas ang kadena niyon na gawa sa puting ginto na lumagpas na sa aking dibdib.
"I praise you for working as an assassin for eight long years but only these three pictures have a lead to you." I could see the thick smoke coming from his direction. Is he vaping? "Though these pictures was already released in the media, you can still freely walk outside. Your face is not shown in public, even those co-assasins of yours haven't seen it. People in all corners of the Philippines might have talked about you and your previous missions, worry not. But remind you. You must be careful. You can wear that necklace on your missions but not when you're just outside, kay? I can't lose someone who has a very great successful ratings like you."
Napahawak naman ako sa aking kwentas. It has a sentimental value for me. I can't afford to take this off.
"Anyway, I have another mission for you. I'll give you this because you are the Prime Assassin of Supreme. It's a top secret mission." I could see the screen of his ipad turned on. And saw his hand swiping on it. "I want you to Kill Mr. Borroco."
What?
Para akong nabingi. Mukhang hindi nag sink in sa utak ko ang sinabi nito. "Mr. Borroco? One of the Supreme's Council?" Paninigurado ko.
"Yeah. I found out what he scheming. He wanted to sell our information to the Government." Nanlaki naman ang mata ko.
What the fuck. "How could he do that?"
"Money. The government offered him millions of dollars." Napakunot naman ako ng noo.
"The Government still have those amount of money? Why can't they just support the livelihood of the poor and help those who are in the streets and the orphans with those money." I know it sounds weird that it comes from me.
Aside from that, the people we killed were all corrupt.
"We have to deal first the mole inside us." I heard a footsteps from his direction. "5 million is the reward money."
Napamura ako sa aking isipan ng biglang nawala sa aking paningin ang puting kotse ni Mr. Borroco dahil bigla itong nag-overtake sa isang Bus.
Napa-smirk ako bigla.
Gusto pala niya ng habulan. Bakit hindi niya sinabi kaagad?
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo kay Eleanor.
Nalagpasan ko na ang bus kaya ngayon ay tanaw ko na sa may di kalayuan ang puting kotseng hinabol ko.
Katabi ko na ang puting kotse sa aking kaliwang bahagi. I was about to pull my gun nang babanggain ako nito kaya bigla kong binagalan ang pagpapatakbo kay Eleanor. Napatanaw nalang ako sa puting kotse na nasa aking unahan na mabilis ang pagpapatakbo.
Napatingin naman ako sa aking paligid ng makarinig ako ng mga putok. I don't know this place. Ang tanging nakita ko lamang ay ang matataas na talahiban sa gilid ng daan.
I didn't know I've reached this place chasing after him. Tumakas siya kanina nang magpunta ako sa bahay nito. He must have expected me to come.
Huminto ako saglit para kunin ang aking phone na nilagay sa bulsa ng aking jacket. I opened the link that Supremo sent me. It is were I could locate Mr. Borroco's location.
Mataas pa ang highway na kinaroroonan namin ngayon at malayo-layo pa bago makapunta sa may mataong lugar. Napataas ang kilay ko ng mapansin ko na sa may unahan ng kinaroroonan ko ngayon ay may isang daan pakaliwa.
My lips formed into a smirk when I noticed that it was a shortcut. Nasa may gitna pa ng kinaroroonan ko ngayon at ng lagusan ng shortcut ang sasakyan ni Mr. Borroco. If I take the route of that shortcut, siguradong mauuna ako sa kanya and there goes my new plan.
Pasabugin ko ang kotse niya. I'm kind enough to let him have his early new year celebration.
Pinaharurot ko ulit si Eleanor. Nakita ko na ang daan, kaya lumiko na ako pakaliwa.
Medyo kumunot ang aking noo dahil palakas ng palakas ang mga putok na aking narinig. Pinatay ko naman agad ang headlight ni Eleanor. In case something bad has happened ahead.
"Fuck." Mahinang bulong ko.
Nakita ko sa aking harapan ngayon ang isang magarang kotse na nakatalikod sa akin.
Butas butas na ito mula sa pagkakatama ng baril. Nasa pinakagilid iyon ng kalsada. Sa may unahan nito ay isang kotse kung saan doon nanggaling ang pagpapaulan ng bala.
Paano ako makakadaan dito kung ganito? I don't have time to make a U-turn at babalik sa aking dinaanan.
Bumaba ako kay Eleanor at nagsimulang nakayukong lumapit papunta sa kotse na pinaulanan ng bala.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng passenger's seat.
Dalawa ang sakay niyon at napamura ako sa aking isipan. They were severely injured. "Can you manage to get out?"
"My son..." The older one talked in a hoarse voice.
I took a glance at his son. I could see that the other one is unconscious but I guess he still breathing.
"I have to deal the shooting first before I'll get you two out of here."
"T-Thank yo-you." 
Natigil na ang putukan at nakita kong papalapit na ng mga ito sa kinaroroonan namin.
Binunot ko ang limang dagger at binato iyon. Bullseye. Lahat ng iyon ay tumama sa noo.
"Tangina. Anong nangyari?" Tiningnan ng mga ito ang kanilang limang kasamahan na biglang tumumba. "Anak ng-" Galit na sigaw ng isang lalaking parang lider ng mga ito.
Before they could shoot, inunahan ko na. Pinaulanan ko ang mga ito ng bala.
I smiled when the other three had escaped. They were now hiding in the tall grass.
I hid again behind the car. I'm trying to locate them through their presence and small movements.
"Nasaan na iyon?" Rinig kong tanong ng isa sa kaniyang mga kasamahan.
"Anak ng Gago! Wag ako ang tatanungin mo!" Galit na sigaw nang isa.
"Tingnan niyo!" Galit na utos ng isa.
Napatingin ako sa aking kaliwa ng may narinig akong mga yabag. Hinanda ko na ang sarili ko nang makita ko na ang paa nito. Hinintay ko pa na humakbang ito ng isa bago ko sinipa ng pagkalakas-lakas ang tuhod nito, kaya napasigaw ito.
I positioned my gun at mabilis ang aking mga galaw habang walang pag-aalinlangang binaril ang ulo nang dalawang lalaking nakita ko.
May naramdaman ako dumapo sa aking kaliwang braso at may likidong dumaloy doon. Nanlilisik ang aking mga mata na tiningnan ko ang lalaking sinipa ko ang tuhod kanina.
Bago pa ulit niya kalabitin ang gatilyo ng kaniyang baril, ay natamaan na siya ng bala galing sa aking magkabilang pistola.
Nagkandalasog-lasog ang kanyang utak sa daan dahil sa ilang beses kong pagbaril ng kanyang ulo.
Ibinalik ko na ang baril sa aking gun pocket, saka naglakad palapit sa dalawang taong nailigtas ko.
"Sa-Sala...mat." Mahinang sabi ng lalaking nasa mid-40's. Nahimigan ko na parang may masakit sa kanya kaya napatitig ako rito. Nakahawak siya sa kanyang tiyan at marami ng dugo ang kanyang kamay na nakahawak dito.
I don't know why I helped them. What if they were the bad guys?
I shook off my thoughts. My instincts told me they were not. Bahala na nga. I could just kill them if ever I'm wrong for saving them right?
Nilabas ko ang aking phone. Nakita ko na malapit na sa lagusan ng short cut ang kotse ni Mr. Borroco.
Fuck.
I almost forgot what I really came here for. Darn.
Inalayalan ko ang ama na makababa sa kotse. Pinaupo ko ito sa gilid ng kalsada medyo malayo sa sasakyan nito.
Walang malay parin ang anak nito. Nakaupo ito sa driver's seat. Binuksan ko ang pinto at binaba muna ito bago ko binuhat patungo sa kinaroroonan ng kanyang Ama.
I was about to leave when I remembered. These two badly need to be hospitalized. What should I do? I can't call an ambulance or Police.
I dialed Connor. After, two rings ay sinagot agad nito kaya I felt relieved. "Hello Mast--"
"Track my location detector. Then call an ambulance from the nearest hospital. Someone's badly need it here right fuckin now." I ended the call before he could ask more.
Dinukot ko ang isang napakaliit na kulay itim na square. Umilaw ang letrang D na nakasulat doon nang ma activate ko. Nilagay ko ito sa damit ng Ama.
"The ambulance will be here in a minute. Just wait. I still have something to finish before the sun rises." Bibitawan ko na sana ang suot nitong coat nang bigla niya akong hawakan.
"Nagbabakasakali lang ako, na baka hindi na ako makakaabot. I want you to give this to my youngest son." He handed me a small piece of paper.
I nodded. "I promise that I will give this to him. I have to go now."
Sumakay na ulit ako kay Eleanor. Habang papalayo ako sa kinaroroonan nila ay sumabog ang kanilang kotse.
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo kay Eleanor. I have to kill that traitor as soon as possible. Mag-aalas kwatro na ng umaga at ilang oras nalang sisikat na ang araw.
Malapit na ako sa lagusan ng shortcut. May biglang dumaan na puting kotse kaya napangisi ako.
There you are. My precious five million.
Naka-full speed na si Eleanor ngayon, kaya ilang dipa nalang ang layo ko sa kotse.
Bigla itong lumiko sa isang lumang hardware at huminto sa harap niyon, kaya sinundan ko siya.
Binuksan ko ang driver's seat kaya lang wala ng tao sa loob.
Fuck! Naisahan ako.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob. May narinig akong mga putok kaya gumulong ako sa likod ng malaking metal na poste.
Pinaulanan niya ako ng bala kaya nanatili lang muna ako sa likod ng poste. Kinuha ko ang aking dalawang baril at dinukot ko ang dalawang magazine sa bulsa ng aking jacket. Pinalitan ko ng magazine ang aking baril.
Nagpalinga-linga ako sa aking paligid pero wala akong makitang maari kong paglilipatan ng pwesto na malapit lang sa kinaroroonan ko.
I don't have any choice.
Tumalon ako kasabay ng pagpapaputok ko sa deriksyon kung saan nanggaling ang mga putok ni Mr. Borroco. Nakahiga na ako ngayon sa sahig pero walang tigil ang pagpapaputok ko.
Dali-dali ako gumapang papunta sa likod ng mga drum. Napasandal ako at napahawak sa aking kaliwang braso ng medyo kumirot iyon.
Fuck!
Lalabas na ulit ako sa pagtatago pero agad akong napatigil dahil nakatutok na sa sentido ko ngayon ang kanyang baril.
"Did he gave you the command to kill me huh? That sly old man!" Nahihimigan ko ang galit sa kanyang boses. Alam ko na ang tinutukoy niya ay si Supremo.
Kinuha nito ang mga hawak kong baril sa hinagis. "But sad to say, he won't succeed. And of course, you too. You will die in my hands." Tumatawa pa siya na parang natutuwa sa mangyayari.
Napasinghap ko nang pinalo niya ang aking noo gamit ang baril na kanyang hawak kaya napaluhod ako sa harap niya.
I felt dizzy. I could feel my blood flows down my cheeks.
Fuck! Fuck! Fuck!
"I could totally understand that your wounds are torturing you." Nakangising wika nito.
Nakaluhod parin ako habang ito ay humakbang ng tatlong beses at umupo sa nakatumbang drum.
Nakatutok parin ang baril nito sa aking ulo.
"So what?" I grinned. "Are you trying to say that a small tuna can beat an injured shark?" I mocked him but I didn't expect him to just laugh.
I can't see through him. I can't detect his next move. Fuck.
"It depends on the degree of the injury." He shrugged off his shoulder while grinning from ear to ear. "But right now, I might win squarely, against the Prime Assasin of Supreme and the strongest Assassin in all Assassins Organization."
I started chuckling until I laughed. "I noticed the dark circles under your eyes. Do you hate me that much that you can't get a sleep?" Natigilan naman ito bigla.
He cupped his face using his free hand. "Oh? You've noticed?" Then he laughed again.
Is he still sane? He's literally crazy over me.
I know I'm pretty and all, but I didn't expect that someone at his age would be head over heels on me.
I already have a hint about him. He always have this weird expression in the face and those burning eyes whenever our path crossed. He never talked to me once.
"I don't care why, just hate me as much as you want. Because I'll just forget you in no time." I smirked.
His laugh is now getting into my nerves. Darn.
I could feel that he's really enjoying this.
That's it.
I should just wait and strike back when he let his guard off.
I will use my last card to finish him.
"What if I tell you that I am the reason behind the leaked of your photos? What if I tell you that I was the one who sold you to the Police? Does that help you to remember me, Dawn?" He's now walking towards me with the same grin painted on his lips.
Napayuko ako. Mahigpit ang pagkakuyom ko ng aking mga kamao.
I'm mad. This anger is burning inside my chest. "W-Why?" I could feel the anger runs in every corner of my nerves.
Pakiramdam ko para akong sasabog.
Palalim ng palalim ang aking bawat paghinga habang sinubukan kong kontrolin ang aking sarili.
If he hadn't leaked my photo then I could just freely wear my favorite necklace anytime and anywhere.
"The truth is, I just hate your guts and how they feared you. The one who I actually hate is Supremo. I convinced the Council to turn their back on him but they didn't listen to me. So I used you to shaken Supremo including the council. After I kill you here, I will take over the Supreme."
"So that was your plan? I'm sorry to say this but you have to take responsibility first of my anger."
" What?" Before be could react hawak ko na ang isang dagger. "Y-You... Bitch." Nanlaki ang mga mata nito nang mapansin ang nakabaon na dagger sa gitna ng kanyang dibdib.
"If you reacted that slow against the Prime Assasin, then you're 0.5 seconds slower." Wika ko habang naglakad palapit sa kanya at dinukot ang nabitiwang pistola nito. "Why don't you write a testament? I'm kind enough to revise it for you."
Pinalo ko ang noo nito gaya ng ginawa nito sa akin kanina gamit ang kanyang baril.
Napahiga naman ito sa sahig.
I walked slowly. "In any case, you're gonna die." Tinapakan ko ang dagger kaya mas lalo itong bumaon sa kanyang dibdib.
I could see his blood showered the floor.
"Y-You... Monster." I rack the gun and shot him twice.
Tumama iyon sa kanyang magkabilang mata kaya napahiyaw ito lalo.
I aimed his mouth. I saw blood coming from there after I shot it.
Tinutok ko ang baril sa taas at nagpaputok ng isang beses. Tinamaan ang lubid na nakita ko kanina.
Nagsimula akong maglakad palabas. Isang napakalakas na tunog ang dumagundong sa loob na nagpangisi sa akin.
Nasa labas na ako ng lingonin ko ulit ang pwesto ni Mr. Borroco. Natabunan na ito ng mga naglalakihang mga bakal.
Napangiti ako.
Serves you for messing with my necklace.
➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡

-rienLavander

Chasing ChicagoWhere stories live. Discover now