Final Battle

1.8K 78 0
                                    

"Wassup?" Ang unang salitang lumabas sa bibig ko matapos akong magdere-deretsong pumasok sa Bahay ni Paulie at agad na umupo sa couch.

"Eh kasi itong si Zen ee. He insisted that he will going to work at my boutique so he will not pabigat daw sa iyo. Sabi ko naman na wag na dahil sabi mo nga na ikaw na ang bahala sa kanya pero likas yata na napakatigas ng ulo ee samantalang matalino naman. Hindi niya pa nga naubos ang perang binigay mo. Ewan ko sa lalaking ito. Mukhang ayaw niyang gastusin ang perang bigay--"

"Is it true?" Malamig kong tanong kay Zen na kanina pa sinipa-sipa ang paa ni Paul pero hindi nito iyon pinansin dahil tuloy-tuloy lang ang pagsasalita nito.

Napayuko naman ang lalaki. "I was just thinking that... You shed a blood and even put your life in danger just to earn it so It's not good for me to just waste it." Pagdadahilan niya.

"The money I gave is already yours. Binigay na diba? Ibig sabihin sa iyo na. You already own it." Tumayo ako at naglakad-lakad. "If you will going to insist. Then... I'll let you choose. Use it or I'll shoot your head." Nanlaki ang mata niyang nakatitig sa pistolang nakatutok na sa kanya. "Ano?"

"Dawn! What are you doing?!" Gulat na sigaw ni Paul. But there's a hint on her voice that she was afraid. Alam niyang hindi ako magdadalawang-isip na barilin ang lalaking ito.

"His life depends on me. He needs to follow all what I said or else I'll cut his breath." Nakatingin ako sa mata ni Zen nang sabihin ko iyon. Kitang-kita ko naman na natatakot siya.

"So-sorry. Just don't kill me." Nagmamakaawa niyang sabi habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Do it again and you're a dead meat." Tanging sabi ko nalang matapos kong ibaba ang pistola.

Umupo ulit ako sa couch.

"Anyway, Saan ka ba galing at ngayon ka ulit bumalik?" Paulie open up a topic. I know that she tried to divert things para hindi na babalik pa kay Zen.

"I was just busy..." Napahinto ako at bigla ng tumunog ang phone ko. Narinig ko din na tumunog ang kay Paul.

[Final Battle...] Hindi ko pinagpatuloy ang pagbasa at pinasok ko ulit ang phone sa bulsa.

"I need to go." Paalam ko.

Tumayo na ako pero napatigil ako nang magsalita si Paul. "Dawn... Don't tell me na kasali ka sa Battle na'to?" Nakakunot noo siyang nakatingin sa akin.

"Yeah... Why?"

"What?! Dawn! This Final Battle is collision. They will going to put all the winners in an empty room. Magpapatayan kayong lahat doon at ang isang matitira ay siyang ihalal na panalo. And I doubt na may isa pa sa inyo ang matitira. For Heaven's sake! Lahat kayo ay may dalang sariling armas ninyo." Nakatayo na siya ngayon sa harap ko at ni-nerbiyos.

"Rei..." Rinig kong tawag ni Zen. Sinulyapan ko lang siya at nakita kong kinakabahan din siya.

Okay. Hindi naman sila ang lalaban diba? It's me who will going to fight later and not them, but why are they acting like that? Tss.

Bagay nga sila. Wait, mukha nagiging match maker na ako dito ah. Eeeew. No fuckin way. So boring.

"Don't you guys trust me? I can kill them all." Balewala kong sabi.

Halos himatayin na si Paul sa harap ko. "But what if... Maunahan ka? Pagtutulungan ka nilang pabagsakin ka? What if... Mamamatay ka doon sa loob?"

I just smirked at her. "Masamang damo ako. Matagal akong mamatay."

I don't have time with this drama.

Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa pinto, but Paulie said something that made me stop and look at her.

Chasing ChicagoWhere stories live. Discover now