Yuan

1.5K 54 3
                                    

YUAN'S P.O.V

Dalawang araw na simula noong dinakip siya ng mga pulis. Ilang araw naring laman ng balita ang mukha niya.

I burried my face on my palms.

Hindi ko malimot-limot ang larawan niyang nakita ko sa balita kani-kanina lang.

The angle of her face is perfect. Ang hanggang balikat nitong napakaitim na buhok ay mas lalong nagpapaganda niyon. She has this curved eyebrows, sharp nose, thin rosy lips. Napakaputi niya at napakakinis ng balat.

"ARGHHH!!!" I groaned.

I knocked back the one glass of Vodka Martini. Hindi pa ako nakuntento kaya nagsalin ulit ako at tinungga iyon.

I regret everything.

Bago pa dumating ang mestisong pinsan daw ni Rei, ay alam ko na ang lahat. Hinayaan ko lang siyang suntukin ako at hindi man lang umangal o nagsalita dahil gusto kong parusahan ko ang sarili ko.

The piece of paper that she gaved to me answered all. It was a password of my Dad's volt. Ang laman niyon ay ilang gold bars, diamonds at ibang mamahaling bato, password ng tatlo pa niyang volt at isang documento ng isang taong nagbabanta ng buhay niya- Si Chairman Takeda.

I know it's her Grandfather, pero itinakwil siya nito noong pinatay ni Rei ang kapatid niya. Lumabas ito sa balita.

Hindi ko alam kung totoo ba talaga ito. Mabait si Rei. Alam ko iyon at ramdam ko, sadyang kinain lang ako ng matinding galit, poot at pagkasuklam ko noong akala kong siya ang pumatay kay Dad at dahilan kung bakit na-coma si Kuya. Abot langit ang pag-sisisi ko ngayon. Alam ko at ramdam kong hindi niya iyon magawa sa kapatid niya. Hindi...

Naalala ko pa noon kapag magkasama kaming dalawa. May kung ano akong naramdamang kakaiba mula sa dibdib at tiyan ko pero binalewala ko iyon dahil sa pag-aakusa ko sa kanya. At ngayong wala na siya sa buhay ko. Doon lang ako nagising. Mahal ko na pala siya at namimiss ko siya... sobra. Pero huli na. Nasira ko na ang kung anong meron kami. Siguro hanggang dito na nga lang talaga kaming dalawa. Kakasimula pa nga lang, pero tapos na.

Tama nga sila. Malalaman mo lang ang halaga niya kung wala na siya. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi.

Kinuha ko ang iphone ko na nasa center table nang mag-ring iyon. Nasa tabi lang ito ng botelya ng alak.

"Hello?"

"Talaga bang aalis ka?" I heard Sanjo's sad voice. Himala yata at nakatawag ito saakin. Naubusan na yata ng librong babasahin ang lalaking to.

"Oo. I'm going to start a new life." Malayo sa kanya, para makalimutan ko siya dahil hindi ko na siya kayang harapin pa. Gusto kong idagdag pero hindi ko ginawa.

"Bakit?" Nabuga ako ng hangin sa tanong niya.

"I wanted to be responsible now, Sanj. I'm going to fly to New Zealand tomorrow. I'll stay there for 5 years or more dahil doon ako mag-aaral ng college, uuwi lang ako dito sa Graduation natin next week." It's hard to leave them, my friends, pero sa tingin ko kailangan kong unahin ang sarili ko.

"How about your brother? Kuya Reynald?"

"Isasama ko siya. I can't afford to left him gayong kami nalang dalawa. Hinding-hindi ko siya susukuan, Sanj. Never! I will never stop believing that one day he'll wake up." Unti-unting bumasag ang boses ko.

Nakakalungkot na ako nalang mag-isa, though kuya still here, pero iba parin iyong dati. I have my Dad and kuya to talk with. Ngayon iba na. Ibang-iba na.

"Dadalaw nalang kami sa iyo doon. Teka! Kamusta na pala si Zero? Nagka-usap ba kayo? Binalita kanina na ililipat na siya sa Muntinlupa bukas." Tuluyang nakawala ang luha sa aking mata.

Rei...

I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry.

I am so so so guilty.

"Balita ko pare, mabigat ang sintensya niya. Panghabang-buhay daw na pagkakakulong o di kaya'y bitay. Grabe! Naawa ako sa kanya. Crush ko pa naman iyon."

Hindi na ako nagsalin ng alak sa baso dahil tinungga ko ang isang botilya. Naramdaman ko ang pagdaloy ng alak sa lalamunan ko patungo sa tiyan.

Wala na nga si Dad, hindi pa nagising si kuya, nawala din ang babaeng mahal ko dahil sa maling pag-aakusa ko. I'm such a stupid! Idiot! Ako pa ang gumagawa ng hakbang para mawala siya sa tabi ko at ako din ang nagtanggal ng kamay ko sa pagkakahawak naming dalawa.

"Uy! Yuan umiinom ka ba diyan? Hayyy! Itong mga ka-gang natin tumba na sa sala. Nakaubos sila ng limang tequila. Nalulungkot sa sinapit ni Zero. Crush din daw kasi nila iyon ee. Sige pare ah, ihahatid ka nalang namin bukas sa airport. Gehhh Bye."

*toooot* *toooot* *tooo-*

Rei, ito nalang ang tanging paraang alam ko para hindi mo na ako makikita pa. Dahil kung mananatili ako sa bansang to, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong puntahan ka. Kung ang hindi pakikipagkita sa iyo ay ang paraan para makalimutan natin ang isa't isa titiisin ko.

Tama ang mistesong pinsan mo, I didn't deserve you.

Siguro hanggang doon nalang talaga ang istorya natin, dahil sa akin.

Bumagsak ang katawan ko sa sofa. Inantok na ako ng sobra, pero bago ko pa ipinikit ang mata ko may binulong ako.

"I love you, Goodbye."

➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡

-rienLavander

Chasing ChicagoWhere stories live. Discover now